Chapter 9 : Heath

4.2K 136 0
                                        

.....

Ano ba tong pinasok kong gulo?

"Aish!! Nakakainis!!" Ginulo ko ang buhok ko at humiga sa kama. Haay, ganto pala ang feeling ng nakahiga sa kama? Ang kati!

Hindi lang siguro ako sanay.

Pinikit ko ang mga mata ko, kaso di ko kayang makatulog ngayon. Tsk ano ba? Ilang oras na din ang nakakalipas pero wala pa ding nangyayari.

Tumingin ako sa wall clock.. 10:20 na. Bumaba ako sa kama at humiga sa sahig. Sariling kwarto ko to sa Shera High. Sobrang laki ng Shera High kaya may Dorm na din dito. Nakahiwalay sakin sina Lace at Luke at nasa West wings sila ng Dorm. Kami naman nasa East wings para sa mga babae.

Nag decide ako na lumabas muna ng kwarto at mag pahangin. Hindi ko kaya ng walang hangin ng gubat. Maingat akong nag lalakad dahil ayaw kong may magising ako.

"Haaay,, buhay!!" Sigaw ko ng nasa may gubat na ko. Sobrang dilim pero kaya ko pa ding makakita dahil sa ability ko. Nag lakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa isang parte ng gubat na madaming bulaklak. Umupo ako dun at pinag masdan ito. Ang dami..

"Mag aral kayo dito sa Shera High."

Naalala ko nanaman ang sinabi ni Sir. Dawn. Yung teacher na kumausap samin nuon. I don't know why but they want us to study here. Binigyan kami ng isang linggo para pag isipan yun at bukas na ang huli.

Bakit nga ba ayoko? Wala namang mawawala sakin pag nag aral ako dito. At isa pa. Dito ako sa Shera nang galing. Ang kaso, lalaki nanaman ang utang na loob ko sa kanila. Iyun ang ayoko sa lahat.

Naging alerto ako ng may maramdaman na gumagalaw sa likudan ko. Agad agad akong tumayo at lumingon pero napakabilis ng kilos ng tao na yun. Lace? Si Lace lang naman ang kilala ko na may super speed. Sino sya? Kinuha ko ang sword sa likod ko. I turn it into bow and position it into my target. Kaso napakabilis nya at nag tatago sya sa likod ng puno.

"Lace?" Kaso hindi sya nag salita. Tsk naiinis na ko ha.! "Lace di ako nakikipag laro!" Banta ko. Maya maya pa narinig kong tumawa yung tao na yun. No! Thats not Lace. Napaatras ako ng makita na lumalabas na sya sa likod ng puno. Nang nakita ko na sya napataas ang kilay ko. Sino sya?

"my my, heather.. long time no see." Natigilan ako at the same time napataas ang kilay ko. Ano daw? Heath- what? Nung nakita nya ang expresion ko para syang nalungkot na ewan. "Oh no... don't tell me you didn't remember me?" Ha? Sino ba sya?

Di ako sumagot at hinawakan ng mahigpit ang bow ko. Tumingin sya dito at napangiti. "I see, he still manage to gave you the sword." Tatango tangong sabi nya.. huh? Kilala nya ang nag bigay sakin nito? How on earth he knows that I can change the sword into other equipment?

"Sino ka ba?" I asked. He just smiled at me. Dahan dahan syang lumapit sakin. I don't know why but I can't manage to move. What the heck? Eye ability... nakita ko kagad ang pag iiba ng mata nya sa kulay brown into light black. Shit! Nang nasa harapan ko na sya, hinawakan nya ang chin ko. Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kanya. Di ko magalaw ang katawan ko. Tinitigan nya lang ako at ngumiti pa na parang may naalala.

"Nothing change, heath." Mahina nyang bulong sakin habang nakatitig sa mga mata ko. "Still the same..." after he said that binitawan na nya ko. Tumalikod at nag lakad pero bago sya tuluyang mawala, humarap ulit sya sakin at ngayon nagagalaw ko na ang katawan ko. May hinagis sya at wala akong nagawa kundi saluhin ang hinagis nya.. "keep it. It yours." Ng tingnan ko ang nasa kamay ko. Woah... mag tatanong pa sana ako kung bakit? Sino ka? Kilala mo ko? Heather? Kaso...... wala na sya.

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon