-
"Woah... nasan na tayo?" Napatingala kami sa itaas. Malamang.. nasa dulo na kami ng gubat ng Mayna. At ngayon meron isang mahabang kweba na puno ng kulay green na halaman ang dadaanan namin. Parang isang shortcut kung tutuusin.
Tulog si Luke na pasan pasan ni Lace. 4 palang ng umaga nag umpisa na kaming mag lakad at ngayon lumitaw na ang araw. Nag pahinga muna kami kagabi duon sa puno kaya ngayon pinag patuloy nanamin ang pag lalakad. Tiningnan ko ang mapa pero hindi ko makita dito ang lugar na papasukan namin. Maging yung footprints namin di ko din makita.
Patuloy lang kami sa pag lalakad at manghang mangha sa lugar pero napahinto ako ng mauntog ako sa likod ni Luke na pasan ni Lace. Magtatanong na sana ako ng may marinig akong pag tawa na isang batang babae.
"Well well well," tiningnan ko ang bata na nasa harap namin at medyo nagulat. Medyo lang.
"Balon balon balon?" Napatawa naman ako sa sinabi ni Lace. Tinagalog kasi nya ang sinabi ng bata. Nag 'ehem' naman yung bata kaya napatigil kami sa pag tawa at tiningnan sya. Hindi pa kami tuluyang nakakalabas sa kweba pero humarang na kagad to.
"Why are you here?" Mataray na tanong nya. Nag katinginan kami ni Lace at napataas ng kilay. Mataray to! "Di nyo ba alam na bawal ang kagaya niyo dito?" Tiningnan ko ng nag tataka ang bata. Aba! Maliitin daw ba kami? Kung titingnan ang bata mukha syang anghel na sinipa pababa sa lupa. I mean, binaba sa lupa. Magandang damit, Pale skin, curly black hair, baby face dahil na din siguro bata pa. At higit sa lahat, grey eyes....... like mine. Nag katitigan kami ng bata at medyo nagulat sya nung nakita ako. Wag mong sabihin ngayon lang nya ko nakita? "Contact lense?" Tanong nya. Maya maya pa nag iba ang kulay ng mata nya. From Grey turn into Light black. Tinitigan ko lang sya pero wala namang nangyayari.
"Hoy bata! Ano yang ginagawa mo ha?" Tanong ni Lace. Maya maya pa ginising nya si Luke. Pupungay pungay naman ang mata nito at bumaba sa likod ni Lace habang kinukusot ang mata. Humarap ulit si Lace sa batang nasa harap namin.
Inirapan nya si Lace at bumalik na sa dati ang mata nya. "Hmmp! So mag kagaya nga tayo na kulay ng mata. But it doesn't mean that were blood related." Medyo di ko narinig ang huli nyang sinabi pero di ko na tinanong. Sumosobra na to sa katarayan eh. Maya maya pa nag labas ng dagger ang bata sa likod nya. Nung ihahagis na nya sa direksyon nila Lace na ngayon ay mag kaharap sila ni Luke dahil nag uusap. Nakatalikod sila sa bata kaya naman di nila alam na may dagger na papunta sa kanila.
Mabilis ang galaw ng bata. Kaya naman di na ko sumigaw at tumakbo ako papalapit sa dalawa. Tinulak ko si Lace sa gilid at nadamay na din si Luke. Saktong dumaan ang dagger sa kanan ko. Maya maya pa naramdaman kong may tumutulo na sa kanang pisnge ko. Nakaramdam kagad iyun ng kirot kaya naman binaba ko ang pakiramdam ko at pinamanhid ang nararamdaman ko. Shit, hindi to basta bastang bata lang.
Kinuha ko ang sword sa likod ko. I positoin it and myself into defense. Nakita ko ang reaction ng bata. Gulat ito na tila ba di makapaniwalang natulak ko kagad ang dalawa. Sinigawan naman ako ni Lace dahil sa pag tulak ko sa kanila. Nakaupo na sila sa gilid na tila ba nanunuod ng sine.
"Langya ka Ran!! Ramdam ko naman yun nanulak ka pa." Sigaw nya.
"Ramdam? Neknek mo!! Halos isang pulgada nalang ang lapit ng dagger sayo eh.!" Sigaw ko pabalik.
"Sayo na yan ate. Pero hinay hinay lang ah. Chics pa naman." Napangiti ako sa sinabi ni Luke. Smell something fishy... natawa silang dalawang mag kuya pero sumigaw ang bata sa unahan ko.
"Chics? Oh hell!! Kung ikaw lang din no thanks nalang!!" Mataray na sabi nito. Napangiti ako sa sinabi nya. Taray.
"Miss, taray mo naman. Baka tayo mag katuluyan nyan ah." Sagot naman ni Luke. Nag apir pa sila ng kuya nya. Hahaha mga langya... nakita ko naman na nang gagalaiti na sa galit ang bata.
"Tatapusin ko na kayo ng di na kayo mag ingay." Sabi nito at nag labas ng dagger sa likod nya.
"Oh yeah?" Pag hahamon ko. Nag hagis sya ng dagger sakin ng sunod sunod. Tsk, di patas. Pang long distance ang gamit nya. Tumalon ako at iniwasan ang mga dagger nya. Pero di ko maiwasan na matamaan. Halos masira na ang pantalon ko dahil sa isang dager. Naputol na ang isang bahagi ng pantalon ko. Napa pito naman si Lace dahil lumitaw na ang isang binti ko. Buti nalang talaga hanggang kalahati lang ng binti ko kung hindi naku di ko alam ang gagawin ko sa batang to.
I decided to change my sword into bow and arrow. Automatic na to at mag kakaroon na kagad ng arrow. Pinatamaan ko ang bata nung nag karoon ako ng pag kakataon. Tinamaan naman sya sa balikat at napa aray sya dahil nag kasugat agad sya at kitang kita ko ang dugo nya. Maya maya pa mag hahagis pa sana sya ng dagger pero wala na syang makuha sa likod nya.
Nag palinga linga sya sa paligid at tumakbo sa may gilid. Ng makita ko kung ano ang kukunin nya agad ko syang tinira. Sa mag kabilang balikat at mga binti nga. I make sure na na ipit ang mga damit nya sa arrow kaya naging steady na sya dun sa gilid. Kita ko ang pangamba sa mukha nya. Tinaas ko ang bow ko sa tapat ng dibdib nya at handa ng patamaan sya.
She close her eyes so hard na parang nag dadasal na ewan. Di ko naman magagawa to.. iniba ko ang target ng bow ko at tinapat sa kaliwang pisnge nya. Tinira ko yun at nakita kong nag dugo agad ang pisnge nya.
I turn back my bow into sword at nilagay ito sa bewang ko. Lumapit ako sa kanya. She slowly open her eyes at nakita kong may luha na sa gilid ng mata nya. Napa ngisi naman ako dun.
"Ngayon patas na tayo." Sabay turo ko sa pisnge nya. Naramdaman kong tumabi sakin yung dalawa at tiningnan namin ang bata na nakasandal sa pader na puno ng halaman. Lumapit si Luke sa kanya at pinunasan ang luha nito.
Sadyang mataray ang bata kaya iniwas nya ang mukha nya. "Don't touch me." Sigaw nito. Umakma naman na sasapakin ni Luke ang bata kaya agad na pinigilan ito ni Lace.
"Babae yan Luke. Pag pasensyahan mo na. Mahina ka lang talaga sa mga chics." Tumawa kami sa sinabi ni Lace pero si Luke naman tiningnan lang kami ng masama. Tumingin sya sa bata....
"Ang taray mo! Wala ka naman pala sa ate ko." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Ginulo ko ang buhok ni Luke at tiningnan ang bata.
"Who are you?" Tanong ko. Inirapan nya ko at nag salita...
"Rin.." sabi nito. Mahina lang ang pag kakasabi nya... napa 'ahhh' naman kami. Wala kaming masabi eh. Tinitigan lang namin ang bata na nasa harapan namin. Maya maya pa--
"RIN!!?" Napatingin kami sa likod namin at nakitang may tumatakbong tatlong lalake papunta samin.
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
