——
"Anak, gising na. Hinihintay ka na nila. Matagal ka na nilang hinihintay. Lagi ka nalang nang iiwan. Alam mo bang nasasaktan na kami? Kaya ka naman naming hintayin, pero bawat pag hintay namin sayo, nawawalan na kami ng pag mamahal sayo. Gising na. Kung hindi iiwan ka din namin."
"Iiwan ka din namin."
"Wag!!!"
Napaupo naman ako sa kama, nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kawalan. Hinihingal na din ako dahil sa panaginip ko. Iyun nanaman. Lagi nalang.
"Ayos ka lang?" Napatingin naman ako sa may pintuan.
Tumango ako sa tanong ni Chani. Tiningnan ko ang wall clock sa may gilid at nakitang 8 na pala ng umaga. Late na ko.
"Nasan si Chase?" Iyan agad ang tanong ko sa kanya pag labas ko sa cr. Tapos na kong maligo at tumagal iyun ng mahigit 30 minutes pero andito pa rin sya.
"Pumasok na. Hinihintay ka namin para sabay sabay na tayong mag breakfast pero wala ka pa kaya pinuntahan na kita. Narinig ko naman ang sigaw mo. Ayos ka lang ba?" Minsan lang mag aalala si Chani. Kasi puro kalokohan alam nyan. Lalo na ang kakambal nyan. Pero kahit ganun, mabait naman yang mga yan.
"May napaniginipan lang ako."
"Ayos ka na ba talaga?" Tumango ako sa kanya. "Nakita ko nga pala si Ley kanina. Kasama si Rin.." kilala na din kasi nila Chani at Chase si Rin dahil isang beses ng bumisita samin si Rin nuon.
"Tara na." Tumayo na ko at kinuha ang backpak ko na nahiya ang hangin sa gaan.
"Saan tayo pupunta?" Tiningnan nya ko na kasalukuyang nakahiga sa kama.
"Baka matutulog?"
Naupo naman sya na parang kakaiba ang sinabi ko. "Matutulog ka nanaman eh kakagising mo nga lang?" Napairap naman ako sa kabobohan nito.
"Baka maliligo ako?" Yung kaninang nakakunot na nuo nya lalong kumunot.
"Kakaligo mo lang ah. Baka naman m—"
"Baka sapakin na kita? Tara na nga!!" Sinigawan ko na sya at lumabas na kami sa dorm room ko. Napakaboblaks. Eng-eng talaga.
——
"I like to move it move it."
"He likes to move it move it."
"She likes to move it move it."
"Wait what? Mali ka naman Cain eh. He! He! He dapat. Lalake kaya ako."
"Oo nga no? Sorry na baby."
"Kiss ko nalang mamaya Bebs."
"Oh mamaya na yan mga fre, game na!"
"I like to move it move it."
"He likes to move it move it."
"He likes to move it move it."
Iyan agad ang naririnig namin ng malapit na kami sa may pintuan ng room. Pasipa ko naman itong binuksan kaya natigilan sa pag hahampas ng drums si Lyndon. Maging iba nyang kasama napatigil sa mga hawak hawak nila. Eh? San galing tong mga gamit nila?
"Uy gitara!" Sabi ni Chani at tumakbo papunta sa may gitara. Gitarang gawa sa goma at mga kahoy. Basta. Hugis gitara sya pero goma lang talaga ang strings nya.
Tiningnan ko ang buong paligid. Si Lyndon may hawak na drums. Drums na gawa sa lata ng gatas. Si Cain naman may hawak na hair brush at ginawang mike. San galing yun? Si Chase naman may hawak na plastic. Plastic ata ng candy. Sila lang ang nandito sa room kaya naman ang gulo gulo. Anyari?
Nag katitigan lang kaming lahat pero maya maya kumanta nanaman si Cain.
"We likes to move it!!"
Nag simula naman sila galawin ang mga hawak nila at halos mabasag na ang eardrums ko sa pagsira nila sa instrument nila. Nakakairita ang tugtog nila!!
Ilang segundo pa silang nag kantahan at napaupo nalang ako sa may malapit na upuan. Tiningnan nila akong lahat at nginitian.
"Hows our band?" Sabay hampas ni Lyndon sa drums nya.
"Men ayos na ba ang pag kanta ko? Nakakatawag ng chics hano?" Tumayo na ko sa upuan ko nung nakabawi na ko ng lakas at lumapit sa kanila. Grabe. Nakakakuha ng lakas ang pakikinig sa kanila.
"Oo. Kung chics ang tawag mo sa ulan." Napakunot noo naman silang lahat. Kupo! Parang alam ko na ang ibig nilang sabihin.
"Ha? Di ko gets?" Chani.
"Please Elaborate." Lyndon.
"Baka naman palaka?" Napatingin naman kaming lahat kay Chase.
"Anong meron sa palaka fafa Chase?" Tanong ni Cain at inakbayan pa si Chase.
"Ulan. Diba pag umuulan madaming palaka. O diba? Omy I'm so genious.!!" Napaisip naman silang lahat sa sinabi ni Chase. Napatango nalang sila at nag apir pa sila ni Cain.
"Oo nga no!! Pero akala ko nag rerequest si Shaw ng ulan." Yung totoo? Rindi na ko sa kanila. Gwapo na sana eh. Mga bopols lang.
Tinalikuran ko nalang silang lahat pero bago ako umalis shempre pinigilan nila ako.
"San ka pupunta Sunshine?" Tumingin ako kay Lyndon.
"Hindi ako si Sunshine. Try mong hanapin sa araw." Mag lalakad na sana ako ng sumabat nanaman si Cain.
"Araw? Kanina ulan araw naman?"
"Baka naman ibon. Diba ang daming ibon pag araw?" Napailing nalang ako. At mag lalakad na sana ng mag salita nanaman si Chani.
"San ka pupunta?"
"Baka kakain?" Sarcastic kong sabi sa kanila. Ilang segundo silang natahimik kaya namam humarap ako sa kanila. Pero maya maya nag sitawanan naman sila.
"Hahahaha kakain ka? Hahahaha" napakunot ang noo ko sa kanila dahil hindi ko maintindihan ang ikinakatawa nila.
"Anong nakakatawa?" Mataray kong tanong sa kanila. Nag ehem naman si Lyndon at pinigilang matawa.
"Kasi haha kakain ka. Hahaha eh wala ka namang pag kain. Hahahaha"
Nganga.... as in napanganga nalang ako. Wow. Wow lang, ang tatanga nila! Bobo. Bwisit!!
Napafacepalm nalang ako at tinalikuran ko na sila. Mga wala na silang pag asa. Kawawa naman.
Babala: wag na wag nyong kakausapin ang isang Armstrong, Wilsmith, at ang kambal na Kim. May malala po silang sakit na nakakahawa. Walang lunas.
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasiPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
