Luhan
"Appa Lu, mukha po kayong babae. Mas maganda pa po ata kayo kay Eomma Yeon. Appa Lu, sure ba po kayo na lalaki po kayo? Ganda nyo po e, mga kasing ganda ko po. Sa inyo po siguro ako nagmana po." Ang daldal ni Hani sa tabi ko pero hindi ko sya pinapansin kase nakatingin lang ako sa kusina. Kila Nian at Chanyeol to be specific. "Appa Lu, pansinin nyo naman po ako." Lumingon na 'ko sa kanya and she was pouting. Nakaupo lang kami dito sa sofa at sinisiksik nya yung sarili nya sa'kin while we are watching on cartoon networks.
"Hani, 'wag ka maingay. Nanunuod ako." Sabi ko at tumingin ulit sa kusina. Shit, they look having fun. "Gusto nyo din po si Barnehhh? Aagawan nyo pa si Tita Drea? Taksil po kayo." Natawa ako ng narealize ko na Barney and Friends pala yung pinapanuod namin. Nandiri ako bigla, di ako papatol sa color violet.
Isinandal ko na lang yung ulo ko dun sa sandalan ng sofa and stared blankly at the ceiling. Si Hani nanunuod lang don. What does Barney have to be liked by her? And wait, what? Anong klaseng pronounciation 'yon? Barnehh?
"Chain."
Hinawakan ko yung kamay ni Hani at hinila ko sya palikod sa'kin. Alam kong mapapraning si Chain kapag nalaman nya na may anak na 'ko. Dammit. "Hi everyone, anong meron dito?" She asked while looking around. Napansin nya rin siguro yung party stuffs na decorated dito. "And who is she? Hi there, kiddo!"
She tried to walk closer pero umatras kami. Ayoko. Ayokong saktan nya si Hani. Baka makalimutan ko na may sakit sya. "What's with you, Luhan? Who's that little girl? Come here, baby." Yumuko si Chain para ka-level lang nya si Hani. "Hello po! Ako po si Hani po, appa ko po si—" agad kong tinakpan yung bibig ni Hani at tumitig lang si Chain sa'kin. Inspecting every inch of my face.
"Hey, pamangkin ko 'yan." Nagulat ako ng sumulpot si Kris sa kung saan at binuhat bigla si Hani. "Right, little girl? What do you call me?"
"Deadly weapon po? Ayos lang po 'yan, may pang self-defense po kayo po." Hani giggled after saying that. Natawa lang ako sa reaksyon ni Kris, kase wala syang reaksyon. Cold guy tho. "Bitch please—"
"Gege! May bata, bunganga mo." Suway ni Tao at kami rin actually. Napaka-walang modo lol. "Japanese word 'yon. Gusto mo ba matuto non, Hani?" Segway na lang ni Kris. Aba ewan ko na lang kung pag-uwi ni Hani sa bahay nila madami na syang natutunan.
"So what do you call me?" Di ko alam kung nanakot ba si Kris hyung sa pagkakasabi nya e. Delikado din pala yung anak ko hindi lang kay Chain, pati sa kanya. "Tito Kris po. Seryosong sagot na po 'yon, ha?"
Kris smirked and looked at Chain. "See? Pamangkin ko sya. Wala ka namang interes sa mga kamag-anak namin, diba?" Sabi ni Kris at lumabas ng dorm, good thing he did that. Chain only nodded. Mukhang wala nga syang pake sa family history ni Yifan. "Ano bang ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ni Tao kaya siniko na lang sya ni Suho. Kalma lang.
"I've been looking for Luhan, nami-miss ko na sya e." Chain sweetly smiled at me before pulling me to a hug. I heard Baekhyun cleared his throat kaya napalingon ako sa kanya. He just nodded and looked away. Damn, severe. "Okay na, Chain. Let go." I said and she slowly let go but still wearing that sincere smile of her.
"Pupunta akong hospital for my weekly check-up, remember? I want you to come with me. Please?" Napamura na lang ako sa isip dahil sa sinabi niya. I can't. Ihahatid ko pa yung anak ko. Nag-iisip ako ng dahilan pero biglang nagsalita si Baekhyun, "Luhan hyung can't make it. May recording pa sila. Do you want me to come with you?"