Thirty One

41 2 0
                                    


Eri

"Yah, looks like you're not having fun."

Walang buhay akong lumingon kay Tao at nakita kong may hawak syang glass wine at kumikembot kasabay ng beat ng music. Mukha syang bading. "I'm having fun." At ginaya ko ng konti yung dance moves nya kaya inirapan nya ko. Lol bading ka talaga. "You should be happy, our Nian is back!" At gumegewang syang naglakad palayo sa'kin.

Bumuntong hininga ako at umupo sa upuan na nasa gilid. Yeah, I should be happy pero.. pero bakit di ko magawa?

"Hey, YEOJA CHINGGU." pinagdiinan nya talaga yung girlfriend anak ng tinapa talaga. Inabutan nya 'ko ng glass wine habang may hawak pa syang isa sa kabila nyang kamay bago umupo sa tabi ko. "Oh, anong gagawin ko dyan?" Tinaasan nya ko ng kilay kaya tinaasan ko rin sya ng kilay, ano akala nya hindi ko kaya?

"Gusto mo ibuhos ko sa mukha mo 'to?" Umirap sya. "Syempre iinumin. Taong kweba kaba?" Sabi ni Baekhyun at inilapit ulit yung glass wine sa'kin. Tumitig ako don bago ibalik yung tingin ko kay Baekhyun.

"Hindi ako umiinom." Sabi ko at itinabig ng konti yung kamay nya para ilayo sa'kin yung hawak nya. Ngumisi naman sya sa'kin. "Oh, talaga? Tingin ka dun." At ngumuso sya kaya sinundan ko kung san sya nakatingin. It's Nian and Chanyeol and they both having fun. Sumimangot muna ako bago kunin sa kamay ni Baek yung glass wine. Tinawanan nya naman ako.

"You're so mean, why did you do tha- pwe, ampait ah." At inilapag ko sa pagitan namin yung glass wine na bigay nya. Ano ba 'yon? Kadiri yung lasa. "I know. I know you're hurt." Sabi ni Baekhyun habang nakatitig sya sa pool. Bumuntong hininga ako at tumingin ulit kila Chanyeol. Yes, Chanyeol made my heart beat again. But he's also the reason why it's tearing apart.

"Hindi, masaya ako. Masaya ako para sa kanya. Finally he became happy." At ngumiti ako pero naramdaman ko na may tumulo galing sa mga mata ko kaya pinunasan ko 'yon agad. "You're not a good liar. I'll teach you how to be one." Sabi nya at lumagok sa wine nya.

"I'm a good liar. Napaniwala nga na'tin si Chain na tayo, diba?" Sabi ko at nag-pogi sign. Natigilan naman sya at lumingon sa'kin habang nakasimagot. "And why did you do that by the way?! Nangilabot kaya ako!" sigaw nya at hinagod yung braso nya, "look, nakatayo yung mga balahibo ko oh."

"You'll only know the importance of something when it's gone." sabi ko, "nabasa ko din 'yon sa libro ni Nian e."

Nakatingin lang sya sa'kin at sa tingin ko may sense naman yung sinabi ko. "Malay mo, marealize ni Chain na ikaw talaga yung mahal nya kapag wala ka, diba?" Tumango sya ng konti pero tumigil din agad, "E pano kung hindi?"

"Edi tayo na lang dalawa."

Nakatanggap ako ng hapkido mula sa kanya. Feeling ko nabuhay kaluluwa ko don a. "Di ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo, Eri? Ako sukang suka na e." At hinagod nya yung chest nya. Tumawa naman ako.

"Mahal na mahal ko si Chanyeol. Bakit ganun, Baekhyun?" Yumuko ako at hinayaan ko ng dumaloy yung mga luha ko. Kahit na dapat masaya ako ngayon, bakit ba 'ko umiiyak? Ang KJ ko naman masyado. "I love him so much and it hurts." Pero mas ayos na ring ako yung masaktan, kesa sya, diba? Ayos lang kase sya, masaya na. Gusto ko maging masaya para sa kanilang dalawa pero umiiyak ako ngayon.

Naramdaman ko yung pagtapik ni Baekhyun sa likod ko. "Parte ng buhay ang masaktan, depende na lang sa'tin kung pano yun lalabanan." And he hushed me habang ginugulo yung buhok ko. "Teka, pagkatapos mo 'kong hapkido-hin patatahanin mo 'ko? How dare you!" At hinampas ko sya kaya natawa kami pareho.

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon