Drea's POV
"Hindi ko nanaman nakita tatay mo, hani bee. Hays." Sabi ko kay Hani na naglalaro lang habang nanunuod ng spongebob. Naramdaman kong may sumipa sa pwet ko, ouch, kaya na-fflat e. "Gagu, boyfriend ko na 'yon. 'Wag kang maglandi dyan." At sinampal nya ko, aray ko. Si Hani kase kausap ko e.
"Eomma, isa pa po, di ko nakita e." At tumawa sya. Sasampalin sana ulit ako ni Doyeon kaso kay Hani nya pinunta yung kamay nya, pero mahina lang. Teka bakit yung sakin medyo malakas? Hustisya. "Aalis na 'ko. Kiss ko?" at yumuko si Doyeon para magka-level sila ni Hani na naka-pout at the moment.
"Ayoko po. Sampal nyo po ako e." At humarap na sya sa TV. Galing na artista talaga ni Hani. "Igaganti kita, bubuyog." At sinampal ko si Doyeon at natumba sya. Boom panes the last laugh is mine mwahaha!
Nagulat naman ako nung binato nya ko mg barbie, ay actually, ulo ng barbie. Isa isa nyang binato sa'kin yung parte ng katawan ni Barbie na nagpaka-ninja naman ako para iwasan. Naawa ako kay kase na-chop chop yung katawan ng magandang plastic, rest in peace, Barbie. Akin na lang si Ken.
"Hah, akala mo a!" Sabi ko nung naiwasan ko lahat ng binato nya. Nakatingin na lang sya sa box na hawak nya, wala na syang weapon. Nagulat ako nung binato nya yung kahon. "ay, pitingini!" Sigaw ko nung tumama yun sa mukha ko.
"Hala, mommy! Kinalat mo yung toys ko po!" sigaw ni Hani nung narealized nya yung nangyare. Masyado syang natuwa kay Spongebob kaya nakalimutan nya kame. Sad lang. "Lilinisin ni Tita Drea mo 'yan, bye." At hinalikan ni Doyeon si Hani sa pisngi bago lumabas ng bahay. Nakakaloka tong si Dodo, wala namang dodo. 'Wag nyo na lang sabihin sa kanya, baka di na 'ko makakain dito e.
"Hani bee, di ko nanaman nakita tatay mo. Sayang." At tinabihan ko sya sa panunuod nya kay spongebob, nagulat naman ako nung humiga sya sa tiyan ko kaya napahiga din ako. Itong batang 'to, mana sa ina, brutal.
"Tita Drea, daddy ko na po 'yon. Humanap ka na lang po ng iba." Sabi nya at tumalon talon sa tiyan ko. Pakiramdam ko napisak na yung mga lamang loob ko sa ginawa nya.
"Humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay." Sabi nya sabay tawa, inapiran ko naman sya. Tinuro ko sa kanya 'yon kahapon e, bait talaga nito. "Pero tita, 'wag na po talaga si appa yeol. Kay Barney ka na lang po." Ngumiwi ako sa sinabi nya at inabot sa'kin yung stuff toy ni Barney, ay seryoso sya?
"Bebe, landian mo. Repeat after me, BAR-NEHHH." Tumawa lang ako. Lagi na 'kong andito simula nung 2 years old pa lang si Hani, e kasi naman, nakikita ko si Doyeon na minsan mag-isa lang. So bilang mabait na mamamayan, tinulungan ko sya. Di ko alam, magaan loob ko sa kanya e. Baka kamag-anak ko? Baka sya talaga amg tunay kong ina?
Pero kahit na eto, binubugbog ako ng anak nya, di ko sila kayang iwan e, lalo na si Hani. Isa pa, libre pagkain ko dito, rapsa.
At sa loob ng dalawang taon na pamamalagi, lol lalim, pagtambay ko dito, di ko pa nakikita ama nitong si Hani.
Titignan ko kung pano pumatol kay Doyeon lol.
Nilabas ko yung phone ko at nagsisisigaw si Hani sa tabi ko habang nagwawala don. Ipinasok ko uli yun sa bulsa ko kaya natahimik sya, inilabas ko ulit nag-ingay nanaman. Labas, pasok, labas, pasok.
"Pinagtitripan nyo po ako e." Sabi ni Hani at kumamot. Itong bulinggit na'to, ang talino na nya ata magsalita? Ganun ba talaga pag lagi akong kasama?
"Bakit ba tuwang tuwa ka rin?" Sabi ko at umupo mula sa pagkakahiga sa carpet ng sala. "Ewan po, ganda po kanta nila e." At kumandong sya sa'kin. Inilabas ko yung cellphone ko at hininaan ng konti yung TV, di malakas speaker neto, bigay lang ng wowowin to e joke.
Nagsimula na yung kanta at sumasabay ng konti si Hani. Kahit na medyo pang-bumbay yung lengwahe nya. Nung pagkatapos ng second chorus tumayo sya sa harap ko.
"E-X-O." at may kasama pang kamay. Napasapo naman ako sa mukha ko nung para lang syang nag rajibukin technique ni Naruto don. "Hindi ganyan, Hani b. Ganto oh." At ginawa ko yung EXO part ni Sehun. Pumalakpak naman sya.
Oo, EXO-L pa rin ako. Kahit na wala ng exo. Masaquette.
"Pareho lang naman po e." Seryoso nyang sabi. "Hindi b, yung sa'kin pang-exo, sa'yo pang ninja e." At inulit ko yung ginawa nya. Kulang na lang ata talaga yung effects sa naruto e.
"Pero sabi mo, appa yeol tawag mo sa tatay mo diba, bebe?" tanong ko kay Hani at tumango tango naman sya. "Opo. Si appa yeol po tas si chanyeol ng exo, iisa po." Tumawa ako mg malakas sa sinabi nya. Yan yung dahilan kung bakit gusto ko ng makita tatay nito e, lagi nya kaseng sinasabi na tatay nya si Chanyeol. Pasalamat sya mahal ko sya.
Tumayo sya. "Matangkad po si appa yeol, mga ganto!" At itinaas nya ang kamay nya at tumalon na para ngang pinapakita yung height ng tatay nya, na parang hanggang tuhod lang naman yung nagawa ni Hani. "Tapos po, lab nya po ako. Pati po si eomma yeon, lab nya rin po." At ngumiti sya.
"Edi sya na may love life." At tumayo ako para pulutin yung kinalat ni Doyeon, nakakaloka. "Kayo din po meron na ah? Lab ka po ni Barnehh." At lumingon ako sa kanya ng iniwagayway nya si Barney na malapit ng matanggal yung isang mata.
"Hani bee, hindi pagmamahal ni Barnehh kelangan ko. Mapapakain ba ko nyan?" At inagaw ko si Barney sa kanya at ipinasok sa box. "Kelangan ko si Lay. Et sye mepepekein nye eke ng teleng." At niyakap ko yung sarili ko.
"Talong po? Favorite nyo po 'yon? Ako bubble tea po." At bumalik sya sa panunuod ng TV. Tumango na lang ako. Baka kung ano pang matutunan sa'kin ni Hani, mapakain pa ko sa pating ni Doyeon e.
Iniwan ko muna sandali si Hani sa sala at hinugasan yung mga plato. Yaya ang peg ko dito, pagkahatid ko kay Hani sa nursery school nya, dumidiretso ako sa resto nila papa. At manginginain ako dun. Pagkatapos ko maghugas bumalik ako sa sala para ayusin yung mga bagay bagay don. "Hani bee, inaantok ka? Anong ginawa mo kagabi bakit puyat ka?" Tanong ko nung nananahimik lang sya sa isnag side ng sofa at hindi na naka-focus sa pinapanuod nya. Namumutla na rin sya kaya kinabahan na ko.
Ganto ba nangyayare pag magiging ninja kana? xx
"Tita Drea, umiikot po kayo. Hindi po ba kayo nahihilo? Ako po hilo na e." Sumigaw ako bago sya tuluyang natumba.
