---
ZERO'S POV
Ilang linggo na ding nawawala si Ran. Hindi na ko nakakatulog dahil hinahanap ko sya. I even went at Mayna pero wala sya dun. Wala din si Arthur. Si Charlot naman wala din. While Lace? Kasama nga namin pero ayaw naman nyang mag salita. Pag mag tatanong kami lagi nyang sinasabi na she will be ok... everythings gonna be in place...
Nag punta nalang ako sa may gubat na madalas nyang puntahan. Wala akong magawa kundi ang tumanga. Hinanap ko na sya pero wala pa rin. Si Harley at Rin naman mukhang ok lang. Parang hindi sila nag aalala pero hindi ko naman sila makausap ng ayos dahil lagi silang iiwas sakin.
Umakyat ako sa puno na madalas nyang puntahan. Kahit anong tingin ko sa paligid si Ran ang nakikita ko. Sya lang ang naaalala ko sa lahat. Hindi na nga din ako makausap ng matino nila Cain kahit na anong itanong nila nakatingin lang ako sa kawalan.
Kagaya ngayon. Nakatingin nanaman ako sa kawalan at hindi ko nanaman namalayan na may kumakausap na pala sakin.
Tiningnan ko ang isang lalake na nasa baba. "Sa wakas pinansin mo din ako." Dahil sa hindi ko naman sya kilala bumaba ako at tinitigan ko sya. Mukhang kaedad lang namin sya pero may ibang aura akong nararamdaman sa kanya.
"Who are you?" Nginitian nya lang ako at yumuko.
"Ako nga pala si Gabriel..."
"Gabriel what?"
"It's not that important.." tinitigan ko lang sya pero maya maya nawala ang ngiti sa mata nya at tiningnan ako ng seryoso. "Ran Heather Walker.." napatayo ako ng tuwid sa sinabi nya dahilan para tumawa sya ng mahina. "So, your really into her? Oh well, sino nga bang hindi? She's kind, brave, beautiful, and--"
"You know her?" Diretyo kong sinabi sa kanya. Lalo namang lumaki ang ngisi sa mukha nya.
"No..." nag taka naman ako sa sinabi nya. "That's why I'm here. Talking to you..." mag tatanong na sana ako pero bigla nyang pinitik ang daliri nya sa hangin at bigla nalang nag karoon ng isang papag at puno ng pag kain. Out of nowhere nakaramdam na ko ng gutom. Ilang araw na din akong hindi nakakainom. Nakita ko ang isang baso na punong puno ng dugo kaya dinilaan ko ang labi ko.
"Let's eat." Nakita ko naman na si Gabriel na nakaupo kaya naupo na ko sa harap nya. Nag sisimula na syang uminom ng juice nya pero ako tinititigan ko lang ang pag kain. "Don't worry. Walang lason or kahit ano jan." Napatingin ako sa kanya at tumango nalang. Sinimulan ko naman ng inumin ang dugo pero napatigil ako ng malasahan ko ito... kakaiba. Hindi... pamilyar.. pamilyar sakin ang lasa nito. Isang tao lang ang may lasa ng dugong to..
"Ran Heather Walker.." napatingin ako kay Gab na pinag lalaruan ang baso nya.
"Woodsen.." napatawa naman sya sa sinabi ko.
"Never knew you two were married..." tiningnan ko lang sya kaya naman tumigil sya sa kakatawa.. "Ran, tell me more about her." Tinitigan ko lang sya. Mukha naman syang mapag kakatiwalaan kaya nag kwento ako sa kanya. Lahat ng alam ko at nangyayari samin ni Ran kahit nung bata pa kami sinabi ko sa kanya.
Katahimikan ang bumalot samin pag katapos kong mag kwento.
"You really do like her.."
"Dude are you serious? I LOVE her.. not like." Napangiti naman sya sa sinabi ko pero biglang nawala iyun at napatingin sa langit. Nag kibit balikat nalang ako at inubos ko ang dugo na nasa baso. Lasa talagang dugo ni Ran pero pano? Teka.... don't tell me.....
"10....." lalo akong nag taka ng mag simulang mag bilang tong lalakeng to.
"9...." bakit? Mali ba ko ng akala sa kanya.?
"8.....7.....6.....5.....4....."
Habang nag bibilang sya napatigil ako at napatingin din sa langit ng wala sa oras. Nag babago ang kulay nito. Parang dumidilim na ewan.
"3....." hindi... teka. Ano tong nasa isip ko?
"2....." bigla akong napapikit sa pag buhos ng mga eksena na nakikita ko.. si Ran... si Ran na nakalabas ang pakpak.. bakit nasa may isang open temple sya? Bakit may mga naka cloak na nakapalibot sa kanya? Teka ano to?
Lalo akong kinabahan ng makita ko ang liwanag sa paligid ng katawan ni Ran... isang luha ang nakita kong pumatak sa mata nyang nakapikit. Gusto ko syang lapitan... gusto kong hawakan ang kamay nya at yakapin sya sabay sabing nandito lang ako. Nandito na ko.. hindi na kita iiwan... Pero alam kong hindi. Hindi pwede dahil isa lang tong connection between the two of us. The bond... bakit biglang nag pakita to? Bakit?
"1....." napadilat ako ng makita ang sobrang liwanag na nakapalibot sa katawan ni Ran. I closed my eyes again dahil mali ang ginawa ko. Pano ko malalaman kung anong nangyari sa kanya? Pero wala... hindi ko na sya makita at puro dilim nalang ang nakikita ko. Walang ano ano napaluha ako.. ramdam ko ang pag tulo ng luha ko. Walang tigil na parang gripo.. bakit? Sumisikip din ang dibdib ko sa di ko malamang kadahilanan. "I guess the bond between the two of you just work..." napatingin ako kay Gabriel dahil sa biglang pag babago ng boses nya. Naging malungkot ito. Sobrang lungkot...
"What-- what just happened?" Kahit na may clue na ko. Ayoko pa rin isipin na yun nga ang nangyari..
"She was the one Gregorians need to survive and rescue our tribe from the full moon." Natigilan ako sa sinabi nya. Gregorians? Alam ko- "Yes, Gregorians still alive. I'm one of the Gregorians... We live inbetween of the land and the sky.." tinitigan ko sya ng mabuti at lumabas ang isang halo sa taas ng ulo nya.
Umiling ako. Sunod sunod na iling ang ginawa ko.. "Your kidding.. right?" Nanginginig na sabi ko.
Halos manlumo naman ako ng hindi sya umiling kundi ay tumango. "I'm not kidding. I'm serious Zero." Napangiti ako pero alam kong nagmukhang pilit ito. No way!
"Eto ang huling hiling nya sakin..." tumayo sya at nag karoon ng isang portal sa harapan namin at biglang lumabas si Charlot na may dalang bata sa mga bisig nya. Kinuha naman ni Gabriel yun at iniabot sakin. Tinitigan ko lang ang bata. "Your daughter.." napatingin ako sa kanilang dalawa. Si Charlot nginitian lang ako na may halong lungkot. Kita ko din na namumugto ang mga mata nya.
Tiningnan ko ang bata na nasa harapan ko. I can see her dark violet eyes looking at me. The heck! Anak ko to?
Unti unti ko namang inabot ang bata at ng mahawakan ko na to bigla syang tumawa..
"That was the first time she laught.!" Gulat na sabi ni Charlot. "One week past when she born pero nung iniwan sya sakin ni Ran hindi na sya tumawa o umiyak pa." Napatingin ako sa bata. Sa anak ko.
"Zero." Napatingin ako kay Gabriel. "I'm sorry about Ran. Pero ang hiling nya. Ang huling hiling nya ay ang mag pakalas ka at alagaan ng mabuti ang anak nyo. Also, live a normal life for her. For the both of you. Till we meet again.. Woodsen." Nginitian nya lang ako at pumasok sa isang portal na ginawa nya at nawala na.
"Here." Nilagay ni Charlot ang isang blue sapphire sa tyan ng bata na hawak ko. Ang crest. "Arthur wanted to give it to her but she said that I should give it to you. Alagaan mo daw yang mabuti. Zero, alam kong mahirap. Pero--" napatigil sya at nakita ko ang pamumula ng mata nya. Nginitian nya lang ako at isang luha ang pumatak sa mata nya. "She really loves you thats why she do that. Don't blame yourself. I know naman na hindi ka nya sinisisi. Hindi mo kasalanan. Pero ang sabi nya sakin, alagaan mo daw ang sarili mo... eto pa pala.." nanginginig nyang kinuha ang isang papel sa bulsa nya at inabot ko naman. "Basahin mo daw yan pag 1 year na ang-- yung pag kawala nya...." hindi na nya napigilan pa ang luha nya kaya naman tumalikod na sya. Papasok na din dapat sya sa portal pero nag salita pa muna sya. "Zone... Zone Woodsen is her name. Given by Ran." Nawala na sya at ako naman tinitigan ang bata na hawak ko.
Magulo man. Alam kong ginamitan lang to ng isang mahika para mapabilis ang pag laki ng bata at maipanganak agad ni Ran ang anak namin bago ang full moon. Zone....
Hinalikan ko sa noo ang bata na hawak ko dahilan para mapangiti ito kahit na tulog. Walang tigil ang luha ko pero hindi ko na ininda pa yun.
"Rue..... Rue Zone Walker Woodsen..."
---
Another Woodsen was born....
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasiaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
