........
"Nagugutom na ko."
"Ang sakit na ng paa ko."
"Matagal pa ba tayo?."
"Waaahh!!!! Mamamatay na ko."
"Kekwento ko nalang kay Rin ang lahat bro."
"Pakipatay na din si Zyrus."
"Damay ko na si Zero."
"Salamat kuya."
"Ang sakit na ng bunganga ko."
"Ang sakit ng puso ko."
Napailing na lang ako sa ka utuan ng mag kuya. Tatlong oras na kaming nag lalakad at wala pa rin kami sa mansion ng mga Rick kung saan nakatira si Vincent Rick.
Kakausapin muna namin sya para sa Mysterious Book. Oo, sumama yung mag kuya sakin. Ang laki daw ng pera kaya tutulungan na nila ako. Bat di nalang sila mag hanap ng ibang mission sa board? Ang dami dami dun eh.
"Hoy Ran!! Napapagod na kami!!" Sigaw ni Lace sakin. Nahuhuli na sila sa pag lalakad. Tiningnan ko sya ng masama.
"Sino ba kasing may sabi na sumama kayo sakin?" Sigaw ko at naupo sa gilid ng puno. Mag papahinga muna kami. Tumabi naman sila sakin at nakahinga ng maluwag.
"Wala bang pag kain ate?" Tanong ni Luke. Inihagis ko naman sa kanya ang bag ko. Puro pag kain yun eh. Bigay sakin ni Nam bago kami umalis.
Alas sais na ng gabi kaya malamang na hindi na kami makapasok bukas. Ok lang dahil mission naman to. Requirred naman to.
Nanahimik naman na ng makakain na sila. Ako naman tumingin sa harapan namin at nanlaki ang mga mata. Ang mansion.!!
"MANSION!!!" sigaw nung dalawa at dali daling tumakbo papapunta sa harapan.
--
"Woah, tol ang ganda dito." Lace said while roaming around the room. Pinapasok muna kami ng maids dito sa isang kwarto sa mansion at hintayin nalang daw si Vincent Rick.
Si Luke naman kumakain nanaman. Binigay ng maids samin yun baka daw gutom na kami.
Nanahimik lang ako sa couch at nag tingin tingin sa paligid. Iba ang pakiramdam ko sa Mansion na ito. Ibang aura.
"Maraming salamat at sa wakas ay may tutulong na din sa amin." Wika ni Mr. Vincent Rick. Masyadong pormal ang pananalita nya. Nakatayo naman sa kanyang gilid ang kanyang butihing asawa. I guess?
Tumayo si Lace at nag unat unat matapos mag paliwanag ni Mr. Rick. Ako naman nakatulala pa din dahil sa sinabi nito. Hindi pwede.... ayoko!!
"Ayos.! Tara na! Tapusin na natin to." Sabi ni Lace at nag warm up pa. Di ko namalayan na nasa labas na pala kami ng Mansion.
"Malaking pera din ang makukuha natin dito kuya! Kukunin lang natin ang libro at magkakapera na tayo.!" Ako? Bakit ako? Babaeng mag papanggap na patay na patay sa Sherk na yun? No way!! "Kuya di ka nya naririnig. May iniisip si Ate." Kailangan na naming umuwi.. ayoko na dito. Hindi pwede. AYOKO-
"ARAY!!" I shouted. Bwisit. Napahawak ako sa ulo ko na tinamaan ng bato. Tiningnan ko ng masama si Lace. Nag peace sign naman sya sakin at nag sorry naman si Luke.
"Nakatulala ka jan eh. Sabi ko tara na!" Sabi ni Lace.
"Ayoko! Umuwi na tayo!" Sigaw ko sa kanila at mag lalakad na sana ng hawakan ni Luke ang mga braso ko.
"Ate naman!! Sayang yun! Ang dali dali lang tas mag kakapera na tayo agad.! Oh diba? Easy money beybeh!!!" I glared at him dahilan para bitawan nya ko.
"Madali? MADALI PARA SA INYO!! SINO BA ANG MAG PAPANGGAP NA POKPOK SA HARAPAN NUNG SHERK NA YUN? AKO DIBA? AKO!!!" Oo, pokpok. Prostitute. Parang ganun.. ang sabi ni Mr. Vincent Rick mahirap daw makapasok sa mansion ng Sherk. At dahil pwede naman daw ang mukha ko, mag panggap nalang daw akong pokpok sa harapan nung Chiki Sherk na yun para mas lalong mapadali. Ang kaso... ako? No way!! As in no in a million way!!!!
Natahimik lang sila pag katapos kong sumigaw pero maya maya pa "HAHAHAHAHAHA" they laught in chorus. Lalo akong nainis sa ginagawa nila eh! Naman! Nag pipigil sa pag tawang lumapit si Lace sakin at inakbayan ako. "Tol, come on! Wag kang ganyan. Mag dadamit at mag kukulay lang naman kami sa mukha mo ng pang pokpok ok na yun! Walang mang yayaring masama sayo." Sabi nito ng matawa tawa pa. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi eh. Dahil sa inis siniko ko sya sa tagiliran. Napabitaw naman sya sakin at dumaing.
"How can you be so sure?" Paninigurado ko. Nag katinginan naman silang dalawa at nag tatasaan ng kilay na para bang may napakamagandang ideya na naisip.
--
Ding dong....
Ding dong....
Ding don-
Napatigil ako sa pag pindot ng doorbell ng bigla itong bumukas. Tiningnan ako ng babae ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng fit dress na kulay black na tube. Naka steletto din ako. Ang sakit nga sa paa at nahihirapan na ding huminga ang dibdib ko.
Nginitian ako ng babae at pinapasok sa loob. Pero ng napadaan ako sa harapan nya napasimangot sya sa amoy ko. Eto kasi ang plano na naisip nila Lace at Luke.
"Mag pahid ka ng sibuyas sa katawan mo. Ayan ganyan nga Luke damihan mo pa. In that way papaliguin ka muna ng Chiki na yun bago ka gahasahin. Malay mo tulungan ka pang maligo. Bwahahaha- aray tol! Masakit!!"
Dahil sa sinabi nya pinag hahagis ko sya ng sibuyas na pinapahid sakin ni Luke. Lakas mang asar eh. Pero mukhang epektib naman.
"Mag hintay ka muna dito. Tatawagin ko lang ang master sa kwarto nya." I sweetly smiled at her. Nakita ko pa syang tinakpan ang ilong nya ng mapadaan sakin. Hahaha ano ka ngayon?
Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto. Puro gold ah. Yaman!! Kahit sa hallway kanina pure gold din ang lahat ng bagay na madadaanan namin.
Tatayo na sana ako ng may makita akong book shelf ng biglang bumukas ang pinto.
Iniluwa nuon ang napaka!!!!
"Oh lala... wata be-yu-ti-pul garl ya Rrrr..." napaka pangit na lalake... ubud ng pangit!!! ewww!! Mataba, Maitim, Matanda, May balbas, May manyak na tingin, at higit sa lahat Mapangit na mukha!!
Lalapit na sana sya sakin ng mapatigil ito. Nangunot ang nuo nya at lumayo sakin. Tinakpan nya ang ilong nya. Ako naman napangiti ng tago. Bwahahaha smell me old man part!.
Chiki laughes akwardly. Nginitian nya ko. Yuck, lahat ng ngipin puro ginto. "Ma sekretare seyd ya wanto apply. Bat I rekomend ya to watch yar body firstt." Seriously? Inchik ba to? "Jas kol me ip ya dan shower."
"Hehe yeah I will." Tatawa tawa kong sabi sa kanya. Ngumiti pa sya bago lumabas sa kwarto. Totaly gross. Yuck!
Nang masigurado ko na wala na talaga si Chiki lumabas ako sa kwarto. Alright! I can do this.
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
