Kanina pa ko nakatanga dito sa itaas ng puno sa gubat. Ito ang pinakamataas na puno dito sa gubat ng Mayna. Ang tagal kasi ni Lace makabalik. Ang sabi nya kukunin lang daw nya ang pag kain nya sa bahay at tumambay nalang daw kami dito.
Hapon na at di na nga ako pumasok pa sa paaralan. What for? Wala din namang kwenta yun. Mapapahiya lang ako sa paaralan na yun. Kamumuhian lang ako ng mga nag papayamanang istudyante sa paaralan na yun.
Nag karoon ako ng isang scholar ship kaya ako pwedeng pumasok dun. Kaso di ko naman talaga gusto yun. Si Lace lang naman ang gustong pumasok dun pero sabi nya di daw pwede dahil kailangan nyang mag trabaho.
Napatingin ako sa langit. Umihip ang napakalakas na hangin at tumama ito sa balat ko. Nakita kong nag didilim ang kalangitan at malapit ng bumigay ang mga ulap at ilabas ang ulan na inipon nito.
Napangiti ako sa tanawin na nakikita ko. Makulimlim, malakas ang hangin na tinatangay ang mga puno pati na rin ang buhok ko at halaman na tila ba sumasayaw,. How I love this sceneries..... Napatingin ako sa baba ng puno ng may marinig akong pagtawa na mahina. Nakita ko si Lace na nakatayo habang nakatingin sakin. Tumalon sya mula sa baba at tumabi sa akin dito sa itaas ng puno.
"Tumatawa ka?" I asked sabay kuha ng plastic na hawak nya. Nakita ko ang tinapay na nasa loob nito. Kinuha ko yun at hinati sa dalawa. Inabot ko sa kanya ang kalahati at sabay namin itong kinain.
"Yung mukha mo kasi. Ganyang ganyan lagi ang mukha mo pag uulan." Sabi nya sabay tingala sa langit. "Naalala mo pa ba nung una ka naming nakita?" Tanong pa nya at pumikit. He smiled genuinly as if he remember something. Napatawa ako sa sinabi nya.
"Oo naman. Makakalimutan ko ba yun eh kakakita mo palang sakin nun daldal ka na ng daldal. Para kang nakakita ng kakaibang tao."
Naalala ko nung 6 palang ako. Nasa gubat ako. Nakatayo mag isa at basang basa sa ulan. Nakatingala sa langit at nakangiti. Nakangiti kahit na may pinag daanan akong malaking problema nung oras na yun. Malaking problema na napahiwalay ako sa Pamilya ko. Dahilan kung bakit ako nandun ngunit ni katiting na ala ala wala akong maisip. Grey. Iyun lang ang natatangi kong naaalala nung panahon na yun.
Simula nun. Si Lace na ang lagi kong nakakasama. Sa kanila na din ako nakatira. Kagaya ko. Wala na ding magulang si Lace nuong 10 palang sya. Parehong nawala ang magulang nya dahil sa isang aksidente. May nakababatang kapatid si Lace na si Luke. 10 palang si Luke at kasalukuyang nag aaral sa isang pampublikong paaralan. Nag tutulong kami ni Lace makapag aral lang si Luke. Tutal 10 years na din naman kaming mag kaibigan ni Lace kaya tinutulungan ko sya sa lahat ng kailangan nya maging si Luke.
Kahit ako di ko alam kung paano ako napunta sa gubat pero isa lang ang naalala ko nun. Isa akong grey.
Natawa si Lace sa sinabi ko. "Paanong di kita dadaldalin. Para kang kakapanganak lang that time. It's like that time was the first time you saw the rain pouring on your own body." Natawa kami sa sinabi nya. "Which is true." Oo tama sya. Iyun nga kauna unahang nakapag paulan ako sa ulan. Wala akong maalala pero basta ang alam ko iyun ang una kong pag kakataon na makapag paulan.
"Ran, hindi kaya galing ka sa-" pinutol ko na kung ano man ang sasabihin nya.
"Lace. Malayo. Hindi ako galing sa ganung klase ng pamilya." Laging sinasabi ni Lace na baka daw galing ako sa mayamang pamilya kaya ganun nalang daw ang saya ko when rain started to touched my skin. Pero malayo. Hindi ako galing sa isang marangyang Pamilya. Kung totoo man, bakit naman ako mapupunta sa sitwasyon ko ngayon? Edi sana hinanap na ko ng mga magulang ko kung ganun. At tsaka nag papasalamat ako na si Lace ang nakakita sakin that time at tinanggap ako ng mga magulang nya para sa kanila na ako tumira. They tried to find my parents or where atleast I came from but still, until now walang nakakaalam. Ok naman na ko sa buhay ko ngayon basta nandito si Lace sa tabi ko.
"Eh kasi naman. When I first saw you that time english ka ng english. Tas ma autoridad pa yung pag sasalita mo. Maging ako natakot sayo pero nilakasan ko ang loob ko para maiuwi ka samin." Sabi nya sabay kagat sa tinapay nya. Nilunok ko naman ang pag kain na nasa bunganga ko at sinagot sya.
"I told you already diba Lace? I don't care kung sino man ang mga magulang ko. Kung buhay pa ba sila o wala na. As long as you and Luke are with me. Kakayanin ko." I said at ngumiti. Tumitig sya sakin at maya maya ngumiti. Ginulo pa nya yung buhok ko.
"Drama mo." Sabi nya. Panira talaga to. Maya maya pa tumayo na sya at tumalon pababa sa puno. Tiningnan nya ko at sumigaw. "Tara na. 4 na din baka nasa bahay na si Luke." I nodded as I jumped down to the tree. Nag lakad kami pauwi sa bahay na tinutuluyan namin. Inakbayan nya ko at sabay namin tinahak ang bahay.
Sana..... sana ganto nalang kami palagi. Pero hindi ko alam na iyun na pala ang start ng malaking problema namin.
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasiaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
