"Tara na. Baka bumalik pa yung lalake na yun dito. It's not safe anymore." Sabi ko kay Lace dahil kanina pa kami dito sa loob ng bahay na sunog na. Abo na lahat. Dahil gawa lang naman sa kahoy ang bahay mabilis nawala ang lahat. Nilamon kagad ng apoy ang bahay.
"I lost everything." Mahina at halos pabulong nalang na sabi ni Lace. Tiningnan ko sya habang nakaupo sa sahig. Si Luke naman nakatayo lang sa gilid. Pumunta ako sa harap ni Lace at sinipa sya sa nuo nya. Wala akong pake kung nag kadumi sya dahil sa pag sipa ko. Napahiga naman sya sa sahig. Sandali syang natigilan pero naupo din kagad at nag buntong hininga. "Wala ako sa mood Ran. Wag ngayon." Huh! Tingin ba nya nakikipag laro ako?
Namaywang ako sa harap nya at tinaasan sya ng kilay. "Kung sa tingin mo na nakikipag laro ako edi sana hawak ko na ang ispada ko." Mataray na sabi ko sa kanya. Umupo ako sa harapan nya at kinuwelyuhan sya. "You lost everything? Eh anong tingin mo samin ni Luke? Wala?" Galit na sabi ko sa kanya at sinampal sya. Nakita kong nagulat si Luke sa ginawa ko. Maging si Lace di inasahan ang ginawa ko. "Lace wag mo kong dramahan ah!! Nandito pa kami ni Luke kaya wag na wag mo yang sasabihin!! Tara na. Kelangan na nating umalis." Tumayo ako at binitawan sya. Lalabas na sana ako ng mapansin na hindi sila sumusunod. Ng tingnan ko si Lace nakatingin lang sya sakin, nanlalaki ang mata at nakanganga. Si Luke naman nakangiwi. Anyari sa kanila? "Ano ba? Di ba kayo kikilos? Gusto nyong kaladkarin ko pa kayo paalis?" Sigaw ko sa kanila. Para namang natauhan si Luke at tumakbo papatabi sakin. Inirapan ko si Lace dahil nakaupo pa din kaya iniwan na namin.
--
"Kelangan ko ata ng yelo." Sabi ni Lace at hinawakan ang kaliwang panga nya. I glared at him. Napapala mo.
Kanina pa kami nag lalakad paalis sa bayan ng Mayna. Sigurado akong babalik ang lalakeng yun sa bahay kaya umalis nalang kami. Ang kaso....
Wala kaming pupuntahan.
Napahinto ako sa pag lalakad at kinuha ang map sa bulsa ko. Napahinto din sila at nakitingin.
"Ano ginagawa mo?" Tanong ni Lace na hindi alam ang gagawin ko. Sure akong may kinalaman ang lalakeng nakita ni Luke sa bakanteng lote at yung lalakeng sumunog sa bahay. Umupo ako sa isang ugat ng puno na umangat na dahil sa laki at tanda ng puno. Tumabi naman silang pareho sakin. Tinitigan ko ang papel ng mabuti.
"Luke, sure ka bang wala ng sinabi ang lalake kanina nung binigay to sayo?" Tanong ko kay Luke at tiningnan ng seryoso ang papel.
Luke just nodded at kinuha ang papel na hawak ko. "Nung una nag taka ako pero di ko na sya natanong kasi nawala na sya kagad. Kagaya ng lalakeng sumugod sa bahay natin." Napatingin ako kagad kay Luke nung sinabi nya yun.
"So theres a big posibility that the guy who gave you that Map and the guy who wreck our house..-"
"Ay iisa." Napatango tango kaming tatlo habang narerealize ang mga nangyari. Kinuha ko ulit kay Luke ang papel at hinawakan. Pinag hahampas at kung ano ano pa.
"Anong ginagawa mo?"
"Gutom na yan kuya."
Di ko pinansin ang dalawa at nag patuloy sa pag experemento sa papel. Sigurado akong may nakasulat dito. Dahil na din may Sixth Sence ang nag bigay kay Luke nito. So I'm sure may kakaibang magic dito sa papel. Huminto ako sa pag hampas sa papel at tiningnan ito. May isang salita akong naisip. Di ko alam kung bakit pero--
"Boyeo juda she ra."
Nagulat kaming tatlo ng biglang umilaw ang papel at nag karoon ng mga guhit. Maya maya pa may nabuong mapa. Napa wow naman ang dalawa sa nakita.
"Anong ibig sabihin ng sinabi mo?" Tanong ni Luke. Nag kibit balikat naman ako dahil maging ako hindi alam ang ibig sabihin nun. Basta lumabas nalang yun sa bibig ko, yun na. Tiningnan naming mabuti ang Map. Nakita namin ang Mayna. May mga footprints din na nag lalakad. Ang iba ay nakahinto lang. Hindi ko alam kung para saan yung mga footprints na yun pero nung ginalaw galaw ko ang paa ko,
"The footprints shows the movement of our feet." Sabi ni Lace. Ginalaw din nila ang mga paa nila at tama nga. Iyun nga ang paa namin na nasa isang bahagi ng gubat. Nasa loob pa din kami ng Mayna at malayo layo pa sa Shera. Ang Mayna ay nasa itaas na bahagi, north. Nasa gawing ibaba naman ang Shera kung saan kami papunta. Sa south.
Ang Bansa ng Him. O Power, ay nahahati sa apat na bayan. Sa west side ng Him ay ang Custos Pacis.. o ang mga Peace keeper ng Bansa ng Him. Dahil madalas ang gera nung sinaunang panahon. Kinakailangan ang Custos Tribe para sa kapayapaan.
Sa North naman ay ang Mayna, dito kami nakatira ngayon. Kung saan ang mga Normal na tao ang nag mamay ari.
Sa East naman ay ang Venator. Sila naman ang mga taong nag ha hunt ng iba't ibang hayop at may taglay din silang kakayahan kagaya namin. Ngunit naiiba parin ang Shera sa lahat dahil ang Shera ay may Sixth at Seventh sense.
Ang pang huli ay ang sa South, ang Shera. Shera ang pinakamalaking sakop ng lugar sa bansang Him. Ito din ang pinakamalakas sa lahat dahil na din sa kakayahan namin. Nag karoon ng gera nuon dahil sa inggit ng mga Venator sa Shera. Hindi nakisali ang mga Mayna dahil wala naman silang kakayahan. Ang mga Custos Pacis naman ay walang nagawa kundi manahimik dahil sa laki ng Gera na naganap. Hindi nila nakayanang pigilan ito. Kaya naman hanggang ngayon ay mag kaaway pa din ang bayan ng Venator at Shera.
"Medyo malayo pa tayo sa Shera." Tiningnan ko ulit ng maigi ang Map. Oo nga. Palabas na kami sa gubat ng Mayna. Magiging maganda kaya ang kapalaran namin kung babalik kami sa lugar na pinilit kaming ilayo ng tadhana? Shera.....
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
