Dahil nga pinagalitan na si Zyrus, hindi na natuloy pa ang practice namin. 9 na ng gabi at nasa gubat parin ako.Hindi na din ako pumasok kanina. Hinanap ko si Rin pero di ko sya makita. Ang sabi naman nila Nam baka daw umuwi sa Mansion nila. Di ko alam pero gusto ko ulit makita ang babae.
Habang nag lalakad ako di ko napansin na malayo na pala ako sa Shera High. Di ko alam kung nasan na ko pero sure akong hindi na to gubat ng Shera High. Masyadong madilim at iba ang aura. Iba ang nararamdaman ko.
Hahakbang na sana ako ng may makita akong tumatakbo patago sa isang puno. Hinawakan ko ang dagger na nasa likod ko.
Kukunin ko na sana ito ng may mahagip pa ang mata ko. Nakasabit sa puno. Nakatingin sakin ang galit na galit na mata nito. Nanlilisik na tila ba gusto na kong patayin. Napaatras ako ng may makita pa kong isang tao na nakasandal naman sa may isang sanga ng puno. Unti unting nag lakad ang taong nasa likod ng puno. Bumaba naman ang isang nakasabit sa puno na parang paniki at nag lakad palapit sakin.
Di ito ang unang pag kakataon na makaharap ako sa isang gulo. Pero iba to, iba ang kaharap ko. Sa mata palang nila iba na ang nararamdaman ko. Bumaba ang isa pa at nag lakad din ng dahan dahan papapunta sakin. Nakita ko na din ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga mata nilang nag dudugo. Mukhang nag dudugo dahil sa pula ng mga ito.
Maya maya pa nag simula na silang tumakbo papunta sakin. Kinuha ko ang dagger sa likod ko at hinagis agad sa gawi ng pinakamalapit na sakin. Kaso naiwasan nya agad. Shit!!
Agad agad akong nag labas ng apoy sa kamay ko pero ayaw. Hindi makapag labas ng apoy ang kamay ko. Shit ano to? Lokohan?. Tatalon na ang isa sakin kaya napatingin nalang ako sa kanya.
Hindi ko magawang pumikit. Nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko ng biglang may tumalon sa gilid ko at sinalubong ang isang bampira na tatalon dapat sakin. Nakita kong sinuntok ni Zero ang bampira sa panga at taob agad ito. Lumapit naman ang isa pa at ganun din ang nang yari. Pero mas brutal nga lang. Sinuntok ni Zero ang tyan ng bampira at tumagos ito sa likod ng bampira. Nalaglag ang bampira sa lapag ng butas ang tyan.
Iniiwas ko ang tingin ko dahil nakakakilabot ito.
Nakita kong nag lakad papalapit ang natirang bampira. Ito yung nakasandal sa taas ng puno kanina. Hindi ko makita ang mukha nya dahil sa suot nitong cloak. Huminto ito ng medyo malapit na ito kay Zero. "Ow, Zero. Very typical of you.. pinatay mo nanaman ang mga alagad ko. Tsk tsk." Nag pantig ang tenga ko dahil sa boses na yun.
Ang boses na yun, malumanay, mahina, pero malamig. Damn! San ko ba yun narinig?
Di ko alam ang mga sumunod na nangyari. Basta nag laban sila na puro blurr nalang ang nakikita ko.
At namalayan ko nalang nandito na kami sa gubat ng Shera. Nakaupo ako sa isang ilalim ng gubat. Tumabi sakin si Zero.
"Na- nasan yung kalaban?" I asked. Nakita kong may mga sugat sya.
"Nakatakas si Neo.." Nakita ko ang pag ngiwi nya. Ang laki ng sugat nya sa ulo. Halata naman yun kahit sa kapal ng buhok nya dahil sa mga dugong tumutulo.
"Vampire ka diba? Bakit ayaw mawala ng mga sugat mo?" Tiningnan nya lang ako at natawa sya.
"Your searching about my kind." Tiningnan ko sya ng masama. Malamang na alam ko yun, hindi naman ako tanga no. "Iba ang dulot ng mga sugat na binigay sakin ni Neo. Hindi ito gagaling agad kagaya ng ibang simpleng sugat lang."
Tumayo ako at lumohod sa harapan nya. Hahawakan ko na sana ang ulo nya ng ilayo nya ang mukha sakin. "Anong ginagawa mo?" Di ko sya sinagot at sinuntok sya sa sikmura. Napa ubo naman sya ng may kasamang dugo. Oooppss sarreh!
Nang makita ko na ang sugat nya, hindi na nakakagulat na malaki ito.
Wala akong gamit na panggamot. Kaya inaya ko nalang syang pumuntang clinic.
"I don't want. Dito nalang muna tayo." Sabi nya. Kaya wala akong nagawa kundi sirain ang manggas ng t-shirt na suot ko. Pinahid ko ang mga dugong nasa pisnge nya. Napapaiwas naman sya pag nadadampi sa sugat nya. "Ah! Dahan dahan naman. Masakit!."
Pinagpatuloy ko lang ang pag pupunas sa mukha nya. Halos pag pawisan na ko dahil sa ginagawa ko. "You look more gorgeous when concentrating." Napatigil ako sa sinabi nya kaya natawa sya. Diniinan ko ang pag dampi sa sugat nya kaya napa aray naman sya. Biwsit to. Lakas mang inis.
Ilang minuto pa ang lumipas itinigil ko na ang pag punas dahil ok naman na pero tumutulo pa rin ang ilang dugo.
"Nag seselos ako." Sabi ni Zero out of the blue kaya napatingin ako sa kanya. Nangunot ang nuo ko sa sinabi nya. Saan sya nag seselos? Kanino? May girlfreind ba sya?
"Kanino?" I asked at tumingala sa langit. Ngayon ko lang napansin na ang dami palang stars.
"Nagseselos ako. Ang tagal ko syang hinintay." Mahina pero sapat lang para marinig ko. Tumingin ako sa kanya at nakatingin na pala sya sakin. Di ko magawang umiwas ng tingin dahil nakakaadik ang mga mata nya. Itim na itim ito na para kang lalamunin. "Ran, alam mo yung, ang tagal mo syang hinintay? Ang tagal mong nag intay tas pag nakita mo na ulit sya may kasama na tong iba?"
Napangiti ako sa sinabi nya. Girlfriend nga nya. Akalain mo yun? May lovelife sya. "I waited for her a long period of time. Tas makikita ko nalang sya na may kasama ng iba. May iba ng nag liligtas sa kanya. Na dati ako ang nasa tabi nya kahit na mas malakas sya sakin pero nandun parin ako para sa kanya. Pero ang sakit. Ang sakit sakit." Tinitigan ko lang sya at kita ko ang pag bagsak ng luha sa mga mata nya.
Di ko alam pero seeing him this weak, nasasaktan din ako. Sino ba ang tinutukoy nya? Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa di ko malaman na dahilan.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa kanyang mata. "Shh, ok lang yan. Everything will be ok." Sabi ko sa kanya. Ewan ko pero ramdam ko sya. Ramdam ko ang pagiging malungkot nya.
Nginitian ko sya at aalisin na sana ang kamay ko na nasa pisnge nya kaso hinawakan nya yun. Dahan dahang lumapit ang mukha nya sakin. At alam kong kung ano man ang mang yayari ngayon. Di ko na matatakasan pa.
Nang malapit na ang mukha nya sakin nag salita sya. "You never failed to make me feel this way whenever your near." At nung gabing yun. Nung oras na yun. Nang yari ang hindi ko inaakala.
Hinalikan ako ng isang bampira. Hinalikan ako ng isang Zero Woodsen.
![](https://img.wattpad.com/cover/69150288-288-k709170.jpg)
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasiaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...