Nian
"Cheers!" sigaw ni PD-nim at itinaas ng mga tao dito yung wine glass nila kaya nakitaas na rin ako. Di ako KJ no hehez. "Dahil successful yung trabaho natin. Clap for yourselves!" Sigaw ulit ni pd-nim. Teka may hawak ngang glass wine diba? PAANO? Pero di ko alam kung anong paraan ang ginawa ng mga tao dito kase ang lakas ng palakpak at naghiyawan pa. Nuks.
Naging successful yung drama. Kaya nagpparty sila. We rented a whole bar para dito. Kung maka-"we" naman parang may ambag.
Pagkatapos ng speech ni pd-nim— ay nagspeech sya? Sorry na, wala namang magtatanong kung ano yung sinabi nya diba? Wala naman quiz dito diba? At yun nga, pagkatapos nya nagspeech, nagparty na lahat. Napatingin ako sa glass wine ko at iinumin na sana 'yon ng may biglang umagaw sa'kin.
"Pati ba naman wine aagawin pa sa'kin? Hindi pa ba kayo nakukuntento? Tantanan nyo na 'ko!" napatitig si Yeol sa'kin. "De Lima?" tumawa na lang kami pareho. Sinubukan kong kunin ulit yung wine glass pero inubos nya 'yon. Kaya hinampas ko sya.
"Anuba, akin 'yan e. Meron ka oh. Nakupo." at inilapit ko yung hawak nyang sariling wine glass sa mukha nya. At yung tipong muntik pang matapon dahil sa feels ko. Pero napatahimik na lang ako sa sagot nya.
"You go wild when you're drunk. And I don't want anyone else to see how wild you are." Hihimatayin na sana ako sa kilig pero anudaw. Wild? Ano ako, dinosaur?
"Chanyeol-ssi. Pwede ka daw ba mag-DJ?" sabi ni Minseok ng lumapit sya sa'min. "Ano daw? BJ?" singit ni Kai na naging dahilan ng pag-poker face naming tatlo.
"Jongin, kausap kaba? Libog mo lul." tinarayan sya ni Minseok kaya naka-pout na umalis si Jongin. Utang na loob, Kim bro. "Anuna, Chanyeol? Masyado kang natuwa sa sinabi ni Kai? Libog mo rin ano?" tumawa si Xiumin at bigla namang lumingon sa iba si Yeol. Ay, Chanyeol?
"Putakte, ano na?" medyo nakakunot na yung noo ni Xiumin at tumingin sya sa'kin. "Doyeon, pwede naman diba?" tanong nya sa'kin.
"Anong pwede 'yan? BJ? Kayo ha." PUTEK ANDITO PA PALA SI KIM JONGIN.
"Putangina mo, Kai." sabay sabay naming sinumpa si Jongin at kulang na lang sipain namin sya palabas. "Sasabunin ko 'yang bunganga mo, gagu." tinulak na palayo ni Xiumin si Jongin hanggang dun sa malapit sa pinto at bumalik sya sa'min. Good job, Xiumin-ah.
Hindi na nagsalita si Xiumin at tinaasan nya na lang ako ng kilay na parang nagtatanong kung oo ba o hindi. Tumango ako. "Ayos lang? I don't want to leave you, actually." sabi ni Chanyeol at hinawakan yung kamay ko. "Nag-inaso ka pa. Oo nga, ayos lang. Maawa kana sa hyung mo oh." at tinuro ko si Minseok na nakatingin ng masama samin. Naiinip na siguro. Edi sana nag-usap na lang muna kayo ni Kai.
"Okay." at hinalikan nya muna yung kamay ko bago sya pumunta dun sa dj set. Naiwan si Xiumin dito ng nakatingin pa rin ng masama sa'kin. Anyare? Selos ka? Yaoi na ba ito? "So sweet." sabi nya and take note, SARCASTIC SYA.
"You used to love someone else." dagdag pa nya kaya sumimangot din ako. "Ito pa rin ba yung issue mo? Wala na bang bago?" pero initsapwera nya yung sinabi ko at walang kunek yung sinabi nya sa sinabi ko. Langiya. Wireless.
"You used to love that guy who seats on a stool and stares at you." he smirked after saying that kaya napalingon ako dun sa mga bar stool. And I found him staring at me. Nagulat pa sya bago umikot patalikod sa'kin. "You used to love Luhan."
Sumimangot ako lalo at pairap na tumingin sa kanya. Hindi na nya hinintay na makasagot ako bago sya makaalis. Jusko po naman. Ako naka-move on na, kayo na lang hindi. Sadnu.