Nag lalakad ako papunta sa rooftop ng makasalubong ko si Miss. Krishna.
"Ran, nakita mo ba si Cain?" She asked.
"Great Hall." Sagot ko. Nginitian nya ko kaya tumango nalang ako.
Nag lakad na ulit ako papunta sa rooftop ng may maramdaman akong nakamasid sakin. Nung una di ko pinansin at nag patuloy sa pag lalakad dahil ang daming studyante na nag lalakad sa hallway kaya di ko kagad sya makikita. Pero nung kumaonti na ang mga tao, mas lumakas ang pakiramdam ko.
The heck!
Lumiko ako papunta sa likod ng mga building. Wala ng katao tao dito kaya mas lumakas ang nararamdaman kong presence. Lumiko ako sa kanan at sumandal sa pader. Shit, naririnig ko na ang mga yapak ng lintik na taong sumusunod sakin.
Nang liliko na din iyun, agad kong hinila ang braso nito, pinilipit ko ang mga brasong hawak ko at isinandal ito sa pader. Kinuha ko ang dagger na nasa likod ko at nilagay sa leeg nya.
Rinig na rinig ko na hingal na hingal sya. Tinitigan ko sya at-
"Zyrus?"
--
"Here." Abot ko sa kanya ng isang bote ng softdrinks. Tinitigan nya lang ito at umiling.
"No thanks. I'm not drinking that kind of liquid."
"Ahh." Umupo ako sa tabi nya at ako ang uminom nun.
"Pag kain gusto mo?" Tanong ko pa dito.
"No. I'm ok." Napatango nalang ako sa kanya. Wierd. Well, maybe I just used to Luke. Pag inalok kasi yun walang salitang HIYA! Kukunin agad basta pag kain.
"Ano kailangan mo?" Basag ko sa katahimikan. Wala kasing nag sasalita samin. Walang maririnig kundi ang hangin at mga malilit na boses na nang gagaling sa field ng Shera High. Nasa rooftop kasi kami kaya tahimik.
"I heard that your a fire attribute user." Sabi nya. Tumango ako at nag labas ng apoy sa kamay ko. Nung una nagulat ako ng hawakan nya to at mas nagulat ako ng hindi manlang sya na paso. Nalipat pa nya ito sa mga kamay nya.
"Well, as you can see I'm fire user too." Woah, pwede pala yun? Mag kagaya ng attribute? Cool. "But," napatingin ako sa mukha nya. Parang malungkot. Maya maya pa napatingin ulit ako sa kamay nya pero wala na ang apoy. "I can't control mine. I mean, ni hindi ko kayang mag palabas ng apoy. I once done that. But that was a long time ago. Years na ang tinagal. Until now I cant release even a little flame."
"So... what do you want me to do then?"
Napabuntong hininga sya at humarap sakin. "Please, be my tutor. Be my partner. Or if you want be my girlfriend." Ano daw? Tutor? Partner? Girlfriend?
"Tutor? Seryoso ka? I'm not a teacher. Partner? Seriously? Girlfriend? I'm not- wait what? Girlfriend?" Tiningnan ko sya ng masama at nakangiti ito ng nakakaloko sakin. Akala ko pa maman seryoso na. Binatukan ko nga. Lakas man-trip. "Naku ha! Mag lubay ka! Lubayan mo ko!!"
Napakamot naman sya sa ulong binatukan ko. "I'm not, look..." biglang sumeryoso ang boses nya. "I'm serious." I stared at him. Ganun din naman sya. Seryoso ba sya? Kaso "well, gusto din kitang maging girlfriend but I know na hindi pa pwede. It's forbidden."
"Forbidden ka jan! Naku. Magtigil ka. Oo na oo na. TUTOR mo na ako. TUTOR!!" sabi ko at pinandiinan pa ang salitang tutor.
Nakita ko namang nag liwanag ang mukha nya. Napangiti sya ng malawak. "Talaga? Seryoso ka?" I nodded at him. Tumayo sya at pumunta sa harapan ko. Inangat nya ang pinky fingers nya sa harap ko. "Promise?" Promise?
"Basta tutor mo na ko." Sabi ko sa kanya. Napasimangot naman sya.
"Mag promise ka muna!!" Pag mamaktol nya. Tsk, ano ba to. Parang bata. Ow I forgot, tanga mo talaga! Bata naman talaga yan eh. Haays..
"Ayoko nga. Kasinungalingan lang yun." Sabi ko sa kanya at tinulak tulak sya paalis sa harapan ko. Kinuha ko ang back pack ko at isinuot iyun.
"Ehhh!!! Ano ba yan.!! Sabi mo Tutor na kita!!" Sigaw nya at naupo sa bench.
"Oo nga. Tutor mo na nga ako. Ayaw mo?" Tanong ko.
Umiling sya ng sunod sunod. "Eh kasi, ayaw mong mag promise." Sabi nyang nakasimangot. Haaays.
Nag lakad ako papunta sa kanya. Nakaupo sya sa bench kaya lumuhod ako sa harapan nya. "Look, ayoko talagang mag promise. It's pain in the ass." Sabi ko sa kanya. Tiningnan nya ko at umiling.
"No, of course not. Promising is a sign of-"
"Promising is a sign of bullshitnes." Pag tapos ko sa sasabihin nya. Nakita ko naman nangunot ang nuo nya. "Promising someone just means that you're not sure if you can do it or not. It just a word. Isang salita na maikli at madaling sabihin pero mahirap patunayan. Mahirap tuparin." Sabi ko dito. "So," tumayo ako at pinag pagan ang tuhod ko. "I'm not going to promise to you because I will surely, definitely teach you. Ok?" Ngumiti ako sa kanya at tumango naman sya. Nakangiti na din sya sakin. Ginulo ko ang buhok nya kaya natawa sya. Kamukhang kamukha nya si Zero nung bata pa kami.
Ha? Si Zero? Nung bata pa kami? Teka.. bakit- bakit naaalala ko na kasama ko si Zero nuon at may ilan pang bata. Pero si Zero lang ang malinaw. Oh mercy.. what's this?
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
