Luhan
"Luhan oppa!"
Agad akong umayos ng pagkakatayo mula sa pagkakasandal ko sa kotse ko na naka-park malapit sa school ni Hani, dun kase yung alam ko. Lumingon ako dun at agad na ngumiti. Ngumiti din sya sa'kin at humagikgik. She looks so happy.
I can't explain the happiness inside my chest right now. My eyes can't stop smiling and my heart can't stop beating so fast. Ngayon, makakasama ko na sya hindi bilang kakilala lang. Anak ko sya, anak ko si Hani.
Tumakbo agad ako at ganun din ang ginawa nya pagkakalas nya sa pagkakahawak nya sa kamay ni Nian na walang reaksyon ngayon. Masakit, pero masaya kase andito na yung anak ko. Yumuko ako ng malapit na sya sa'kin at agad syang niyakap. Kumapit sya ng mahigpit sa leeg ko habang tumatawa. Tumayo ako at umikot ikot na naging dahilan ng pagtawa nya lalo. Masyado syang nag-enjoy, ako nahihilo na.
I stopped and moved my face a little away to see her face. "Luhan oppa! Namiss ka po ni Hani ganda." Then she flashed a smile again. I pouted because of the word "oppa" next to my name. "Hani, it should be appa." Sabi ko at napaisip naman sya.
"Pero may Appa Yeol na po ako e?"
It broke my heart more. More and it will break apart.
Dahan dahan akong napalingon kay Nian na nakatayo lang sa gilid sa di kalayuan. Lumapit sya at napatingin din si Hani sa kanya. "Kase Hani, special ka. Oha, sila isa lang appa. Ikaw dalawa, mang-inggit ka dali." Malambing na sabi nya kay Hani. She looks like a good mom, and I guess she really is. Napalaki nyang mabuti yung anak ko, anak namin.
"E bakit po ganun po? Ano po pinagkaiba nila po?" Nakapout na tinitigan ako ni Hani. I just realized that if you look at us from afar, we seem like a happy family. I wish that will happen. Tumitig ako kay Nian at hinintay yung sasabihin nya. Gusto kong sabihin na AKO yung totoong tatay nya at sampid lang si Chanyeol. "Hani, ako yung—"
"Si Appa Yeol mo, mahal ko. Si Appa Lu mo, tatay mo lang. Gets?"
Everything becomes slow motion, and it fucking hurts more.
She said it right before me. Walang pakundangan nya 'kong pinapatay.
I looked away and avoided eye contact with either two of them. Ayokong makita nilang nasasaktan ako. "Diba, Luhan?" Fuck, this is too much. Lumingon ako ulit sa kanila and I found a smirk on Nian's face. She loves it, she loves to see me hurting. I just looked at Hani who looks frustrated right now. "Oo, AKO yung totoo mong tatay." Empashized the word 'ako' to show Nian that I really am the father of her child.
"Alam mo yung photo copy? Ako yung original at sya yung xerox copy." Dahan dahan tumango si Hani sa sagot ko. Nakita ko yung pagkunot ng noo ni Nian. "That was too much." She said with an annoyed tone.
"Sinasaktan mo rin ako, e."
"That pain is nothing compared to the pain you gave me back then."
We had a stare game and I almost lost. Yes, I'm such an asshole for hurting such a queen like you. For throwing away a gold like you.
"Ehem, andito ako po. Share lang." Pareho kaming bumalik sa katotohanan ng nagsalita si Hani at kumaway pa sa mukha namin. Tumawa si Nian and I faked a laugh too. This kid has nothing to do with it. Di sya dapat madamay. "Masaya po magkaron po ng dalawang appa. Edi dalawang bubble tea din po. Yehet." She raised her hands and waved it cutely. And the word 'yehet' came out from her mouth was so adorable. She is really my child.
"Kotse nyo po 'yon? Buksan nyo po, pasok na 'ko. Init po e, masasayang kutis ko po." Tanong nya nung nakita nya yung kotseng nasa bandang likod namin. Malamang kotse ko 'yan, di naman ako carnaper na inaabangan 'yan e. But instead of saying that I nodded my head. Naglakad ako papalapit don at binaba sya bago buksan yung kotse. Pumasok naman sya agad sa passenger seat, actually nahirapan sya umakyat. Naguilty tuloy ako di pa 'ko yung nagpasok sa kanya sa loob. Mukhang kawawa yung anak ko e.