Doyeon's POV"Eomma yeon, bakit po ako andito? Bakit ako may ganito po? Eomna yeon, uwi na tayo po. Ayoko dito, naglalandi lang si Tita Drea dito po e. Di po sya loyal kay Barnehhh." Sunod sunod na sabi ni Hani. Ikaw lang yung may dengue na madaldal jusme.
"Eomma yeon. Bakit po ikaw umiiyak pag dating mo po? May umaway po ba sa inyo? Away ko rin po sya kase pinaiyak nya po eomma ko!" Natapos na ko sa pagbabalat ng apple at lumapit sa kama ni Hani. Napatingin ako kay Drea na kumakain ng saging at nanunuod ng TV, sabi na, unggoy talaga 'to e. "Oo, uuwi tayo pag nagpagaling ka. Anong nararamdaman mo?" Tanong ko at ipinatong ko yung palad ko sa noo nya, sorbang init nya yet she still manage to be talkative like that. Okay rin siguro 'yon, kesa naman sa tahimik sya. Hindi ako mapapalagay kung ganun.
"Hilo po ako." Sabi nya at napapa-pikit. "You wanna sleep?" I asked her. Umiling sya. "May ikukwento po ako sa inyo eomma." Pahina ng pahina yung boses nya hanggang sa nakatulog sya. Hindi ko talaga kakayanin kung may mangyaring masama kay Hani.
"Doyeon, magpahinga ka." Sabi ni Drea kaya napatingin ako sa kanya. Naubos nya na yung saging kaya lumapit sya at kinuha yung binalatan kong apple. Patay gutom 'to. Bumalik sya sa sofa at nanunuod ng TV, sobrang hina naman ng volume kaya hindi maiistorbo yung pagpapahinga ni Hani. Umupo ako sa tabi nya at napahinga ng malalim.
"Salamat." sabi ko at sumandal sa balikat nya. She's been with us for a long time. Nung kailangan ko ng kasama, dumating sya. She's an angel, di nga lang halata. "Okay lang 'yon, sistuh. Kahit boyfriend na lang kapalit." Sabi nya at humagikgik.
"'Wag lang si Yeol. Magtutuos muna tayo." Napatingin sya sa'kin. "Yung.. yung Yeol ba na 'yon.." tanong nya at mukha syang natatae. "Nevermind. Imposible 'yon. Daming Yeol ba naman sa mundo e." At tumawa sya. Wala akong naintindihan sa sinabi nya.
"Ay, speaking of boyfriend. May gwapong kausap yung anak mo sa labas kanina, kahit mata lang kita, pak na pak na. Taray ha, lakas ng radar, mana sa Tita." Edi sana mata na lang sya.
"Ah! I have something to tell you." Sabi ko kay Drea. "The publishing company wants my novel to be a movie." Napatingin sya sa'kin at ngumiti.
"Edi masaya!" Sigaw nya at pumalakpak kaya pinagalitan ko sya, baka magising si Hani e. "No, it's not." Huminto ako sandali at napakunot yung noo nya. "I dont wanna accept it. If I do, my identity would no longer be a secret. Makikilala na nila si Endy, makikita na nila yung maganda kong mukha."
"Yes, I'll earn a lot of money here, kahit na pag-sign ko sa contract, babayaran nila ako. Pero aanhin ko naman yung pera, diba? I want a peaceful life like what we are having now." Sabi ko sa kanya at napaisip ako. Kapag nakita ng lahat yung mukha kong kay ganda, hindi imposibleng makita rin ako ng exo, and I don't want that to happen.
"Kung 'yan ang gusto mo, sige, go lang." tumango ako sa sinabi nya.
"Lalo na kung hindi ako yung bida." xx
Tingini, ako nga hindi nila pinayagan e. Ikaw pa kaya?
**
"Doyeon! Doyeon, friend gumising ka na!" Nagulat ako ng umaalog ako, inaalog ako ni Drea. Nakatulog pala ako. Nangunot yung noo ko pero agad ding napatingin sa paligid. Andaming nurse at may doktor. Nakapalibot sila kay Hani. Tumayo ako agad at tumakbo papunta don.
"eomma yeon..." bulong ni Hani kaya nangilid yung luha ko. Sobrang putla nya, at yung boses nya, sobrang lata. "Doc, what happened?" Tanong ko sa doctor na kung ano anong ginagawa.
"Her situation got worse, we need to transfer her to ICU." sabi ni Doc then he commanded the nurses. Inilipat nila ang anak ko sa stretcher. "Doc, please, gusto na pong umuwi ng anak ko. Please, pagalingin nyo na po sya." Sabi ko habang sinusundan ko sila at di ko na napigilan yung iyak ko. "We will do our best." Sabi ng doctor hanggang sa makaalis na sila ng tuluyan.
Napaupo at umiyak. Sana walang mangyaring masama kay Hani. Hindi ko kakayanin. "Doyeon." Sabi ni Drea at niyakap ako. Umiyak lang ako sa balikat nya. Di ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanya, baka di ko mapatawad ang sarili ko. Sya na lang yung dahilan kung bakit lumalaban ako. "Kaya ni Hani 'yan. Alam nyang uuwi pa kayo e. Gusto non dun lang sya sa bahay. Ayaw nya nga dito e, sobrang linis daw." Sabi ni Drea at itinayo ako.
Sumunod kami sa ICU at sumilip sa glass window. Andaming aparatus na naka-kabit sa kanya. Naiiyak ako lalo.
"Ms. Nam?" napalingon ako nung tinawag ako ng doctor. "How is she? Is she okay? Makakauwi na po ba kami?" Tinadtad ko ng tanong yung doctor. He heaved a sigh.
"I'll go directly to the point," he said and paused, as if choosing the right words to say. "She's not in a good condition. But I feel like.. like she's fighting. She really wants to go home." Napahikbi ako sa sinabi ng doktor. Naramdaman ko naman yung kamay ni Drea na humahagod sa likod ko.
Dapat hindi na kita pinabayaan. Dapat mas inalagaan kita.
"And I didn't want to say this but, you need to pay the bill first before we proceed. That's our regulations here." Nanghina ako lalo. "Ay, ano? Money first before life, ganon?! Mas inintindi nyo pa yung pampatubo mg buhok nyo kesa sa buhay ng Hani bee ko?! Aba matinde!" Sigaw ni Drea kaya ako naman yung umawat sa kanya.
"Kalma, di ikaw yung magbabayad." Sabi ko kaya bigla syang natauhan at ngumiti sa'kin. "Hindi ba?" Nabatukan ko tuloy sya. Wala sa lugar yung panggugulo neto e.
"I need to go." Sabi ng doktor bago sya tuluyang makaalis. Kinuha na namin yung bill ni Hani at umupo ako sa blue bench na malapit sa ICU. I wanna be here, para kung saka-sakaling ayos na yung anak ko, mapupuntahan ko sya agad. Tumabi sa'kin si Drea at inabutan nya 'ko ng pagkain pero umiling lang ako. "Hoy, Doyeon. 'Wag mo ngang patayin 'yang sarili mo. Simula nung dumating ka dito, wala ka pang kinakain. Its almost midnight."
"Wala.. wala lang akong gana." Sabi ko. "Magagalit si Hani sa'yo nyan, alam mong ayaw nyang nagkakaganyan ka e." Sabi ni Drea at inilapag nya yung paper bag ng pagkain sa lap nya bago hawakan yung kamay ko. "Malalagpasan nyo rin 'to." Pinunasan ko yung pisngi ko kase umiiyak nanaman ako. Oo, alam kong kaya namin 'to.
Napatingin ulit ako sa bill na hawak ko. How can I pay this? "Eomma yeon, eto oh. 'Yan lang yung nahiram ko kay papa e. Sorry ha?" sabi ni Drea at iniabot sa'kin yung pera. I looked at her. Umalis sya sandali para daw bumili ng pagkain, pero pumunta pa pala sya sa daddy nya para humingi ng pera. "'Wag mo 'kong tignan ng ganyan, kung ayaw mong tanggapin as bigay, utang na lang. Kay Hani ko papabayaran pag-laki nya." At tumawa sya. Ngumiti ako at kinuha yung binigay nya. Nahihiya ako kay Drea, pero utang naman daw e.
"Salamat. Babayaran kita agad." Sabi ko na lang. "Si Hani nga magbabayad e, kulit. At isa pa, maliit na halaga lang 'yan. Malaki pa rin yung kelangan mo para mabayaran yung bill." Malungkot na sabi nya.
"Bat di mo tawagan yung boyfriend mo?" Napatingin ulit ako sa kanya. Tawagan ko si Chanyeol? No, I know he's busy on his newly opened resto. Kakaalis nya lang nung isang araw and it would be hard for him to fly here. "Busy 'yon. Ayoko syang istorbohin e." Sagot ko kay Drea na nagpakunot ng noo nya.
"No dad would be too busy for his sick daughter and his suffering wife." Agad syang tumawa sa sinabi nya. "Niregla ilong ko don, infairness." At hinampas nya 'ko. Achievement nya na yon.
Napaisip ako. "Somehow, you have a point. But Yeol sacrificed too much for us. I don't want to depend everything on him, lean on him all the time. I wanna do it on my own this time." sabi ko at nakatitig lang sya sa'kin.
"Sakit sa ulo, paki-translate." xx
Gago talaga 'to.
"Pero anong gagawin mo ngayon?" Tanong nya. Napahinga naman ako ng malalim. I've been thinking about it earlier, at siguro ito na lang din yung magiging sagot.
Taking the risk, facing the reality. Just for Hani.
"I'll accept the offer."
X---X