"Oh my gosh what happen? Are you ok Ran?" Tumatakbong nag aalalang mukha ni Nam ang unang sumalubong samin nina Lace ng makapasok kami sa gate ng Shera High.
Sabi nila Lace 3 days daw ako nawalan ng malay. Bukod sa sugat na natamo ko kay Chiki, wala na kong ibang nakita pa sa katawan ko. Wala yung pilat na natamo ko dahil sa sarili kong apoy sa dibdib. Nung nakaharap ko si Lace. But its really weird kasi nasaktan talaga ako that time. Alam kong napuruhan ako dahil sa ginawa ko but how come na walang pilat?
Yung Book nabalik na namin kay Mr. Vincent Rick. Ok na ang lahat. May isa lang na hindi ok.
"Hey, kamusta? 4 days ding kayong nawala ah. Libre mo na ko." Napatingin naman ako kay Nathan na kasama pala ni Nam. Si Nam naman kausap sila Lace. Lalo akong napasimangot dahil sa sinabi ni Nathan.
"Paano kita malilibre kung wala kaming nakuhang price?" Walang kabuhay buhay na sagot ko dito na ikinagulat nya kaya iniwan ko nalang sila. Gusto ko ng mag pahinga. Narinig ko pang natawa si Lace.
Tama ako, yung Mansion 'daw' ng mga Rick hindi talaga sa kanila. Nirentuhan lang nila yun at wala talaga silang perang nag kakahalagang 500 thousands. Saya no? At alam yun ni Lace nung nag libot sya nuon sa loob ng room. Iba ang mga pictures na nandun at hindi picture nila Vincent Rick. Kaya eto, umuwi kami ng luhaan. Ako lang pala. Dahil ok lang sa dalawa na walang price. Pero sakin hindi! Sayang yun!! Muntikan na din akong mamatay dahil sa Chiki na yun!!
--
"Class, settle na ang fieldtrip natin." Sabi ni Miss. Krishna. Kaya nag hiyawan ang mga kaklase ko. Friday na kami pumasok ni Lace dahil nag pahinga pa kami.
"Where? I hope sa Mayna naman this time." Tanong ni Cain.
"Are you crazy men? I can't take the temperature there!" Pag tutol naman ni Lyndon.
"Edi wag kang sumama." Sabi naman ni Aiwa.
"Edi namiss mo ko? Alam ko namang nag aalala ka lang sakin pero wag kang mag alala. Ok lang ako dahil hindi naman tayo dun pupunta." Mayabang na sabi ni Lyndon. Seriously? Ang gulo nila.
"Shh, later na kayo mag away. And don't worry Lyndon. Wag ka na ding mag alala Aiwa kay Lyndo-"
"Miss. Krishna!!" Aiwa shouted. Nag tawanan kami dahil sa itsura ni Aiwa. Iba kasi eh, di mo alam kung inis o nahihiya. Yung totoo, parang may something sa kanila.
"Hahaha just kidding. Pero seryoso. For this year, sa Enchanted tayo pupunta." Enchanted? Woah.. saan yun?
"Saan yun?" Tanong namin ni Lace pareho. Lahat sila napatingin samin ni Lace na parang kami na ang pinaka tangang tao sa buong mundo. Eh?
"Ahmm, seriously? Di nyo alam?" Tanong ni Nam.
"Oh well," sabay irap ni Aiwa.
"Woah, galing ba kayo sa bundok?" Sabi ni Lyndon at pumito pa.
Pero di ko na sila pinansin. Mas tinuon ko ang pansin ko kay Nathan. Iba kasi ang naging itsura nya kanina nung sinabi ni Miss. Krishna kung saan kami pupunta.
--
"Enchanted. Lugar yun ng mga Witches and Wizards. More like, sa kanilang lugar lang talaga yun. At oras na pumasok ka sa boarder nila, malalagay ka kagad sa isang trap, illusion or something na hinanda ng mga Witches para sa mga bisita." Paliwanag ni Nam ng nasa Great Hall na kami para mag lunch.
"Bisita or bwisita. It's the same." Dagdag ni Aiwa at kumagat sa burger nya.
"Once na hindi mo nalagpasan ang mga trap nila, katapusan mo na." sabi pa ni Cain at ininom ang buko shake nya.
"But don't worry. It's easy as a pie. Kung hindi mo iisipin ang mga nag papatakot sayo." Sabi ni Lyndon at tinaas taas pa ang kilay nya.
"Eyy! Na-nananakot lang ata ka- kayo eh." Nanginginig na sabi ni Lace. Natawa naman kami sa sinabi nya. Takot to pustahan.
"Don't tell me your afraid?" Zero asked ng may ngising mapang asar sa labi nya.
"A- anong takot!! Sinong takot!!! Niligtas ko nga si Ran sa Chiki the Wiza-"
"Ow shut up!! How many times do you need to shout that you rescue her? Really? So irritating." Sigaw sa kanya ni Aiwa.
Natawa naman ako kasi simula kahapon nung nasa may clinic kami para gamutin ni Nam ang mga sugat na natira samin, nandun din silang lahat para kamustahin kami. Simula kahapon wala na syang tigil sa pag mamalaki na niligtas nya ko. Kaya ganun nalang ang inis ni Aiwa. Hahaha serves him right. Ang yabang kasi! Naku kung hindi lang ako nahimatay patay sakin si Chiki.
Dahil sa nag aaway na sila Lace at Aiwa. Tumayo nalang ako at umalis sa Great Hall. Pupunta nalang ako sa rooftop.
--
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasíaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
