Doyeon's POV"Eomma yeon," humarap ako sa kanya. Nanunuod kami ng TV ngayon pero halos wala akong naintindihan kase daldal sya ng daldal. "Ano?" Ibinalik ko yung tingin ko sa TV. Nanunuod ako descendants of the sun.
"Tingin ka po muna sa'kin." Nakasimangot akong lumingon sa kanya. Wala talaga akong naintindihan sa episode na 'to, salamat kay Hani. "Ano ba 'yon?" Kunware galit ako, pero seryoso, malapit na. Ipapa-reenact ko sa kanya 'to pag wala akong naintindihan e.
Basta ako si Irene ng Red Velvet dito. xx
"Bakit po ang ganda ko po?" Natahimik ako sa sinabi nya. Pucha, linya ko 'yan e. "Maganda kase eomma yeon mo. Oh 'yan, manahimik kana a? Nanunuod ako, makukurot na kita." At paglingon ko.
Barney and friends na. xx
"Uy, ibalik mo 'nak." At inagaw ko sa kanya yung remote. "Pero andyan po yung boyfriend ni Tita Drea, baka andyan din po sya kaya wala sya dito." At inagaw nya ulit sa'kin yung remote.
Si Drea umalis. Pumupunta din kasi sya sa resto nila, minsan tumutulong sya dun, at minsan din, kami yung tinutulungan nya. Kaya alam na kung bakit wala syang lovelife.
"Doyeon?" Sabay kaming napalingon ni Hani don. "Grampy! Grammy!" Sigaw ni Hani at gusto nya sanang bumaba pero pinigilan ko sya kase baka mabinat sya. Inilapag ni Mama yung dala nyang prutas sa may side table at lumapit sila ni Appa sa'min at agad namang nagmano si Hani.
"Namiss ko kayo po, mga ganito!" At ini-strech ni Hani yung braso nya para ipakita kung gano nya namiss yung lolo't lola nya. "Okay kana ba, apo? Nag-alala kami sa'yo kaya pumunta kami agad dito." Agad na tumango si Hani at ngumiti. Yes, Hani is fine. She's really strong to overcome that kind of situation. Mga ilang araw pa bago sya ma-discharge dito.
Humarap sa'kin si Mama at niyakap ako, ganun din si Papa. "Gusto ko sanang isama si Demi, pero.." sabi ni mama pero tinignan ko lang sya ng makahulugan. "Alam ko, anak. Hindi ko naman pipigilan yung gusto mo e." Sabi ni mama sa'kin. Lumapit rin si Papa samin at lumayo muna kami ng konti kay Hani, nanunuod naman sya Barney e, babalikan ko yung dots mamaya.
"But Nia- I mean, Doyeon, hindi ka habangbuhay na makakapagtago sa kanila, you know that." he said with a worried tone. "Makikita ka rin nila, and Hani. At magtatagpo din yung mag-ama." He continued.
"No, dad. Luhan won't even have a chance to see Hani. I won't give him." I paused. "And besides, Chanyeol is being a good dad to my daughter. Hindi na namin kailangan si Luhan." Matigas na sabi ko.
"If ever na makita nya ako, or ng kahit na sino sa exo, I'll pretend that I'm not Nian, well to be honest, hindi naman na talaga ako si Nian. I'm living as Nam Doyeon now." Pagpapatuloy ko. Nakatingin lang sila sa'kin.
"Sorry, eomma, appa. Dahil sa'kin nakakapagsinungaling kayo, kahit kay Demi." At niyakap ko sila pareho. I closed my eyes and remembered that day.
We finally arrived Korea. Buong byahe, I was just crying and dad couldn't do anything about it. Pagkauwi namin, natulog ako without saying a word. I just felt so tired; physically, mentally, and emotionally tired. When I woke up, lumapit agad ako kay papa na inaayos yung gamit nya.
"Have you already unpacked your things? Lagay mo na lang dun sa cabinet-" napatigil sya ng nagsalita ako. "No need." Napatingin sya sa'kin.
Ikaw na lang mag-ayos, char. xx
"What do you mean?" He asked. When you nod your head yes, but you wanna say no. What do you mean~ huminga ako ng malalim. Tama na, hindi ako believer e. "Dad, I want to hide." Sabi ko kaya tinignan nya ko ng makahulugan.