"Mr. Woodsen!! Where the hell are you going!!!" Shouted Miss. Krishna at me. I just ignored her and continue walking out of the room.
Nakakatamad sa room wala namang ginagawa.
Nag punta nalang ako sa may gubat. Di ko naman talaga gustong pumunta dito pero dito nanaman ako dinala ng mga paa ko.
Tinitigan ko ang bato na nasa harapan ko. Umupo ako sa harap nito at hinawakan ang bawat letrang nakaukit dito.
"R-a-n H-e-a-t-h-e-r..." habang pinag mamasdan ko ito, may pumatak naman sa may balikat ko. Tumingala ako at nag didilim nanaman ang kalangitan. Tsk, wrong timing nanaman ang ulan.
Tumayo na ko at umalis na sa gubat.
2 years. 2 years na ang nakakalipas ng mangyari ang huling war. Oo huli na yun, dahil si dad na ang namamahala sa Venator. Wala naman na din si Arthur kaya sya na ang humawak sa Venator. Si tito Chiki naman ayun, inaalagaan nalang si Luke.
Sa 2 years na nakalipas, madaming nag bago. At isa na ko dun. Nawala sya, iniwan nya ko, nangako sya. Na kahit kailan hinding hindi na nya mababalik pa.
"Ako ang mag papagamot. Ako ang mabubuhay. Ako ang maiiwan. Ako ang - ako... I promise...."
I promise.. that was the first and last time I heard she said the word promise. Promise her ass.
Marahas kong pinunas ang likod ng kamay ko sa pisnge ko. Naiiyak nanaman ako. Lagi nalang ako ang talo.
Lalong lumakas ang ulan kaya naman hinayaan ko nalang na sumabay ang pag buhos ng ulan sa pag agos ng luha ko.
Huminto ako sa pag lalakad at tumingala. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang ulan sa buong katawan ko. The feels....
Ganto pala ang nararamdaman ni Ran. Kaya pala lagi nyang ginagawa to pag umuulan. Napangiti ako upon remembering her. I admit. Galit ako sa kanya. Pero hindi nun maiiba na mahal ko sya.
Mag lalakad na ulit sana ako pabalik sa Dorm kaso may isang silhouette ng isang babae na nakatingala sa langit. Kahit malayo ito sakin, tindig palang nya kilalang kilala ko na.
"Ran?"

BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasíaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...