--Marahas akong isinandal ni Lace sa isang puno. Napapikit ako ng mariin dahil sa lakas ng impact ng likod ko sa puno. Shit! Ang sakit!
Nang makabawi ako sa sakit, minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang namumulang mata ni Lace na nakatingin sakin. Namumula ito hindi dahil sa iyak nya, namumula ito dahil sa galit. His vampire hormones rising up.
While staring at him right now, I can see the Lace Woodsen not a Lace Tyler. Isa nga syang Woodsen.
"Hindi ikaw tama? Hindi diba?" Hindi na ko nagulat sa tanong nya.
Patuloy lang sa pag agos ang luha nya kaya naman pinunasan ko ito pero bago pa makalapit ang kamay ko sa pisnge nya, hinawakan na nya ito ng napakahigpit at inipit sa puno. Nararamdaman ko na din ang mga kuko nya na bumabaon sa laman ko. Pumikit sya ng mariin na para bang pinipigilan ang sarili nya.
"Shit." Lumayo sya sakin ng kaunti kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Naramdaman ko naman ang pag agos ng isang likido sa braso ko kaya napatingin ako dito. Blood.
Sa sobrang diin ng hawak nya sakin bumaon ang kuko nya sa laman ko. Hindi ko nalang ito pinag tuunan ng pansin at tumingin nalang kay Lace. Hinang hina sya. But at the same time there's this power coming up out of his body na pinipigilan nya para hindi ako masaktan. Nakayuko lang sya at nakasarado ang mag kabilang nyang kamay. May tumutulo na ding dugo sa mga kamay nya.
"Hindi ikaw diba?" Mahina at nahihirapang sabi ni Lace. "Sabihin mo! Hindi ikaw yun diba?" Tumingin sya sakin at sobrang pula na ng mga mata nya. "Sabihin mo Ran! Maniniwala naman ako eh. Wala akong pake sa sinasabi nila. Basta ikaw mismo ang mag sabing hindi. Alam kong hindi mo yun magagawa. Ikaw pa! Hahaha alam kong hindi mo magagawa yun. Kapatid kita diba? Mahal kita. Kaya alam kong hindi mo makakayang gawin - gawin yun."
Nahihirapan pero tuloy tuloy nyang sabi. Mag sasalita na sana ako nang muli nanamang syang lumapit sakin at hinawakan ako sa mag kabilang braso ko. Bumalik nanaman kami sa dating pwesto. Nakasandal ako sa puno habang sya naman nakahawak sa mag kabilang braso ko.
"Tangna!! Sabihin mong hindi!! Maniniwala ako!! Mahal kita!! Kaya hindi ko makakaya ang magagawa ko sayo!! Sabihin mong hindi, diba mag kakampi tayo? Diba hinding hindi mo ko lolokohin. Diba?" Dahan dahan akong tumango sa kanya. Oo Lace, hinding hindi kita lolokohin.
"Ako." Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. Hindi kita lolokohin Lace.
Dahan dahan nya kong binitawan at lumayo sya sakin. Yung expression nya hindi mo malaman kung maiiyak ba sya o matatawa.
"Haha tangna!! Pinag katiwalaan kita!! Nag patulong pa ko sayong hanapin ang hayop na pumatay sa mama ko. Yun pala nasa harap ko lang ang hayop!"
"Lace!! Tama na yan!!" Hindi ko napansin na nandito na din pala sila Cain, Lyndon, Nate, Aiwa, Nam, Zero at Charlot.
"Tama na? Not unless I'm done with her." Tiningnan ulit ako ni Lace na ngayon ay blank nalang ang mukha. Wala kang makikitamg expression dito. Nginitian nya ko na ngayon ko lang nakita. Iba ang ngiti nya. "You killed my mom, how about I kill you?" Nag labas sya ng isang dagger sa likod nya at mabilis na tinapat sa leeg ko. "Kung sinabi mo sanang hindi ikaw edi sana wala ng ganto." Bulong nya sakin.
Narinig ko pa ang sigaw nila Nam pero hindi umaalis si Lace sa tabi ko. Basta nakayakap sya sa likod ko at nakatapat sa leeg ko ang dagger. Nararamdaman ko na din ang pag baon nito sa leeg ko kaya alam kong may dugo ng lumalabas dito.
"Say goodbye." Bulong nya sakin pero bago pa mangyari yun, may isang tao ang biglang sumulpot out of nowhere.
"No, you say goodbye. I'll kill you." Napatingin ako sa taong may hawak ng baril na nakatutok sa sintido ni Lace. Kuya Harley.
"Kill him and I'll shut you up." Natigilan naman kaming lahat at napatingin sa taong may hawak naman na sword na nakatapat na sa likod ni Kuya Harley, si tito Zoro.
I smirked upon realizing our situation. So unfair.
Tinaas ko ang kamay ko at nag labas ng itim na apoy ito. Inilapit ko sa may tapat ng puso ni Zoro ang kamay ko at konting space ang iniwan ko.
"Shut him up and I'll burn you to death." I can heard Cain, Lyndon and Nate chuckled. While Nam and Aiwa gasped.
Isang maling galaw isa samin. May mamamatay.
Ako nakamasid lang kay Zoro, si Zoro naman nakatingin lang din kay Kuya Harley, while kuya Harley nakatingin lang kay Lace at si Lace nakatingin lang din sakin.
Naramdaman ko ang pag baon ng dagger sa leeg ko kaya napasinghap ako pero narinig ko din naman ang pag aray ni Lace dahil sa ginawa ni kuya Harley. Nag labas sya ng kidlat sa kamay nya at tinapat ito sa balikat ni Lace. Yung baril nyang hawak binitawan na nya at naglalabas nalang sya ng kidlat sa kamay nya. Nakita ko naman ang ginawa ni Zoro kay kuya. Diniin nya ang sword sa likod ni kuya kaya nilapit ko ang kamay ko sa dibdib nya at nakitang umusok ito. Napangiwi sya sa sakit at maya maya pa naramdaman ko ang pag tulak sakin ni Lace.
Napaupo ako sa sahig at nag kalaban laban ang tatlo. Pinag kakaisahan nila si Kuya kaya naman tumayo na ko at gumawa ng isang ring of fire na nag hahati saming apat. Nilapitan ko si kuya na nakaupo na ngayon sa sahig habang ang braso ay puno na ng dugo.
"Ok ka lang ba?" Tanong nya. Napangiti ako at niyakap sya. I missed him so much.
Bago pa kami makaalis may isang presensya nanaman akong naramdaman na nakapag papigil sa pag lalakad ko. Arthur.
"Aww, sayang naman ang nangyari kanina. Bakit hindi nyo pinatay ang isa't isa?" Biglang sumulpot si Arthur sa harapan namin kaya tinago ako ni Kuya sa likod nya. Nakita ko pa ang pag kunot ng mukha nya at sinilip ako sa likod ni kuya. He even pointed at me.
"No no, hindi ikaw ang gusto ko." Sabi ni Arthur kay kuya at hindi ko alam pero nag lakad ako papunta sa harapan ni kuya. May sariling kilos ang katawan ko!!
Dahan dahan kong kinuha ang dagger ko at ginawa itong sword. Humarap ako kay kuya Harley na ngayon ay clueless sa nangyayari. Maya maya pa hndi talaga sya gumagalaw kaya naman lumapit ako sa kanya at tinapat ang sword sa dibdib nya.
"Heath." Mahinang sabi ni kuya. Umiling ako. Hindi ko kayang mag salita. Anong nangyayari?
Pero bago ko pa tuluyang mabaon ang sword kay kuya narinig ko ang sigaw nila Lyndon kaya naman pinilit kong harapin si Arthur na nasa likod ko. Pero pakiramdam ko nawalan ako ng dugo dahil sa nakita ko.
Si Lace. Sumugod kay Arthur at nag labas ng isang itim na likido sa kamay nya at saktong tinamaan si Arthur sa dibdib. Ako naman, hindi ko alam kung bakit pero yung hawak kong sword sa dibdib ko mismo binaon. Controlling.
Arthur controlling me. Huli kong nakita ang pag bagsak ni Lace sa lupa dahil sa tama nya sa dibdib, si Arthur naman nakita ko ding umaagos na ang dugo sa dibdib at napahiga na din dahil sa ginawa sa kanya ni Lace. At ako, babagsak na sana ako sa sahig pero may mga brasong sumalo sakin.
"Kuya Harley."
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasiaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...