Chapter 42 : Missing Him

3.2K 105 3
                                    

--

"Fuck you Nate! Ang timawa mo." Naupo ako sa gilid ng puno at sumandal dito. Nag punas naman sya ng labi nya at naupo din sa tabi ko. Pinunasan nya pa ang braso kong tumulo na ang dugo at sinubo nya ang daliri nya. Tiningnan ko lang sya sa bawat kilos nya.

"Sayang eh." Sabi pa nya at pinag patuloy ang pag pahid ng hintuturo nya sa braso ko. Napailing nalang ako at sinandal ang ulo ko sa puno. Pumikit ako at dinama ang hangin na tumatama sa balat ko. "Ayos ka lang ba?" Tumango ako sa tanong nya. Pero ang totoo nahihilo talaga ako. Ang dami din nyang nainom na dugo sakin.

Ilang sandali pa ang lumipas at natapos na din syang simutin ang dugo sa braso ko. "How many days you didn't drink blood?" Kinuha nya ang kamay ko at nagulat nalang ako ng isubo nya ang hintuturo ko.

"May sugat ka." Sabi nya ng mapansin siguro nyang nanigas ang katawan ko dahil sa ginawa nya. Napairap nalang ako. Mukhang uhaw na uhaw. "5 days? Naging busy kasi ako. Nakalimutan ko ng pumuntang Crime room para uminom ng dugo." Sabi nya pag katapos nyang sipsipin ang daliri ko.

"I can't believe your a vampire." Napangisi sya sa sinabi ko. Sumandal din sya sa puno at tiningnan namin ang langit na ngayon ay puno na ng bituin. Gabi na din kasi.

"Sa maniwala ka o sa hindi bampira ako. I'm sure you already knew that Zero is a Vampire too right? Akala ko matalino ka. Haha" siniko ko sya ng sinabi nyang akala daw nya matalino ako. Bwisit to! "Aiwa can manipulate things." Sabi nya at bigla bigla nalang may lumipad na maliit na bato sa harapan namin. "And I know that your aware that two Sheranian can't share with the same ability. I'm a vampire. I can manipulate things like what Aiwa can. But offcourse were not the same of blood. Kaya dapat una palang nag taka ka na na bakit kaya naming dalawang mag manipulate ng kahit na anong bagay. Did you get it? Or not?"

Tiningnan ko sya ng masama. Ano tingin nya sakin? Tanga?. Natawa lang sya sa ginawa ko. Naglabas ako ng apoy sa kamay ko at pinag laruan ito. "Zyrus can use fire. Like mine. But Heather..." napatigil ako sa pag lalaro ng apoy at bigla nalang lumakas ang apoy sa kamay ko.

"It means one thing." Tiningnan ko sya ng nag tataka... nakatingin lang sya sa kamay kong nag aapoy. "Heather is not a Sheranian."

Alam kong hindi talaga sya si Heather. Pero bakit? Anong gusto nya? Alam ko din naman na hindi talaga sya fire user. At may idea na ko kung ano ang ability nya. Pero ano sya? San sya galing?

"I think we should get inside. Madilim na. Baka gising na din sila." Tumayo na kaming dalawa at bago pa kami makabalik sa bahay. May nakita ako sa may gilid ng puno na nakatingin samin. Women Silhoutte. Napansin kong napahinto din si Nathan at napatingin din sya sa tinitingnan ko. Vampires can see in the dark so I'm sure he can also see her clear like me. Pero ako kaya ko lang makita sya dahil sa eye ability ko.

Nag lakad ang babae papunta sa gawi namin at nang tuluyan na itong makalapit. Ganun nalang ang gulat sa mukha ko.

"Tita- tita Lyn?"

--

"Your tito Lenard died because of that incindent. We've been in a car accident. Nakaligtas ako pero ang tatay Lenard mo hindi. Ginawa ko ang lahat para makabalik dito pero hindi ko magawa dahil sa nag karoon ako ng trauma. Pag naiisipan ko ng bumalik dito naaalala ko naman ang aksidente na nangyari kaya hindi ako nakabalik agad. Pasensya na mga anak. Pasensya na anak ko. Susko ang lalake nyo na. Patawarin nyo sana ako..." lumapit si Tita Lyn samin ni Lace at Luke at niyakap kaming tatlo. Sila Cain at Nathan nakatingin lang samin. Pero si Nathan may kakaiba sa tingin nya. Kanina nya pa tinititigan si Tita ng kakaiba. I can see recognition in his looked towards tita. Pero di ko na muna yun pinansin.

Nasa loob na kami ng bahay. Kanina nang makita ko si Tita Lyn sobra ang gulat ko hanggang ngayon. Lumabas si Lace sa bahay at ganun nalang din ang gulat nya ng makita ang mama nya. All this time we thought wala na sya. Pero hindi pala. May part sakin na gustong magalit kay tita pero naiintindihan ko naman din sya. Natrauma lang naman si tita kaya hindi nya nagawang makabalik samin.

"Ma- bakit ngayon ka lang bumalik? Di mo ba alam na-" di ko na pinatapos pa sa sasabihin si Lace. Alam kong mag dadrama at pag sasalitaan nya ang mama nya kaya binatukan ko na.

"Mag tigil ka nga Lace. Pasalamat nga tayo bumalik pa so tita satin! Tigil tigilan mo muna ang kadramahan mo!" Napanguso naman sya sa sinabi ko. Natawa lang sila at maya maya pa sumigaw si Cain.

"GROUP HUG...."

--

"So sa Keun High ba kayo nag aaral?" Tita asked. Nasa unahan sya ng kotse at katabi ang driver. Oo, may kotse si tita. At nalaman din namin na mayaman na pala sya. Kaya pupunta kami sa bahay nya. Or should I say mansion?

Walang sumagot samin. Si Lace nakatulala pa din habang si Luke naman tulog nanaman. Malapit na nga pala birthday nito. 3 days?

"Ahm, tita, Shera High na po tawag ngayon sa Keun High." Katwiran ni Nathan. Napatango naman kami ni Tita. So yun pala ang Keun High.



Pag dating namin sa bahay ni tita. Tama nga ako, mansion ang bahay nya. Di ko alam kung nasa Mayna pa ba to dahil ang layo ng byahe namin. Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Ilang minuto na ang lumipas di pa rim ako makatulog.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Lace na hingal na hingal. Umupo sya sa kama at tumabi naman ako sa kanya. "Anong nangyari sayo?" Hinagod ko ang likod nya dahil hingal na hingal sya.

"Kanina pa kita hinahanap. Di ko makita ang kwarto mo. Hinanap na kita sa first and second floor wala ka. Yun pala katapat lang ng kwarto ko ang kwarto mo." Nasa third floor kasi kami ng mansion. Napatawa naman ako sa sinabi nya. Ungas talaga!

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Kilala ko kasi to. Di to makakatulog pag may problema o pag may iniisip pwera nalang pag nasa tabi nya ko.

Tiningnan nya ko at nakita kong maluha luha na ang mata nya. Napabuntong hininga ako at niyakap sya. Unti unti kong naramdaman ang pamamasa ng balikat ko at lalong humigpit ang yakap nya sakin.

"It's ok Lace. It's ok." Hinalikan ko sya sa may ulo nya at hinagod ko ang likod nya. Ilang oras ding ganun ang pwesto namin hanggang sa maramdaman kong di na sya gumagalaw. Nakatulog na.

Dahan dahan ko syang inihiga sa kama ko at kinumitan na din sya. Hinaplos ko ang pisnge nya na halata pa rin ang pamamasa dahil sa luha. Napangiti nalang ako ng banggitin nya ang pangalan ko.

Habang tumatagal ang pag kakatitig ko sa kanya, may isang tao akong naalala. Zero-

Iniling ko ang ulo ko, pinatay ko na ang ilaw at tumabi na kay Lace para matulog. Niyakap ko sya at pumikit na. Hindi ko kayang mawala si Lace sakin pero namimiss ko na si Zero.



Ang gulo...

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon