--
Tinitigan ko ang reflexion ko sa salamin. Ako ba to?
"Your so gorgeous." Napatingin ako sa may pintuan. Si Tita.
Lumapit sya sakin at pareho naming tiningnan ang reflexion ko sa salamin. Napangiti sya at may nilagay sa ulo ko. A flower crown.
"Its your mom's crown. Paborito nyang isuot yan. Alam mo bang kamukhang kamukha mo sya? Except sa mata, kay Hans ka kasi nag mana ng mata." Ngumiti sakin si tita. Kahit kasi kambal sila tita at mom hindi sila mag kamukha. "Looking at you right now. I can see my twin sister." Ngumiti ulit sya at nag paalam na bababa na.
Birthday ngayon ni Luke at may magaganap na party. Imbitado lahat ng mga matataas sa Shera High. Alam kong kinakabahan si Luke ngayon dahil ngayon na din nya makikilala ang tatay nya. Maging ako, kinakabahan.
"Ate!!" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Luke. Napangiti ako ng makitang naka tuxedo sya. Bagay na bagay talaga sa kanya.
"Why?" Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa pisnge.
"Ang ganda ganda mo ate." Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Bakit ka nga pala hinihingal? Nag tatakbo ka ba?"
Nanlaki ang mata nya na parang may naalala. "A- ate.-" tinaasan ko sya ng kilay. Yung tono ng boses nya natatakot na ewan. Wait. I know whats happening to him.
"Anong nakita mo?" Pag ganyan si Luke. Sure akong may nakikita o nararamdaman yang panganib sa paligid o paparating.
"I- I see that- this party. Dadating sila- si Arthur! I don't even know who's Arthur is pero naririnig ko lang ang sinasabi nya. Na- nasa katauhan ako ni Chiki I mean my dad ng marinig ko ang pinag uusapan ni Arthur at iba pang nakakataas sa Venator." hingal na hingal sya sa pananalita nya. Niyakap ko sya na nanginginig pa rin dahil sa takot.
Napatingin kami sa pinto na bumukas at pumasok si Cain na nag mamadali kasama si Lyndon. I was about to asked when he said.
"Lets go Men. You need to be with Lyndon all the time. Ok? Wag na wag kang hihiwalay kay Lyndon." Napatingin ako sa kanila ng may pag tataka. Whats happening? Cain looked at me. "I heard everything what Luke said. Si Lyndon na ang bahala kay Luke. Nasa baba na din si Chiki." Tumingin ako kay Luke.
"It's gonna be ok.. basta lagi ka lang sa tabi ni Lyndon." Tumango sya at yumakap ulit sakin.
"Be safe. I know this night will be the start of war." Tumango lang ako at hinalikan sya sa pisnge. Nag lakad na sila palabas pero bago isara ni Lyndon ang pinto ngumiti sya sakin.
"Ganda mo!" Inirapan ko sya.
"I know." Pabiro kong sabi. Napasimangot naman sya.
"Wala man lang bang gwapo mo din?" Tanong pa nya.
"Baby wag ka nga! Layas na!!" Taboy sa kanya ni Cain. Natawa nalang sila at umalis na nga silang dalawa. Naiwan kaming dalawa ni Cain sa kwarto ko.
"Ako ba? 'Wala bang ang gwapo mo naman Cain. Tayo nalang?' Hahaha" tawa lang sya ng tawa kaya naman tiningnan ko lang sya ng parang hindi sya tao. Tumigil din naman syang tumawa at tiningnan ako. "Oo na di na ko gwapo para sayo. Haaays ano ba yan! Tagal tagal kong nag ayos di man lang napuri."
Inirapan ko nalang sya at tumayo na. Ang totoo nyan gwapo naman talaga sya, lalo na ngayong nakatuxedo sya lalong gumwapo. "Nasa baba na silang lahat. Pero yung sinabi ni Luke. Hindi pa nila alam." Tumango ako sa sinabi nya. "Ano gagawin natin? May plano ba?"
Nag kibit balikat ako. Saktong nasa tapat na kami ng hagdan pababa. "Plans? When Venator starts. We, Sheranians gonna finish it." Bumaba na ako at narinig ko pa ang sinabi ni Cain.
"Woah! Astig mo talaga!"
Pag baba ko nakita ko sila Lace na nasa isang tabi lang. Lahat sila. Kasama si Heather. Lumapit ako sa kanila at kasama ko naman na si Cain.
"Zup? Ganda natin ah!" Nate said.
"We have no time for that." Sabi naman ni Heather. Tiningnan nya ko at nilahad ang kamay nya. "Charlot. Chiki and China's younger sister." Napatigil ako sa sinabi nya. Chiki and China? Maging si Lace natigilan. Wait, kung sya si Charlot na kapatid ni China at Chiki. It means sya yung- "yeah, ako nga. I'm sorry about that but that deserve you bitch." Hindi na ko nagulat sa sinabi nya pero si Lace biglang hinawakan sa balikat si Hea- I mean Charlot.
"Kapatid mo si mama? Kilala mo ba kung sino pumatay sa kanya? Nasan na yung puntod ni mama? Nasan!!?" Niyuyugyug pa ni Lace ang mga braso ni Charlot. Si Cain inakbayan ako while Lyndon and Luke. Tumabi sakin. Pinigilan naman nila Zero si Lace.
"I'm sorry ok. Pero wala tayong time. Tumahimik na din muna tayo dahil napupunta satin ang atensyon lalo na ng ibang Venator na nandito." Natigilan naman sila sa kakaingay. Tumingin kami sa paligid at tama nga, nakatingin na ang karamihan samin. "And about ate China." Tumigil sya at napatingin sakin pero agad din nyang iniiwas ang tingin nya. "Di ko pwedeng sabihin kung sino pumatay sa kanya."
"Anong hindi pwede? Tangna!! Sabihin mo kun-"
"Lace. Tama na." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso nya. Tiningnan nyablang ako. Pero maya maya pa tumango naman sya at niyakap ako. Lahat sila nakatingin lang samin. I'm sorry Lace.
Naramdaman ko naman na hinalikan ako ni Lace sa ulo ko. "I'm sorry, di ko lang talaga mapigilan ang inis ko kapag napag uusapan si mama." Tumango ako sa sinabi nya.
"It's ok. Pero pag katapos ng gabi na to, we will find the one who killed her." Napansin ko ang mga tingin nila sakin na parang nababaliw na ba ako. Pero desedido na ko na sabihin kay Lace na ako ang pumatay sa ina nya kahit na kapalit nun ang pag kakaibigan namin.
Handa akong magalit sya sakin basta matahimik lang ang kalooban nya kung sino ang pumatay sa ina nya. Mahal ko si Lace. At gagawin ko ang lahat wag lang syang maging malungkot. Kahit kapalit pa nuon ang pag kamuhi nya sakin. Kakayanin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/69150288-288-k709170.jpg)
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasíaPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...