Chapter 1 : School Of Fame

9K 231 0
                                    

Nakatayo lang ako sa labas ng paaralan na papasukan para ngayon grd 11. Sobrang laki at gara sa desenyo ng paaralan. Nakita ko din ang mga istudyanteng papasok palang kagaya ko.

Wow. Ang gaganda nila. Napatingin ako sa damit na suot ko. Kelangan ko ba talagang pumasok dito? Nakakahiya ang suot kong damit kumpara sa mga nag aaral dito. Gusot gusot ang damit ko at sira sira naman ang sapatos ng suot ko na tila sinasabing gutom na ako gutom na ako! Gulo gulong buhok na ginamitan lang ng ajax na sabon. Nanunuyot na balat na animoy bitak bitak na tuyong lupa. Tao ba ko? Tanong ko sa sarili ko.

"Ang swerte mo talaga at makakapasok ka sa paaralan na yan." Napatingin ako sa katabi ko ng bigla itong mag salita. Si Lace. Napasimangot ako sa sinabi nya at hinawakan ang gutay gutay na bag pack ko naka sabit sa likuran ko.

"Anong swerte? Tss. Hanggat maari ayokong punasok jan. Sure akong nag papayabangan lang sila sa mga damit nila! At isa pa, pag titinginan lang ako dahil sa suot kong to kaya tara na. Di na ko papasok jan. " Sabi ko sa kanya ng pasigaw at hinila ko yung braso nya kaso di sya nag patinag.. Napatingin naman sya sakin at napakunot ang nuo. Sinundot sundot naman nya yung nuo ko gamit ang hintuturo nya at sabing

"Ano yan ha? Wag mong sabihin sakin na nahihiya ka?" Tanong nya. Namaywang naman sya sabay sabing "Wow, ran! Ang isang Ran Walker nahihiya?" Sinamaan ko naman sya ng tingin sa sinabi nya.

"Di ako nahihiya no!!" Sigaw ko naman sa kanya. Tiningnan ko ulit ang paaralan na nasa harap namin. Bakit pa ba kasi pumayag sa kasunduan na pumasok sa paaralan na di naman ako nababagay?

Fame Academy.. ang pinakasikat na paaralan sa bayan ng Mayna kung saan kami nakatira. Kakaunti lang ang taong nakakapasok dito dahil na din sa laki ng tuition fee. Isa ako sa 'maswerte' daw na makakapasok dito sabi na din ni Lace. Pero ayoko sa lahat ang mapunta dito sa paaralan na to. Bakit? Kasi puro lang naman payamanan ang alam nila.

I sigh at tumingin kay Lace ng may pag mamakaawa sa mukha. "Lace please, umuwi na tayo." Tatanggi pa sana sya kaso nung nakita nya ang mukha ko napailing nalang sya at hinila na ko paalis sa lugar na yun.

--

Please vote and share....

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon