Doyeon's POV
Anak nga naman ng magandang si Doyeon oh.
"Hindi pinapakain ng pancakes ang sahig." Sabi ko at tinapik ng mahina yung mataba nyang pisngi. Nagpout sya."'Wag mo 'kong mangusu-ngusuan dyan. Baka gusto mo hilahin ko 'yan?" At tinatarayan ko talaga sya. binalik ko yung kinalat nya sa plato.
Nam Hani. Bakit kaba nagmana sa'kin?
"Eomma. Galit ka po sa'kin?" Sabi nya at nakita kong maiiyak na sya. Muntik na 'kong matawa. Masarap pagtripan 'tong batang 'to e. "Hindi. Ganto ako matuwa e." At tinalikuran ko sya. Sino ba naman matutuwa kung may kasama kang batang tuturuang lumipad yung pancakes. Jusko.
"Galit ka po sa'kin." Sabi nya. Di na sya patanong e. So na-confirm na nya. Di ko pinansin. Tumatawa na 'ko ng walang tunog. Sarap mo pagtripan anak. Itinabi ko yung "flying pancake" nya sa kusina at bumalik sa dining table. Nakita kong nakaupo pa rin sya sa kung saan ko sya iniwan at naka-pout ng sobra. "Oh ano—"
"Doyeon!" Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto at nagluwa ng isang masamang espiritu. "Titaaaaaaaaa!"
Kumunot yung noo ko. So naghahanap ka lang pala ng kakampi.
Tumakbo si Hani papunta kay Drea. Niyakap nya yung binti nito at dun umiyak ng todo. Lalo akong sumimangot.
Pwede ka ng artista.
"Binu-bully mo nanaman yung anak mo?" Tanong nya at niyakap nya si Hani. "I-Inaaway po ako ni m-mama!" Grabe sya. Tumingin ng masama sa'kin si Drea. Ngumiwi lang ako.
"Doyeon, ikaw aawayin ko e!" Sabi ni Drea. Tumingin sa kanya si Hani at tumango tango. Ayos lang ako, kayo talaga yung mag-ina e. Kinamot ko yung ulo ko at lumapit sa dalawa. Sinipa ko si Drea at inagaw ko yung anak ko sa kanya.
Yes, I'm already a mom.
"B-Balik mo po ako kay tita! M-mas love n-nya po ako!" sabi nya at sinuntok suntok yung mukha ko. Di sya masakit, parang massage nga lang e. "Mas love mo ba si tita kesa sa'kin?" Tanong ko. Umiiyak pa rin si Hani ko. Nakakakunsensya tuloy na pinagalitan ko sya dahil sa pinalipad nyang pancake. Teka tama lang, ang hirap kaya lutuin non!
Sasagot na sana sya nung nakita kong tumingin sya sa likod ko. Bale nakaharap kase sya sa'kin. Lumingon ako at hinagisan ng unan si Drea na sumesenyas. Bad influence 'tong kupal na 'to. "Sorry na. Dapat di kita sinigawan. Pero promise mo kay mommy 'wag mo na uulitin yun ha?" At pinunasan ko yung luha nya. Medyo kumalma na sya.
"O-Opo. Mug na lang papaliparin ko po." Nasapo ko yung noo ko. Tingini, bat ba namana ng batang 'to yung pagiging sarcastic ko. Sa'kin din balik e. "Aniyo~" nagpout ako. Baka makasapak na 'ko e, umiwas ka sa'kin Drea. "Dapat pahalagahan mo yung ginagawa ko para sa'yo. No, kahit di lang ako. Dapat bigyan mo ng importansya yung ginagawa ng ibang tao para sa'yo. Ganun ka namin kamahal e." At kiniss ko yung magkabila ng pisngi.