--
"Are you serious? You killed him?" Di makapaniwalang tanong ni Cain kay Lace.
"Oo nga sinabi! Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Di kapani paniwala eh!" Sabi naman ni Cain at nag kibit balikat pa.
"Aba't! Anong tingin mo sakin ha!!! Walang kwenta?"
"Parang ganun na nga."
Susugudin na sana ni Lace si Cain pero hinarang ko ang kamay ko sa pag mumukha nya.
"Mag tigil na nga kayo!" Tiningnan ko sila ng masama. Nilagay ko ang dalawa kong daliri sa mata ko at tinuro sa kanila. Na parang sinasabi na I'm watching you! Pinag patuloy namin ang pag lalakad.
"Pero seryoso ba kayo na si Chiki Sherk talaga ang napatay nyo?" tanong ulit ni Cain.
"Oo nga sinabi! Iyun yung una naming mission! Yung kinuha namin ang libro sa Sherk Mansion at binigay kay Vincent Rick." Paliwanag ni Lace na halata pa rin ang inis sa tono nya.
"Sherk Mansion? Sino tao dun?"
"Malamang si Sherk. Ano ka ba naman? Bangag ka ba? Isa pang tanong mo ulo mo puputulin ko!" Naiinis na kasi ako, tanong ng tanong! Napakamot naman sya sa ulo nya. "Straight to the point, Cain. What do you know about that Sherk."
Napabuntong hininga naman sya, akala ko di nya ko sasagutin pero sinagot naman nya. "Chiki Sherk was 10 years missing. Meron nga syang Mansion at iyun yung pinuntahan nyo. Ang alam ko din iniwan nya ang Librong nakuha nyo dun dahil kabisado naman na nya ang nakasulat dun. Pero di ko akalain na mapapatay nyo kagad sya. I mean, its impossible!"
"Then why did you choose that mission? Ang ulo ni Sherk ang kukunin natin! Ibig bang sabihin na pag ikaw ang gumawa ng mission na yan di impossible?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Lace. Oo nga no, bakit nga ba?
"Minamaliit mo ba kami?" Tiningnan ko ng masama si Cain na syang kinatakot nya at napalayo pa sakin.
"Hi- hindi nam- naman sa ga- ganun." Tinaas ko ang kamao ko na hudyat na sasapakin ko sya pag di nya sinabi ang dahilan. Napabuntong hininga naman sya. Hinawakan nya ang kamao ko at binaba. "As I was saying. Wala na si Chiki sa Mansion na yun. Hindi na pumupunta si Chiki dun dahil nga malapit lang naman ang Mansion na yun sa Shera High kaya madali lang syang mahuhuli kung pupunta pa sya sa Mansion nya."
Napataas naman ang kilay ko. Mahuhuli?
"Anong mahuhuli? Wanted ba yun? Sabagay, babaero yun eh!" Sabi ni Lace.
"Anong babaero? Hindi ah! Never yung mang bababae.!" Sabi ni Cain. Napataas nanaman ang kilay ko.
"Seryoso ka? Tangna eh halos marape na ko nung Chiki na yun eh! Yuck!!" Sigaw ko. Arrghh naiinis talaga ako pag naaalala ko yun.
Natahimik silang dalawa at maya maya pa natawa nalang sila. As in tawa! Big time! Ayos din to eh! Bwisit!!
"Hahaha Ran hahaha naalala ko hahaha halos mag mukha ka ng hahaha sibuyas sa hahaha wait lang hahaha tangna pinaalala mo pa kasi hahaha." Tawa lang sya ng tawa na kahit si Cain napatigil na sa pag tawa dahil sa kanya.
Nilihis ko ang suot kong longsleeves hanggang siko at binatukan sya ng pag kalakas lakas. "Aray ko! Oo na di na!!" Reklamo nya.
"Pero Ran, seryoso ka ba? Si Chiki talaga yun?" Tiningnan ko si Cain ng basagin nya ang katahimikan. "I mean, knowing Chiki. Wala sa personality nya ang mambabae. I know na masama ang ugali nun. Pero yung pambababae that will be the last on his list. Kapangyarihan, pera at pamumuno lang ang alam nun. Tsaka, kanang kamay yun ni Arthur." Seryosong sabi nya. Napatigil ako sa sinabi nya. Kanang kamay? Arthur?
"Kasama si Chiki nung kinuha si Heather nuon. Ang alam ko sya ang kumuha nun kay Heather kasama si China na kakambal nya. Kasi sabi din ni Aiwa na iyun nga ang huli nyang nakita bago sya pinaalis ni Heather. Ang kambal na Sherk. Ang kaso, nakita nalang namin ang walang malay na katawan ni China sa bungad ng gubat ng Venator. Kung saan ang boarder ng Shera at Venator."
China? Kakambal? So sya ang napatay ko. Kung di ako nag kakamali.
"Tsk tsk, bata... bat mo pinatay ang kakampi ko?" Sya si Chiki. Pero bakit? Bakit iba ang mukha ng Chiki na nakaharap ko sa gubat ng Venator kesa sa Chiki na nakalaban ko sa Sherk Mansion? Ang sagwa ng itsura ni Chiki sa Sherk Mansion kumpara sa gubat. Ang gwapo gwapo kasi ni Chiki sa gubat kahit na nakakatakot sya dahil sa lakas nya pero si Chiki sa Mansion nakakatakot dahil sa pag mumukha nya.. ano ba to! Ang gulo!!
"Hindi sya si Chiki. He's an illusion." Napatingin ako sa likod ko. Anong ginagawa nya dito? At bakit may bag sya? Di pa ba to nag aayos ng gamit simula nung bumalik sya kanina? "Ginawa ng totoong Chiki ang nakaharap nyong Chiki. Unang pasok nyo palang sa Sherk Mansion nasa ilalim na kayo ng isang illusion. Lahat ng nakita nyo dun illusion lang. Kahit ang ganda ng mansion na yun hindi totoo. Pero ang librong nakuha nyo totoo. Iniwan talaga yun ni Chiki sa Mansion na yun."
"So does it mean I didn't really killed Chiki?"
Namulsa si Lyndon at tumango sa tanong ni Lace. "Yeah, even his looks. Hindi talaga ganun ang itsura ni Chiki." Inaabsorb ko pa ang lahat ng nalaman ko ng isang tanong ang naisip ko.
"How did you know all about that? Na hindi talaga si Chiki ang nakaharap namin?" Napatango si Lace at Cain sa tanong ko na parang sina sang ayunan ako. Lyndon just smirked.
"I was there. Also." Napakunot naman ang nuo ko.
"Where?" Tanong ni Lace.
Lalong lumaki ang smirked sa mukha nya. "Control room. Sinabi ko kay Luke na wag sasabihin na kasama nya ko dun. Di ba kayo nag tataka na walang nang yaring masama sa kanya? It is because I'm with him. Watching the two of you...... k-i-s-s-i-n-g..." nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang ginawa sakin ni Lace sa mansion ng Sherk. Shit! Worse nakita pa ng Lyndon na to.
"Hoy hoy! Kayong dalawa!! Ano daw? Ikaw Lace!! Hinalikan mo talaga sya?!" Pag wawala ni Cain. Walang nag salita kaya naman nag sisigaw nanaman sya. "Ikaw Lace!!! Bakit mo hinalikan si Ran??!! Kayo ba? Hindi naman ah!!!"
"Bakit? Kayo din ba? Hindi naman ah!!"
"Kahit na!! Hindi naman kayo ah!!"
"It just a smack. Ano ba ang kinagagalit mo? Selos ka ba? Tara hahalikan din kita!!"
"Yuck! Mandiri ka men!! May taste ako men!! Holy Shiyaaaat!! Hinding hindi ko hahalikan ang kagaya mo!!"
"Ahh ganun? Eh-"
Di ko na pinakinggan pa ang pag aaway nila at tiningnan ko nalang si Lyndon na kasalukuyang nakangiti habang pinapanuod na nag aaway ang dalawa. Napatingin naman sya sakin at tinitigan ako.
"Chiki Sherk's Head. Yan ang mission nyo right?" I nodded. Napabuntong hininga naman sya at tiningnan ako ng seryoso. "Let's go back. Bawal ang ganyang mission sa isang studyante." Sabi ni Lyndon kaya napataas ang kilay ko. Ang alam ko kasi sa mga teachers lang ang mission na yun.
"So your here to send us home?" He nodded. "No! We won't!" Sabi ko sa kanya.
"Then let me come with you." He said. So the bag makes sense. Sasama sya.
"Hindi pwede!!!" Sigaw nila Cain at Lace ng sabay. Nakikinig na pala sila sa usapan namin. Napailing nalang ako ng maramdaman kong tatlo na silang mag aaway.
This will be a long trip for us....
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasiPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
