---
I don't know what to think. I don't know what to do.. me? Seriously?
"Ako si Ran Heather Walker."
Kagabi. Or should I say kanina. Bakit ko naalala? Dahil ba sa ginawa sakin ni Zero? Teka nasan na si Zero?
Tatayo na sana ako sa kama ko dahil kakagising ko lang ng may mag salita sa tabi ko.
"Congrats." Tinignan ko si Zero na prenteng nakahiga. So katabi ko lang sya kanina?
"How?" Tinaasan nya ko ng kilay. "How did you know?"
"What do you mean?" Naupo sya at tiningnan ako sa mata. Mag katapat na kami ngayon.
Bakit? I mean, naguguluhan talaga ako. Bakit bigla kong naalala? Biglaan kasi talaga. Dahil nuon all I know ako si Shaw. Ni wala akong maalala na ako si Ran Heather. Basta yung likod ko lang ang- oo tama! Yung likod ko!
Humawak ako sa likod ko at pinakiramdaman ito. Hindi naman sumasakit.
"Where's the Crest?"
"Seriously speaking, nawawala."
Nawala ang crest nuon pa. Nung nahimatay ako sa huling war. Nawala na yun sakin. Hindi ko alam kung nasan basta nawala nalang bigla. Ang alam ko nasa leeg ko lang talaga yun pero sa 2 years kong walang ala ala. Nawala. O baka naman kinuha ni kuya Harley at tinago? Di din. Malabo.
"That is why your back always aching."
"How'd you know?" Nag kibit balikat lang sya.
"I was hurt. Too." Napakunot noo ako sa sinabi nya at mag tatanong pa sana pero tumayo na sya. Naka uniform na pala sya. 1 pm na din kasi. "Maligo ka na. Mag bihis at pumasok. Kung hindi ako gagawa nun sayo." Tiningnan ko lang sya pero sobrang bilis ng kilos nya at hinalikan ako.
Shit! Halimaw!! Hindi agad ako nakakilos dahil sa pag halik nya sakin. Smack lang naman pero kasi it just feel right.
"Your blushing queen." I heard him chuckled. Inirapan ko nalang sya at tumayo na. Langyang yun! Lakas mag pakilig.
Teka.... pano sila ni Charlot?
---
"Your too early for tommorows class babes." Said cain ng makapasok na ko. 2 na din ng hapon at 1 hour nalang dismissal na pero kasi sabi ni Zero pumasok daw ako. Wala ngang teacher eh kaya nag iingay tong mga to. Buti nalang hindi mga nag sisikanta. Pero kung alam ko lang talaga na makikipag landian lang pala sya kay Charlot edi sana hindi na ko pumasok.
Hindi ko nalang pinansin si Cain na kasama nanaman ang tatlo. Napatingin naman agad ako kay Lace ng maalala ko na sya. Shit! Namiss ko din to.
"Tol, musta?" Sabi ko agad sa kanya ng makalapit ako. Di ko namalayan na napalakas pala ang pag kakasabi ko nun kaya natigilan ang lahat.
"A- anong sabi mo?" Nate asked.
"Wait, diba yun yung tawag sa kanya ni ano.." Nam asked and shocked was registered in their faces.
"Your back." Napatingin naman ulit ako kay Lace. His Cold voice..... galit pa ba sya?
Sabagay.. sino ba naman kasing hindi magagalit sa ginawa ko? Pinatay ko ang ina nya.
Naupo nalang ako sa upuan ko sa likod. Nakita ko pa si Zero na nakatingin sakin pero hindi ko na sya pinansin.
"Ate!!!" Bigla naman bumukas ang pinto at buti nalang nalipat sa kanya ang atensyon. Pero lintik, si Rin lang pala to! Malamang na sakin nanaman ang atensyon...
Lumapit sya sakin na halata mo ang pagod sa kakatakbo. "Ate.." hinawakan ko ang likod nya at puno ito ng pawis. Ang pinag taka ko. May dugo sya sa manggas ng uniform nya.
"Bakit ka may dugo?" Nag silapitan naman sila Cain at tiningnan si Rin.
"Wala naman ahh."
Tinuro ko ang mga maliliit na drops ng dugo sa manggas nya. Tiningnan nila ako na para bang may mali akong ginawa.
"Sure na ko this time!" Lyndon exclamed.
"Tangna!!" Cain shouted.
"Ano ba meron?" The twins is clueless. Pero alam ko naman na kahit papano may alam sila sakin. About my past dahil taga Custos sila. Mas pinili nga lang nila na sumama samin dito sa Shera. Hindi naman na sila nahirapang sumama dahil si Kuya Harley ang nag ayos ng papeles nila.
"Si kuya..." napatingin naman kaming lahat kay Rin. Tumatulo na ang luha sa mata nya. "Si kuya.... sugatan.." napahinga ako ng malalim ng malaman na sugatan lang pala. Akala ko kung ano na.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Lalabas na sana ko ng sumigaw muli si Rin. "Ate!! Nasa labas pa si Arthur." Natigilan ako sa sinabi nya. Arthur?
Tinignan ko sila at kita ang panlalaki ng mga mata nila. Pero iba talaga ang nakapukaw ng atensyon ko.
Si Lace at Charlot. Nakayuko sila. Bakit?
Di ko na muna sila pinansin at tumakbo na papunta sa labas. Shit! Bakit hindi ko manlang naramdaman na nandito nanaman yun? At panong nangyaring buhay pa rin ang halimaw na yun?
---
Hi kay @warfreak1323
Para sayo tong chapter na to ;)
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
