"Nasan na ba yung bata na yun? Tsk anong oras na!!" Sabi ni Lace na kanina pa pabalik balik sa pag lalakad. Nandito kami sa labas ng bahay. Nakaupo ako sa may pintuan habang sya naman lakad ng lakad. Alas Sais na ng gabi at wala pa nga si Luke. Tinaas ko ang kanang paa ko at pinatong ko ang kanang braso ko dito. Sinimulan kong hasain ang Sword na hawak ko. Medyo mahaba ito at silver ang kulay ng handle. Binigay sakin ito ng isang matanda na tinulungan ko nuon sa palengke.
"Why don't you go and find him rather than walking back and forth." Sabi ko. Napahinto naman sya sa pag lalakad at tiningnan ako na para bang iyun na ang pinakatamang salita na nasabi ko sa buong buhay ko. Napapalakpak naman sya ng isang beses na parang nag karoon ng ideya.
"Oo nga no!! Bat di ko naisip yun?" Tanong nya. Tumingin sya sakin at tinuro pa ko. "Jan ka lang. Wag kang aalis." Sabi nya at tatakbo na sana ng marinig namin ang isang boses.
"Kuya Lace!!! Ate Ran!!!" Sigaw ni Luke. Maya maya pa nakita na namin sya na tumatakbo at yumakap kay Lace. Si Lace naman niyakap din si Luke at binuhat pa to. Agad agad na pumasok si Lace sa loob at nung nadaanan ako hinila pa nya ko papasok. Sinara nya yung pinto at binababa si Luke sa sira sirang sofa.
Tumabi ako kay Luke at inayos ang buhok na gulo gulo na dahil sa pag takbo nya. Hingal na hingal din sya. Kumuha ng tubig si Lace mula sa timba na galing pa sa balon. Ininom naman agad agad ni Luke yun at huminahon.
"Now tell me. What happen?" Tanong ni Lace at umupo as katapat na sofa. Hinihingal pa din si Luke pero di na kagaya kanina.
"k-uya....." napatingin sakin si Luke at kay Lace. Parang nag dadalawang isip pa kung sasabihin pa ba nya ang nangyari o hindi. "Kuya... kanina... nung uwian na.... inaya ako ng mga kalaro ko na mag laro daw kami. Kaya sumama ako. Kaso.." naputol ang sasabihin nya at nag aalangan pa kung itutuloy. "May isang lalake na biglang lumitaw. Akala ko wala lang sya pero.. kuya... may six sense yung lalakeng yun." Napatayo si Lace sa upuan nya at lumuhod sa harapan ni Luke. Maging ako nagulat. I thought kami lang ang may Six sense dito sa lugar ng Mayna.
Ang Six sense ay kapangyarihan including sight, hearing, smell, touch, hearing and taste. Seventh sense naman ang pina ka rare sa lahat. Bilang lang ang taong may kakayahan nito. Itinuturing din itong Cursed Power dahil sa kaya nitong gawin. Mayna. Lugar ito kung saan kakaunti lang ang may ganitong kakayahan. Hindi alam ng mga normal na tao na may kagaya namin. Si Lace kaya nyang tumakbo ng mabilis, tumalon ng mataas, at madami pa syang kayang gawin kaya nasasama na din sya sa Seventh Sense. Si Luke naman kaya nyang masense ang panganib. Kaya din nyang isolve kagad ang isang problema o solusyunan kaya napapasama na din sya sa Seventh Sense. At ako... I can see things clearly. Kahit na napakalayo nito nakakaya kong makita ang napakaliit na bagay. Iyun lang ang alam ko kaya naman sa Six Sense lang ako napapasama. Maaaring iyun lang talaga ang kakayahan ko pero may malaking posibilidad na may kaya pa kong gawin dahil hindi pa naman ako na papasok sa Keun High.
Keun High was located at Shera, isang malaking bayan ang Shera kumapara sa Mayna. Where human being like us can live normal there. Malaya nilang nagagamit ang sixth sense or even seventh sense nila sa Shera. Dahil dun kami mismo nang galing. Napunta lang kami dito dahil mas pinili ng magulang ni Lace na ilayo sila sa lugar na yun dahil na din sa gera na nangyayari. Ako? Kagaya ng sinabi ko. Hindi ko din alam kung bakit at pano ako napunta dito.
"Ok ka lang ba ha? May masakit ba sayo?" Tanong ni Lace sa Kapatid habang hawak ang mag kabilang pisnge ni Luke.
Luke just nodded. "Kuya.. he touched my friend in their head. Pag katapos nun biglang naging light black yung mata nila at basta nalang akong iniwan dun." Paliwanag ni Luke.
Umupo si Lace sa gitna namin ni Luke. "It's clear that the guy has a ability Of sense of touch." Sabi ko habang nakatingin sa lamesa na nasa harapan namin. Sumangayon naman si Lace.
"Pero bakit wala syang ginawa sayo? It means that guy already know that you has a seventh sense. But how?" Nag tatakang tanong ni Lace. May nilabas naman si Luke sa bulsa nya. Isang papel.
"He gave this to me. Ang sabi nya bumalik na tayo. Iyun lang then he left me. Nung pinuntahan ko yung mga kalaro ko sa kanila wala silang ideya sa nangyari samin sa bakanteng lote." Kinuha ko naman yung papel at binuksan dahil nakatupi ito sa tatlo. Nakasulat sa labas ang salitang Map.
"Wala namang nakalagay ah." Sabi ko at inagaw naman ni Lace ang papel sakin. Inangat ni Lace ang papel at tiningnan sa ilalim, harap, at mag kabilang gilid.
"Pinag lololoko lang ata tayo nung lalake. Sure ka ba Luke sa mga sinasabi mo? Baka naman nag hahallucinate ka lang.?" Napatingin ako kay Luke, pero parang may takot sa mga mata nya. Natigilan din sya at nakatingin lang sa kawalan.. Napakunot ang nuo ko at tiningnan ko naman si Lace, patuloy pa din sya sa pag tingin sa papel. "Lace," kinalabit ko sya at napatingin naman sya sa tinitingnan ko. "Something wrong." Pag kasabing pag kasabi ko nun na alerto kami dahil sa lakas ng presense na naramdaman namin. Lalo pa kaming na alerto ng sinabi ni Luke na "danger has coming." Agad agad kaming tumayo at pumunta sa kwarto.
Maliit lang ang bahay kaya naman iisa lang ang kwarto. Kinuha namin ang bag namin na tahi pa ng nanay ni Lace para saming tatlo. May mga laman na yung gamit incase of emergency like this. Bilin din kasi ng tatay ni Lace. Nung una nalilito pa kami kung para saan pero nung unti unti namin nalaman na hindi kami normal. Nalaman namin kung para saan iyun. Binigay sakin ni Lace ang papel kaya binulsa ko. Inilagay ko naman sa bewang ko ang aking sword. Maya maya pa nakarinig kami ng pagkatok sa labas. Agad agad kaming lumabas sa bintana ng kwarto at tumakbo sa pinakamalapit na puno. Sa tapat ng bahay namin. Nakita namin ang isang lalakeng naka black cloak, black mask, and black cap. Pumasok ito sa loob ng bahay. Kami naman umakyat sa puno. Tumalon ako sa pinakagitna ng puno at tumungtong sa sanga. Sumunod si Luke sa akin at tumabi sakin, tumalon naman si Lace sa tabi ni Luke at muntikan na kaming malaglag dahil sa lakas ng impact nya sa pag kakatungtong sa sanga. Tumahimik kami at pinag masdan ang bahay.
Maya maya pa nakarinig kami ng nababasag sa loob. Naramdaman kong nanigas sa kinatatayuan si Luke sa tabi ko kaya naman inakbayan ko sya. Ilang minuto ang lumipas at tahimik lang kami ni Lace na nag mamasid. Binaba din namin ang presensya namin dahil hindi malayo na maramdaman kami ng tao na yun dahil sigurado akong malakas sya. Kahit ako na hindi naman seer kagaya ni Luke ay naramdaman ang presense nya. Maya maya pa. Biglang lumakas ang liwanag sa loob ng bahay. Akala ko kung ano na yun pala nasusunog na ang bahay. Lumabas ang lalake at pinag masdan ang bahay namin na nasusunog. Narinig ko naman ang pag tunog ng buto ng kamao ni Lace, halatang nag pipigil ng galit. Si Luke muntikan ng bumaba pero dahil akbay ko sya di ko hinayaang makababa si Luke dahil may hindi magandang mang yayari.
Pinag masdan ko ang lalake at may nakita ako sa black shirt nya na nakatatak. I'm not sure kung ano yun pero mukhang hugis pakpak at sa loob nuon may blue sapphire na hugis oval. Parang nakita ko na yun. Saan nga ba? Nakatitig lang ako sa damit nya at inaalala.
Maya maya pa umalis na ang lalake at basta basta nalang nawala sa paningin namin. Sino ka?
--
Ang Lace po ang LAYS kung basahin. May nag tanong lang. Thank you..
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasiPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
