Chapter 37 : The Princess and the Soldiers

3.6K 114 0
                                        

Nagising ako dahil sa ingay ng mga nag uusap.

"Tingin nyo anong parusa satin ng faculty members?"

"I guess itatali na tayo sa isa't isa at aalisin na talaga nila ang ability natin."

"Di naman siguro. Baka pag linisin lang tayo sa buong campus."

"Men, hahaha gunggong ka ba? Malaki nga ang campus pero dahil may ability naman tayo malamang na mapapadali ang trabaho kaya cross that to the list. Papahirapan talaga nila tayo."

"Pwede naman yun ah! Mag lilinis tayo habang walang ability."

"Teka oo nga no. Tangs men, hirap nun.!"

Tuluyan akong naupo dahil nakakangawit ang pwesto ko. Nakadapa kasi ako. Tas napansin ko pa na nasa gubat kami. Nakadapa ako wala namang sapin. Lintik! Ano bang nangyari?

"Oh gising ka na pala!" Si Lace ang unang lumapit sakin. "Ok ka na ba?"

"What happened?" I asked. Ok naman ang pakiramdam ko kaya hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Lace.

"Nahimatay ka pag katapos kang tamaan ng pangatlong dagger sa likod mo." Casual na sabi ni Lyndon na nakasandal sa puno.

Umupo naman sa harapan ko si Cain at tinitigan ako........- or more like sa may dibdib ko? Agad kong tiningnan ang katawan ko at halos mapamura nalang ako dahil sa suot ko. Nakabenda lang ang dibdib ko. Ito lang ang tumatabing sa dibdib ko. Binatukan ko si Cain sa kamanyakan. Nag tawanan naman ang dalawa.

"Awww! Men that's hurt!! I' am so much Hurt!!!" Reklamo nya.

"Perv!!" Kinuha ko ang bag ko at tinabing sa dibdib ko. "Bakit nakaganto ako?"

"Di mo ba naaalala?" Lyndon asked.

"Mag tatanong ba ko kung may naalala ako?"

"Sige mag taray ka na naman. Lalo akong na te-turn sayo nyan eh!" Tiningnan ko malang sya ng masama. Lintik to! Kainis!

--

Habang nag lalakad kami di maalis sa isip ko ang nang yari sakin kahapon. Yung likod ko. Bakit ganun nalang sumakit? Siguro dahil na din sa tusok ng dagger pero iba eh. Iba ang sakit. Hinawakan ko ang likod ko. Wala talaga. Kanina ko pa kinakapa ang likod ko pero wala namang sugat. Kahit hinahampas ko na kanina wala namang masakit pero sila Lace na din ang nag sabi na malaki daw ang sugat nito kagabi. Si Lace kasi ang gumamot nito. Napailing nalang ako. Wala to!

"Finally nakabalik na din kayo." Napahitno kami sa pag lalakad at tiningnan ko ang nasa unahan namin. Si Nathan.

"Baby Nathan na miss mo ko?" Malanding sbai ni Cain at niyakap pa si Nathan. Tinulak naman sya ni Nathan at inayos pa nya ang suot nyang salamin. "Taray naman. Hindi man lang ako na miss. Ang sakit men!"

"Landi mo. Akala ko ba ako lang?" Tanong naman ni Lyndon kay Cain. Nginitian sya ni Cain at nag yakapan ang talaga. Si Lace kita ko ang pag bagsak ng pangga at panlalaki ng mata nya.

"Kadiri nyo!" Sinigawan ko sila kaya nag hiwalay naman na sila. "Ano balita?" Tanong ko kay Nathan.

"Si Luke ok naman. Pero kayo? Nasa panganib kayo. Ang curse Mission ang kinuha nyo. Nalaman na agad ng mga teachers ang ginawa nyo pag kabalik na pag kabalik palang ni Sir. Dawn kahapon. Balak pa nya kayong sundan pero pinigilan sya ni Miss. Krishna. Malaking parusa ang mabibigay sa inyo." Sabi nya. Di na ko nagulat dun kaya napatango nalang kaming tatlo. As expected.


Pinag pahinga muna kami ni Nathan at mamaya na daw pumunta sa office ni Sir. Dawn kapag nakapag pahinga na kami. Pero kahit anong gawin ko di ako makatulog kaya naman naligo nalang ako.

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon