Doyeon's POV"Babe." Napalingon ako kay Chanyeol at hinawakan nya yung kamay ko. "Anlamig ng kamay mo ah. You're nervous?" Tanong nya at tsaka ko lang napansin na andito na pala kami sa site.
"Medyo lang. Chanyeol, pano kung-" he cutted my words when he suddenly kissed me. "Ayan, kinakabahan ka pa ba?" nabatukan ko sya ng malakas. Punyeta e. Tinawanan nya lang ako at tinanggal yung seatbelt nya.
"You don't need to worry. I won't kiss you like that infront of them, kahit na gustong gusto ko." Muli, nabatukan ko sya. Nakakasura naman kase, hindi sya nakakatulong e. "Yeah. Itatago muna na'tin, for now. Chanyeol, I didn't make this idea para ikahiya ka, okay? It's just strange kung malaman nila yung relationship natin agad agad."
Tumawa nanaman sya. Nang-uulol ba talaga 'to? "Alam ko. Sa gwapo ko ba namang 'to, ikahihiya mo 'ko? No way!" napairap ko. "Kung ganyan ka kahangin, siguro oo." napatigil sya sa kakatawa kaya ako naman yung natawa. Sumimangot sya at tumingin sa'kin.
"Ah ganon?" At tinusok nya yung tagiliran ko kaya ako mas natawa. Jusme, 'wag ganyan. "Okay na, masaya na 'ko. Tigil na papabugbog kita." At hinawakan ko yung kamay nyang kinikiliti ako.
"Una na 'kong bababa, bye na." At nagwave ako sa kanya bago bumaba ng kotse nya. Napatingin ako sa campus na nasa harap ko, dito kase gagawin yung first scene ng drama. Oo, agad agad. Gusto kasing i-rush ng SM yung TV brodcast, kaya ayan, gahol lahat. Di ko alam pero kailangan daw andito ako.
Naglakad ako papasok at agad ko din namang nakita yung tent ng production team sa quadrangle. "Yah, Doyeon-ah!" May lumapit sa'kin si Latte habang winawagayway yung hawak nyang mga papel.
"Good morning." Bati ko at nagbow. Binati rin ako nung iba pang staff at umupo ako sa isa sa mga upuan don. Actually, di ko talaga alam kung anong gagawin ko. "Uhm, anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanila kahit may kanya kanya silang ginagawa. Humarap sa'kin si Latte kahit na tutok sya sa laptop nya.
"As the author, observe the scene kung tama ba or hindi. You're here to assist PD-nim, pak pak ganern." At muli syang nagtype sa laptop nya. Napatingin naman ako nung may van na dumating at huminto sa harap ng tent namin.
Nagluwa yun ng mga bakla. Dejk, lumabas yung exo don. Sabay sabay siguro silang lahat at si Chanyeol lang yung bumukod. Speaking of, nasan na ba yung tenga na 'yon?
Napahawak ako ng mariin sa jacket ko nung lumapit sila kasama yung manager nila. Binati nila kami at nagsimulang magsalita si Suho habang ako, nakatingin lang sa baba. Kaya mo 'yan, Doyeon. Kaya mo 'yan. "Let's have fun working together. Please take care of us!" At nagpalakpakan ng sabihin nya 'yon.
Nagulat ako nung may lumitaw na kape sa harap ko. Iniangat ko yung ulo ko at nanlaki yung mata ko. Ngayon ko lang sya natignan ng ganito kalapit ulit. "Accept it." sabi nya at ibinuka nya ulit yung bibig nya na parang may gusto syang sabihin pero hindi nya na tinuloy. Dahan dahan ko yung kinuha sa kanya, avoiding to have a physical contact with him. Napatingin ako nung binibigyan din ng iba pang members yung ibang staff. And they were actually looking at me.
"Thanks." at inilapag ko yun sa katabi kong table. Napansin ko na nakatayo pa rin sya sa harap ko kaya napaangat nanaman yung tingin ko. Nakatingin pa rin sya sa'kin. Dammit, nasan ka, Chanyeol? "Do you need anything?" Tanong ko pero nakatingin lang talaga sya sa'kin.
"Luhan, your script." At lumapit yung isa sa mga production staff sa'min while drinking his coffee at iniabot yung ilang papel kay Luhan. Napatingin naman sya sa papel na hawak nya at tumingin ulit sa'kin. "Yeah." At bigla nyang hinawakan yung wrist ko at hinila ako palabas ng tent.
"Luhan, where are you goin'?" Sigaw ng manager nila. Hindi huminto sa paglalakad si Luhan, I mean, kami. Itinaas nya yung hawak nyang papel at sumagot. "I'm going to study the script with the author herself." At mas humigpit yung hawak nya sa'kin gamit yung kabilang kamay nya.
Tinitigan ko yung likod nya at napansin ko rin na may hawak pala syang paper bag. Huminto ako at inagaw yung braso ko mula sa kanya. "Excuse me, pero san mo 'ko dadalhin?" mataray na tanong ko. Lumingon sya sa'kin, "Magpapaturo ako about sa script, you didn't hear that? I just can't contentrate in a crowded place like that, kaya lalayo ako ng konti. And I don't find anything wrong with that. Don't tell me iwas ka?" paliwanag nya. Yes, I need to stay away from him, but work is work- work work work work work lol.
"Okay." form of professionalism lang ang dahilan kung bakit ko 'to gagawin. No more, no less. Hahawakan nya na sana ulit yung kamay ko pero agad kong inilayo 'yon. "You don't need to hold me, hindi ako maliligaw." Napatitig sya sa'kin. Those eyes seem to be in pain, but he deserves it. He nodded and started to walk again kaya sinundan ko sya.
Naupo sya sa isa bench sa loob ng garden. Ang ganda, meron pala nito dito. He started scanning the script. "How come you're not Nian?" Sabi nya habang naglilipat pa rin sya ng mga pages. So he's not reading it?
"Baka magkamukha lang kami-" nagulat ako nung tumayo sya at isinandal ako sa puno na nasa likod ko. He trapped me in his arms. "I'm sure it's you. My heart can feel it." Tumitig sya sa mga mata ko. I tried to push him pero hinawakan nya yung kamay ko at isinandal yun sa puno.
"Hey, let go off me! Akala ko ba magpapaturo ka? Liar!" Sigaw ko sa kanya but he only smirked. "Ako ba yung sinungaling? O ikaw?" pinilit kong alisin yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya pero hindi ko nagawa.
"Hindi nga ako si Nian! I don't know who she is so let me go!" Umiling lang sya habang nakatitig pa rin sa'kin. "You're Nian Parker. Do you know how much I miss you?" sumimangot ako. How much you miss me? What the fuck? You missed your toy, huh?!
"I'm not the girl you're looking for, Mr. Luhan. Let go o kakasuhan kita." Pagkasabi ko nun nakita ko yung lungkot sa mga mata nya at dahan dahang lumuwag yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Lumayo agad ako sa kanya at babalik na sana sa tent kaso bigla syang nagsalita.
"If you're not the girl I am looking for, then why did you run away that time?" Nangunot yung noo ko. Lumakad sya at pumunta sa harap ko. Inilabas nya yung laman ng paper bag na kanina pa nya dala. "It's yours, isn't it?" Tanong nya habang hawak yung sapatos na naiwan ko nun sa mall kaya bigla ko ng naalala. Pitingini naalala ko yung paghihirap ko para makauwi. Fownyeta.
Bago pa ko makasagot lumuhod sya at kinuha yung kaliwang binti ko. "Grabbing someone is really your hobby, huh? Bitiwan mo nga ako." Sabi ko pero natanggal na nya yung sapatos ko at napalitan nung dala nya. Tumingala sya at ngumiti sa'kin.
"It happened before, at tinuhod mo pa nga ako sa mukha non, diba?" Napatingin ako sa kanya. Unfortunately, I remember. Pero umiling ako, "I have no idea what you are talking about. Why did I run, you ask? Magsisimula na kase yung mall tour nung group na 'yon, fan kase ako."
He doesn't look satisfied. But I don't care. Mag-isip sya hanggat gusto nya, I don't give a shit.
Tinanggal ko yung sapatos na isinuot nya sa'kin at sinuot yung suot ko talaga. Medyo magulo, intindihin nyo. "Mr. Lu, please tell the others as well. In this world, meron talaga tayong kamukha, we may have a very little percent to meet them. And it happened that Nian girl and I look the same. Ayoko ng ulit ulitin 'to, leave me alone."
I was about to walk away but then he spoke again.
"Pero bakit, bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka?"