--"Good Morning!!" Nakangiting si Luke ang unang bumati sakin. Naupo ako mula sa pag kakahiga at tumulala. Ganto kasi ako pag bagong gising. Tulala.
"Wheres Lace?" Naalala ko kasi yung nangyari sa kanya kagabi. Iyak sya ng iyak. Basang basa na nga ng luha yung balikat ko kagabi eh.
"Nasa baba. Kausap si Mama. Ate. I can't believe mom was still alive. Wiiii- ang aga ng birthday gift ko ate!!" Lumapit sakin si Luke at niyakap ako. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Buti naman at masaya sya.
Nag lakad na kami ni Luke papunta sa baba nung matapos akong maligo. Naramdaman ko naman na may tumabi sakin at si Cain pala yun.
"Wheres Lace?" He asked. Nung una nag taka pa ko dahil sa hina ng boses nya na parang ayaw iparinig kay Luke.
"Nasa baba." May gusto pa ata syang sabihin pero di nya matuloy tuloy.
"Luke, mauna ka na kay Lace. Susunod kami." I said. Tumango naman sya at tumakbo na paalis. Nang wala na sya sa paningin namin tinanong ko na si Cain.
"Ano ba sasabihin mo?"
"Pano mo alam na may sasabihin ako? Men nang babasa ka ba ng utak?" Tiningnan ko sya ng masama. Loko talaga to.
"Oo! Kaya kung hindi mo pa sasabihin yang gusto mong sabihin ipag kakalat ko na ang masasamang sekreto dyan sa utak mo." Nanlaki naman ang mata nya at bigla biglang huminto sa pag lalakad. Niyakap nya ang dibdib nya at lumayo sakin. O- kay?
"Men, alam mo na? Mahal kita?!" Tinaasan ko sya ng kilay. Sasapukin ko na sana ang ulo nya ng hawakan nya ang mga kamay ko.
"Men naman, hindi na mabiro." Kinuha ko sa kanya ang kamay ko at namulsa. Pinag patuloy na namin ang pag lalakad. "Well, I heard Lace last night. He's crying... Is he ok?" Di na ko nag taka ng sinabi nya na narinig daw nya si Lace. He can hear with a few meters away. Mukhang malapit lang din naman ang kwarto nya sa kwarto ko thats why.
"Yeah, he's ok." Tumango lang sya.
"Si Nathan?"
"Umalis kanina pa. Maaga ding nagising yung isang yun. Baka mag huhunting." Oo nga pala. Bampira yun. Mangangaso siguro.
--
"Ok ka na ba?" Nasa may garden kami ni Lace ngayon. Si Cain at Nathan nasa loob kasama si Luke at tita.
"Ok na ko. Di lang talaga ako makapaniwala na nandito na si ti- i mean mama." Tiningnan ko si Lace. Para kasing may problema sya eh.
"Ayos ka na ba talaga?" Tiningnan nya ko at ngumiti pero yung mga mata nya malungkot.
"Ran, kinausap ako ni mama kanina." Hinintay ko pa ang sasabihin nya at di ako nag tanong. "Ang sabi nya, wag daw akong malungkot. Maging masaya daw ako." Nag taka naman ako sa sinasabi nya. Tumawa sya ng mahina na halata ang lungkot. "Tangna lang Ran, all this time.- I thought- we thought-" huminto sya sa pag sasalita at nginitian ako. Tinitigan ko lang sya sa mga mata, hindi ako sanay na ganto to.
Tumayo ako at niyakap sya. Niyakap din naman nya ko at sinandal nya ang baba nya sa balikat ko. "All this time, I thought she's my real- she's my real mother.... but not." Natigilan ako sa sinabi nya. Nanlaki ang mga mata ko at di makapaniwala.. it can't be! 10 years akong nasa kanila. How come na hindi si Tita Lyn ang mama nya? No, she's- she's Lying. His Lying. She- "Ran, kilala mo ang tunay kong nanay." Sabi ni Lace na lalong nag pagulo sa utak ko. Tiningnan ko sya sa mata at humiwalay na sya sa yakap ko. Yung kaninang lungkot sa mata nya napalitan ito ng galit. "Si China. China ang pangalan ng mama ko. Kilala mo sya diba? Kilala mo ba sya? Tulungan mo ko! Hahanapin ko ang pumatay sa kanya! Sabi ni Cain nakita sa boarder ng Venator ang bangkay ni mama at kasama mo si Chiki that time with my mom. Please. Tulungan mo kong pumunta sa Venator. Hahanapin ko ang pumatay sa mama ko." Tinitigan ko lang si Lace na umiiyak nanaman.
Lace, di mo na kailangan pang hanapin ang pumatay sa mama mo, nasa harapan mo lang Lace.
Tumayo ako sa pag kakaupo ko at patakbong pumunta kung nasan si Tita Lyn. Narinig ko pang tinatawag ako ni Lace pero hindi ko na sya pinansin. Wala akong maisip ngayon. Bakit? Please sana nag bibiro lang si tita. Please.
Naabutan ko sila tita na nakaupo sa may sala habang nag kekwentuhan. Hinila ko sya sa braso at kita ko ang gulat sa mga mata nila.
"Mama, ate. Bakit?" Tanong ni Luke. Hindi ko sya pinansin at hinila ko si tita Lyn papunta sa isang kwarto dito sa first floor. Nilock ko agad ang pinto at binitawan na si tita.
"Please say your just kidding." Seryoso kong sabi sa kanya. Ngumiti lang sya sakin na parang nakuha nya ang gusto kong sabihin kaya naman umiling lang sya. "No, no. It- it can't be..." napaupo ako sa sahig at yumuko. Hindi pwede.
Naramdaman ko naman ang pag hawak sa balikat ko ni tita. "Iha, pasensya na. Alam ko ang nangyari sayo. Alam ko kung sino ka talaga pero hindi ko nagawang sabihin sayo." Tiningnan ko sya sa sinabi nya. What? Ibig sabihin -
"Haaaayss, yes iha, alam kong ikaw si Heather Walker. Alam kong ikaw ang nawawalang anak ni Hades. Alam kong ikaw ang heiress ng Shera at alam ko din na ikaw ang pumatay kay China." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. A- alam din nya na ako ang pumatay kay China? "No, Iha calm down. Its not your fault. Hindi kita binalik sa Shera dahil alam kong hindi matutuwa si Hades na makita ka. Ayaw ka na muna nyang bumalik sa Shera dahil hindi titigil si Arthur hanggat hindi ka nakukuha. Si Lenard, ang kapatid ko ang nakakita sayo na kasama si Chiki habang si China naman ay wala na. Mabait si China Iha. Pero dahil kasama nya ang kakambal nya wala syang nagawa kundi ang mag panggap na kaaway ka. Pero di ka na nya naitakas pa dahil sa, na- napatay mo nga sya." Lalo akong nakonsensya sa sinabi ni tita. "But its not your fault iha. Pinili ni China na mawala na, mas makakabuti sayo yun. Maging sa anak nyang si Lace, at si Luke naman. Hindi talaga sila mag kapatid ni Lace. Dahil si Luke ay anak ni Chiki. Pero walang nagawa ang nanay ni Luke kundi ang itakas sa kanya ang bata dahil papatayin ni Arthur ang bata oras na malaman nyang may anak si Chiki. Kaya iniwan na muna sakin ni Chiki sila Lace at Luke ng mapatay ni Arthur ang ina ni Luke. Pero nangyari ang hindi inaasahan. Nag karoon ng panibagong pag sugod ang Venator at ayaw man yun ni Chiki. Wala syang nagawa dahil hawak ni Arthur ang buhay nya. Kaya naman namatay si Lenard at naligtas ako ng dahil sa biglaang pag dating ni Chiki pero hindi na ko nakabalik sa inyo dahil kailangan ko ding alagaan ang dalawa kong tunay na anak. Alam kong magulo pa rin para sayo pero nung pinag bubuntis ko ang bunso kong anak, hindi talaga yun si Luke. Alam kong naalala mo pa yung time na pinag bubuntis ko ang bunso ko dahil may isip ka na nun, kayo ni Lace pero hindi talaga si Luke yun. Si Zyrus." Di ako makapaniwala sa mga sinasabi ni tita. Pero mas hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi nya.
"Si Zero at Zyrus ang tunay kong anak. Mag kapatid sila ni Lace sa ama." It can't be. Si Mr. President? At China? And Tita?
--
Sorry kung medyo magulo.
Please vote and share. Feel free to comment din.
Night_funny

BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasíaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...