Twenty Four

28 2 0
                                    


Chanyeol

Tinanggal ko yung headset sa tenga ko at nag-inat. Nagko-compose kami ng kanta. Sabi ni manager-nim, gagawin daw OST nung drama namin. Ayos lang, na-miss ko rin e.

"Hoy, tenga."

"Hoy, dinosaur."

Bati namin sa isa't isa nung pumasok sa loob ng recording room si Chen. Bungad pa lang nya alam ko ng may nagbabadyang troll e. "Sino ba singer mo dyan?" At hinila nya yung upuan at tumabi sa'kin.

"Syempre, ako." At nag-pogi sign ako sa kanya. Nagpoker face naman sya. Lechugas, bumalik kana sa google chrome. Iniabot nya sa'kin yung isang cup ng instant ramen na kanina pa pala nya dala. #FairyChenMother "Sorry kung 'yan lang, 'yan lang nakita ko sa cabinet ng practice room e. Meron pa lang ganun don, bat di ko nadiskubre dati?" At nag-isip naman sya. Nanghihinayang siguro hindi nya natuklasan na may pagkain don. Wowie.

Ngumiti ako bago ko kunin 'yon. Eto talaga yung na-miss ko sa exo. Hindi si Chen ha, pero pwede rin baka magtampo e. Na-miss ko yung pag-aalaga namin sa isa't isa. "'Wag mong pagurin yung sarili mo. Nagda-drive ka pa naman pauwi. Bakit kase hindi ka na lang sa dorm ulit mag-stay?" Tanong nya at sinimulang patugtugin yung composition ko.

Yeah, lahat ng exo member, balik sa dorm. Maliban sa'kin. Umuuwi pa rin kase ako kila Doyeon, di ko na sila kayang pabayaan na sila lang. Nangungulit din kase si Hani e.

"Don't tell me may inuuwian ka ng bahay, sinong babae mo?!" At nagsimula syang magwala, "pagkatapos kong ibigay lahat lahat sa'yo, lahat ng rilakkuma na makita mo sa mall binibili ko, tapos ipagpapalit mo 'ko-"

Pero natigilan sya nung hinapkido sya ni Baek sa mukha. Boom aray. "Drama mo, bat kaya di na lang ikaw yung leading lady?" Sabi ni Baekhyun at napansin kong nagsidatingan na rin yung iba.

"Pero san ka nga ba umuuwi, Chanyeol hyung?" tanong ni Jongin habang nakasandal sya sa pader. Napatingin sa'kin yung mga bagong dating. Hindi pa rin inaalis ni Jongin yung tingin nya sa'kin, parang hinihintay nya talaga yung sagot ko. ChanKai na ba itu?

Tumahimik ako sandali at nag-isip, "Kay Appa-ssi. Mahina na kasi sya kaya inaalagaan ko." At ngumiti ako kay Jongin. Tumango tango naman sya, but that face, that face doesn't express satisfication. Hindi ko na lang pinansin at tumingin sa iba na dinadama yung tugtog.

"Chanyeol, ito na ba yung gawa na'tin kagabi?" Tanong ni Lay.

"Umigad, anong ginawa nyo kagabi?" At tinakpan ni Sehun yung bibig nya. Binatukan naman sya ni Kris hyung. Hindi na inosente yung maknae namin. Sad nu. "Yeah, Xing. Ang galing mo e." Sabi ko at ngumiti kay Yixing.

Looking at everyone now, nabalik na talaga sa dati. Si Kyungsoo sinusungitan pa rin si Kai, actually bakit pati kami nadadamay. Si Tao na hindi tinatantanan si Kris hyung. Si Suho na laging nabu-bully naming beagle line. Si Xiumin hyung maliit pa rin dejk. Si Luhan hyung nakikipagdaldalan lagi kay Sehun. Si Lay tahimik pa rin. May hindi ba 'ko nabanggit?

"Woah, Chanyeol-ge! Hugot mga lyrics nito ah?" At nakita kong hawak ni Tao yung notebook na sinusulatan ko ng lyrics. Agad akong tumayo para kunin 'yon pero siniko nya 'ko sa mukha. Puta, magsama kayo ni Baek. "Inlove kaba?" Tanong ni Tao at tumawa sya. Sumimangot naman ako nung lumapit yung iba kay Tao at binasa rin yung hawak nya.

"Ay, oo nga. Inlove thi hyung!" Sigaw ni Sehun at tumakbo sa'kin sabay kiniliti yung tagiliran ko. Lumayo naman ako sa kanya. Litsi, may sinabi ba 'kong di na inosente si Sehun? Tell me, may sinabi ba 'ko?! "Bitch please, may nalalaman ka nang ganto, Chanyeol? Binata ka na? Tuli ka na?" Asar ni Kris hyung at tumawa na alam nyo yung tawang te-hee at feeling nya ikina-cool nya 'yon.

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon