Fifteen

45 2 0
                                    


Luhan's POV

Napasinghap ako sa nangyayare. Alam kong mas tahimik ang van ng exo-m sa k, pero hindi naman ganitong tahimik. Tumingin ako sa kanila isa isa at nakita kong wala ngang nagkikibuan. Painful, but this is reality. "We're here." binasag ni manager hyung ang katahimikan pagkasabi nya non. Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa basement parking lot kami.

Pinatay nya yung engine ng van at bumaba na. Sumunod naman kami sa kanya isa isa. Nagsibabaan na rin yung mga nakasakay sa kabilang van. "Manager hyung, anong ginagawa na'tin dito sa KBS?" tanong agad ni Baekhyun. Tumingin ako sa paligid at oo naalala ko na, nasa KBS building nga kami.

"You'll see." At sinenyasan nya kaming sumunod sa kanya and we did. Sumakay kami ng elevator at tahimik pa rin. Nakakailang na din kapag dumidikit yung braso namin sa isa't isa. Hindi tulad dati na kahit anong skinship, okay lang. Yung tipong nag-kiss talaga si Lay at Sehun sa harap ng national television. Sehun + Yixing = SeXing.

May sumundo samin na staff ng KBS at ginuide kami sa isang room na may nakapaskil na "exo" sa pinto. "Anong gagawin namin dito?" sabi ni Suho nung nakapasok na kaming lahat. Tumingin si Manager Hyung sa phone nya, schedule siguro namin. "Dito muna kayo. We'll proceed to the meeting hall right after Mr. Youngmin arrives."

"Bakit hindi pa ngayon? Pabebe naman." pagkasabi ni Jongin non umupo sya sa isang sofa. Dressing room 'to e. "Teka, para san ba talaga 'to? Di kami na-inform na sa KBS pala tayo pupunta. Hindi naman tayo magbibiglaang comeback dito diba?" Sabi ni Jongdae at lumapit sa closet. Hindi sya pinansin ni Hyung, masakit talaga 'yan, Chen.

"Susunduin ko na lang kayo dito." manager hyung said before he left. Napabuntong hininga ako. I'm inside the room with people who pretend they don't know each other. Sobrang saya naman nito. Grabe. Kung ano ano ng ginawa nila pero walang nagsasalita, pati na rin ako.

"Naaalala nyo pa nung.." pagkasabi ko nun, tumingin sila sa'kin. I guess, they were shocked that someone would dare to open up. "..nung first win na'tin? Suho cried like a baby back then." At pumikit ako para alalahanin yung unang beses na nakahawak kami ng trophy as a group. That moment was enchanted. The time when the MCs announced that EXO was the winner that time, I wanted to cry like what Suho did, but I held back. Manly ako e.

"Pft, meron akong GIF non sa phone ko. " napatingin ako nung nagsalita si Xiumin. Gusto nyang tumawa pero pinipigilan nya. "Gusto ko na lang mag-walk out bigla non e, di ko kilala 'yan." At narinig ko ring sabi ni Baekhyun at hinampas si Suho na nakatingin sa kanya.

"Mga nagsalita naman, guys, just admit that you also cried inside the comfort room! I caught Kris hyung inside the cubicle." Pagkasabi ni Sehun non, lumapit agad sya kay Kris at niyakap kase parang makakapatay na sya ng tao ng di oras. "'Wag nyo bully-hin si Suho hyung!" Sigaw ni Tao at inakbayan naman si Junmyeon na di alam kung makikipagsabunutan na ba o ano.

"Yung gucci ko ha?" bulong ni Tao na narinig din namin kaya nagtawanan kami. Hearing everyone's laugh is like a melody to my ears. Nakakamiss kase talaga. Tumigil kami sa kakatawa at tumingin sa isa't isa.

"Guys, I'm sorry." I said and bowed my head. I know I caused them too much trouble, hindi pa sapat yung limang taon para mapatawad ko yung sarili ko. I felt a hand on my shoulders, at nung iniangat ko yung ulo ko, I saw Suho. "Everyone makes a mistake, right?" At nginitian nya ko. Hindi ko na napigilan yung luha ko at niyakap sya bigla.

Lumapit din yung iba at naramdaman ko yung pag-tap nila sa likod ko. "Actually, hindi ko ine-expect na mangyayari pa 'to e. Exo as one again. It's like a dream, and I don't wanna wake up anymore." sabi ni Suho at mas hinigpitan yung yakap sa'kin.

Exo's Daughter (TWCMS3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon