Kanina pa kami nag tititigan ng tatlong lalake na to at kasama na din si Rin.
Ang sama ng tingin ni Rin samin. Yung dalawa naman sa gilid nakangiti. Kaso yung ngiti ng isang grey ang buhok kakaiba. Yung nasa gitna naman na lalake-
Matangkad sya, maputi, itim na itim din ang mata na para bang nilalamon ang kaluluwa mo once na napatitig ka dito. Kakaiba ang pag ka shade ng itim na mata nya. At higit sa lahat, kakaiba ang presense nya.
"Kuya! Sinaktan nila ako!! LALO NA NUNG BABAE NA YAN!!" Sigaw ni Rin at talagang tinuro pa ko. I smirked because of her action. Ibang iba sa kanina. Kala mo matapang sumbungera naman pala.
"Hoy!! Sino kaya ang nanguna." Sagot naman ni Luke. "IKAW!!" sabay na sigaw ng mag kuya kay Rin. Napaatras si Rin ng isang hakbang dahil sa sigaw nung dalawa. Kahit kailan bata talaga sila umasta. Napatigil naman sila Lace at Luke ng mag salita ang lalaki na nasa gitna.
"You must be the town's people. From the Poor Mayna." Grabe... nakakakilabot din ang boses nya. Parang nakalunok ng aircon. Pero di ako nag patinag at tinitigan sya. Di ako sumagot. Si Lace ramdam kong nag pipigil. Tinititigan lang namin ang bawat isa. Napansin kong iba na talaga ang titig sakin nung dalawa pang lalake kaya tiningnan ko sila. Medyo nagulat naman sila.
"What?" Tanong ko sa kanila.
Maya maya pa napangiti ang lalakeng kulay Grey ang buhok. "I guess you tone down your pain thats why you can't feel your wounds." Nagtaka pa ko sa sinabi nya pero napatingin ako sa sarili kong katawan. Ang alam ko sa pisnge lang ako may sugat but I'm wrong. I also have wounds in arms. May dalawang hiwa na nag dudugo na. Halos matuyo na ang dugo. Pero sa binti ko, may sugat din. Umaagos pa din ang dugo mula sa hiwa nito. Nakapantalon ako pero dahil sa dagger ni Rin nasira ang isang binti ng pantalon ko at halos makitaan na ko pero di pa naman. Medyo lang.
Tinaasan ko ng kilay ang lalake. "So?" Napangiti ang tatlong lalake. Maya maya pa may naramdaman akong tumulo sa kanang mata ko. Ng hawakan ko yun-
"Ran,, may tama ka sa ulo.." sabi ni Lace. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Sira ulo to. Baliw daw ako? Bigla akong binatukan ni Lace. "I know what your thinking! What I mean is--" di ko na narinig pa ang sinabi ni Lace dahil bigla nalang nag dilim ang buong paligid ko.
--
"Hoy bata!! Bat nandito ka? Ikaw may kasalanan nito eh!!"
"Excuse me? I'm just playing. I didn't know she loves to play that game so we enjoy it."
"Play? Play pa yun sa tingin mo?"
"Oh, give me a break."
"Why would I do that? Tayo ba ha? Tayo ba?"
"Idiot.!"
"Shut Up!!"
Ingay... ang ingay... pero bakit ang dilim?
I slowly open my eyes... Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang hindi pamilyar na kwarto. Where am I?
"Ran!! Buti gising ka na." Nagulat ako ng bigla akong sunggaban ng yakap ni Lace.. sumunod naman si Luke. They hugging me so tight that almost I can't breath... humiwalay sila sa yakap ng marealize na di na ko nakakahinga. "Sorry." they muttered in chorus. Nginitian ko lang sila at ginulo ko ang buhok ni Luke. Napatigil kami sa pagtatawanan ng may nag 'ehem'
Ng tingnan ko kung sino. Give me a break... sila Rin nanaman. Tsk.. tiningnan ko sila ng masama at mag sasalita na sana kaso
"Wag kang mag taray dito... nasa lupain ka namin." Mataray na sabi ni Rin. Right. Sino nga ba ako para mag suplada. Tumayo ako at nakita ko naman ang damit ko na nasa gilid ng kama kaya kinuha ko yun. Nakatingin lang sila sa bawat galaw ko. Naka Hospital gown kasi ako. Pumasok ako sa cr at mabilis na nag bihis. Pag labas ko kinuha ko yung bag sa gilid.
"Let's go." Sabi ko sa dalawa at lalabas na sana ng harangan kami nung dalawang lalake.
"Where do you think your going?" Narinig ko nanaman ang boses na yun.
"What do you think?" Balik tanong ko sa kanya. Nakatalikod pa din ako sa kanya.
"What do I expect? Laking bayan ng Mayna kaya ganyan ang ugali mo." Sabi pa nya ng puno ng pang aapi. Tiningnan ko sya ng masama. Walang makikitang expression sa mukha nya. "Di ka na nga nag bayad. Di ka pa nag pasalamat. What kind of attitu-" di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Kinuha ko ang Sword ko sa bewang ko. I turn it into dagger at agad agad na hinagis sa gawi nung lalakeng yun. Di sya umiwas at saktong nasugatan ang pisnge nya. I heard Luke, Rin and the other gasped. Si Lace naman napailing lang habang nakangiti. Sanay na sanay na sya sa ganto kong ugali.
I attract my dagger para maibalik sakin ito. Lumipad ito papunta sa mga kamay ko at binalik ko sa pagiging sword. Napansin ko natigilan ang dalawang lalake maging si Rin. I pointed the sword to the guy whose standing in front of me. "Don't judge a book by it's cover." Banta ko sa kanya at agad agad na hinila palabas sa kwartong yun ang dalawa.
--
"Di ka na nga nag bayad. Di ka pa nag pasalamat."
Haays. Kanina pa nasa isip ko yung sinabi nung lalake na yun. At kanina pa din kami palakad lakad dito sa bayan ng Shera. Oo, nasa Shera na kami.
"Nagugutom na ko kuya." Sabi ni Luke. Nag palinga linga naman si Lace sa paligid at nung may nakita syang shop. Hinila nya kami papunta dun.
"Ok ka na ba?" Tapos na kaming kumain at nandito kami sa isang gubat sa Shera. Nakaupo lang kami sa ilalim ng puno. 4 na ng hapon. Nakatulog si Luke sa mga hita ko dahil na din sa pagod. I nodded at Lace and smiled.
"Matulog ka na. Sure akong pagod ka na din." Simula pa kagabi di yan nakatulog na ayos dahil nga nasa labas kami nun at hindi lang yun, binabantayan din nya kami ni Luke dahil sa lalakeng sumunog sa bahay namin.
Umiling sya at tiningnan ako. "Kanina kinabahan ako nung nawalan ka ng malay." Seryosong sabi nya. "Akala ko iiwan mo na din kami." Napangiti ako sa sinabi nya. Nahimatay lang iiwan na kagad?
Hinampas ko sya sa balikat nya. "Ikaw naman! Nahimatay lang ako." Tumawa kami pareho at maya maya pa naging alerto kami dahil may naramdaman kaming gumalaw sa gilid ng isang puno.
Tumayo ako at iniwan ko sa kanya si Luke. Pipigilan pa sana nya ko pero too late because I already up and turn my sword into dagger at binato ko sa puno. Saktong nag pakita ang babae kaya natamaan ang buhok nito. Pareho kaming nagulat sa nangyari.
Oooppss, I didn't mean it.
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantastikPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
