--
Pinag masdan ko ang isla ng mga tao dito sa loob ng mansion ng nga Woodsen. Masasaya, nag kekwentuhan, at nag tatawanan. Buti pa sila masaya.
Tiningnan ko ang mga kaibigan kong nag sasayaw. Si Cain na sinasayaw si Nam pero lagi namang natatapakan ang paa. Si Nate na umiinom ng wine pero di naman nalalasahan. Si Aiwa na inis na inis sa pag mumukha ni Cain. Si Lyndon na kausap si Luke. At si Zero na masayang nakikipag sayaw kay Charlot.
Aaminin ko. Nung una akala ko si Zero na talaga. But looking at them now, I realize how they happy to be with each other. Looking at them they looking so perfect inlove couple that the other wants to be. Nakakainggit.
Nahagip naman ng paningin ko si Lace na nakikipag usap sa ama nya. Napansin ko din na seryoso sila masyado. Lace, I'm really sorry. Sorry..
Sinandal ko ang ulo ko sa may couch na inuupuan ko. Napagod ako masyado kakasayaw dahil sinayaw na nila ako. Si Lace nalang ang hindi ako naisasayaw dahil madaming kumakausap sa kanya.
Si Chiki. Nakita ko na sya kanina ng pinakilala ni tita si Chiki kay Luke. Tuwang tuwa nga si Luke eh.
"Just enjoy the party Walker." Napatingin ako sa likod ko at nakitang nakatayo si Chiki habang may hawak na baso ng wine. Umupo sya sa tabi ko at nginitian ako. I must admit. He's still looking good eventhough his in 30's..
"I can't."
"Still thinking about what you did to my twin ey?" Nakasmirked sya sakin na parang sinasabing I hit the bulls eye.
"Yeah."
Tumingin ulit ako kay Lace na nakatingin na din pala sakin ngayon. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din naman sya. Napansin ko pang tumingin sya sa katabi ko na si Chiki at nangunot ang nuo nya. Umilimg g nalang sya at sumunod na kay Tito Zoro.
"He still doesn't know who really killed his mom right?" Tumango ako sa tanong nya. Di ko alam pero kung mag usap kami parang matagal na kaming mag kakilala.
12 pm na din at hanggang ngayon wala pa rin ang hinihintay ko. Kasama ko pa din si Chiki at sinabi nya sakin kanina na may susugod nga daw dito. Alam ko naman na samin na kakampi si Chiki ngayon. Dati palang taga Shera sila Chiki pero napunta sila sa Venator dahil ang ama nila ay si Arthur at ang ina naman nila ay isang Shera na nag taksil sa sarili nitong bayan. Pero kahit ganun pa man, may galit daw sila sa ama nila maging si Charlot dahil ni minsan hindi sila tinuring nitong tunay na anak.
Maya maya pa may naramdaman akong kakaibang presense sa paligid. Nagpalinga linga ako pero yung mga kasamahan ko parang walang nararamdaman. Tumingin ako sa second floor pero wala naman dun. Sure akong dun ko naramdaman ang malakas na pwersa na yun. Tumayo ako at mag lalakad na sana ng pigilan ako ni Chiki.
"Don't." Inubos nya ang wine nya at binaba sa may mini table. Nag lakad sya paalis at nakitang papunta sya sa second floor. Susunod sana ako ng may maramdaman pa kong kakaibang presense na nakapaligod samin. Nilihis ko ang gown na suot ko at hinawakan ang dagger ko na nakasabit sa legs ko. Narinig ko ang isang tili kaya naman agad ko itong hinagis sa gawi ng isang babae. Saktong nataan ang nasa likod ng babae at unti unti na naming nakikita ang taong nasa likod nya at maya maya pa nakita na namin itong bumagsak.
Nagsigawan na ang mga taong nandito kaya naman nag kagulo na. Tumakbo agad ako papunta sa dagger kong nakatarak sa dibdib ng lalakeng Venator at kinuha ito. Nanlalaki ang mga mata ng nakakita ng ginawa ko.
"UMALIS NA KAYO DITO!! BILIS!!" I shouted and I changed my dagger into bow and arrow. Lahat sila nakatulala lang sakin. "Shit naman." Hinanap ko sa magulong lugar sila Lace at nakitang nakikipag laban na din sila sa mga Venator.
Nang makita ko si Nam kasama nya sila Lyndon at Luke. "Nam!! Dito!!" Agad naman ayang tumingin sakin at tumakbo sila papunta dito. "Tumakas kayo dito sa lugar na to. Isama mo na sila! Mga ayaw pang kumilos! Pumunta kayo sa Walker Mansion. Nandun sila Tito Hades. Sabihin mo din na-"
"No need iha. Nandito na kami." Nakita ko naman si Tito Hades at may iba pa syang kasama. "Lyndon, umalis na kayo. Isama mo na sila. Nag iintay na ang van na nasa labas." Tumango naman sila at bago pa sila umalis. Hinawakan ni Lyndon ang balikat ko.
"Be safe." Tumango lang ako at inakay na nila Nam ang mga tao palabas dito sa Mansion ng mga Woodsen.
Ang ingay ng paligid. Sobrang gulo. Ang daming dugo. Napatingin ako sa may babaeng sumigaw at nakita kong natamaan sa may braso si Aiwa ng dagger. Sasaksakin na sana sya ng kalaban nya pero agad ko itong pinatamaan ng arrow. Natamaan naman ito sa may leeg kaya tumakbo ako papunta kay Aiwa. Nakita kong malala ang tama nya sa braso kaya tinulungan ko na syang makatayo.
"Nasan si Chiki?" Naalala ko naman yung naramdaman ko kanina sa second floor kaya napatingin ako dito.
Nararamdaman ko pa din ito at alam kong nag lalaban sila sa taas. Pamilyar sakin ang presense na yun kaya naman napagisipan ko na pumunta duon. Iiwan ko na sana si Aiwa pero hinawakan nya ko sa braso ko.
"No.." umiling iling sya at hinigpitan pa ang hawak sakin. Aalisin ko na sana ang kamay nyang nakahawak sakin kaso niyakap nya ko. "No. Si- si Arthur ang nandun. Please. No." Pag mamakaawa nya. Naramdaman ko ding namamasa na ang balikat kong sinasandalan nya.
Iyak lang sya ng iyak at may nakita akong papasugod samin kaya naman pinataan ko sya ng arrow. Lintik naman oh!
Nakita ko si Cain na papalapit samin kaya naman sinenyasan ko sya na pigilan ang mga papasugod samin. Nag sallute naman sya at pumwesto sa harapan namin. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Aiwa at inilayo sakin.
Pinahid ko ang mga luha nya at tiningnan sa mata.
"Look, Aiwa theres nothing to worry about. Kaya ko si Arthur. And also. Kung walang lalaban sa kanya sino papatay sa kanya right? I need to go. Trust me." Tinitigan lang ako ni Aiwa. Kitang kita ko ang pag mamakaawa nya sakin at takot. Ngayon ko nalang ulit nakitang ganto kahina si Aiwa. Naalala ko nanaman ang nangyari nuon. Si Arthur. Sya ang pumatay sa magulang ko. Maging sa magulang ni Aiwa siya din ang pumatay. Hinding hindi ko sya mapapatawad.
Nag lakad na ko paalis kahit na pinigilan ako ni Aiwa pero nag tuloy lang ako.
Pero bago pa ako makatungtong sa first step ng hagdan may malakas na hanging dumampi sa balat ko and before I knew it, blurred nalang ang nakikita ko dahil sa bilis ng takbo nya.
Narinig ko pa ang boses ni Nate pero hindi ko maintindihan ang sinabi nya.
Naramdaman ko ang patak ng isang tubig sakin kaya napatingin ako sa mukha nya. Kahit mabilis ang takbo nya palabas sa mansion ng woodsen alam ko kung sino sya.
Lace....
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasíaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
