--
Nagising ako dahil sa huni ng ibon na naririnig ko. Pag dilat ko, gubat? Nasa gubat ako. Anong ginagawa ko dito? Tiningnan ko ang katawan ko at, teka...... bakit ganto? Ang liit ng kamay ko. Iba na din ang damit ko. Yun damit ko.. naalala ko to! Tama! damit ko to nung una kong nakita si-
"Hi? Anong ginagawa mo dito sa gubat?" Tama ako... tama! Si Lace. Unang nakita ko si Lace sa panahon na to. Bakit nandito ako? Tinitigan ko ang batang Lace na nasa harap ko. Nakangiti sya sakin habang nakatingin sakin. "Alam mo ba tumakas lang ako samin. Umulan kasi eh hahaha. Ang cute mo naman. Ano name mo? Ngayon ka lang ba naka pag paulan? Hahaha baka mag kasakit ka. Sama ka sakin. Dun tayo sa bahay. Alam mo mabait nanay at tatay ko. Teka anong lahi mo? Ang ganda ng mata mo. Alam mo crush na kita hihi. Ay teka.. naiintindahan mo ba ko? Nakakaintindi ka ba ng tagalog?" Lace..... gusto kong maiyak. Pero iba ang naging kilos ko. Iba ang ginagalaw ko kahit gusto ko sya yakapin. Gusto kong umiyak at mag sumbong sa kanya.
Pero nag labas ng apoy ang kamay ko. Nag labas ito ng itim na apoy. Anong nangyayari? Oo tama, gantong ganto ang ginawa ko nuon. Kinalaban ko si Lace nuon. Dala na din siguro ng takot na baka kaaway sya. Pati ba naman ngayon na nasa nakaraan ako kakalabanin ko ba ulit sya? Pero kakampi sya. No! This is wrong..
Ng ihahagis ko na kay Lace ang apoy, iba ang ginawa nya. Nakangiti lang sya sakin di kagaya nung dati. Hindi kagaya nuon na bigla syang nagulat at namangha pa sa apoy ko. Pero ngayon nakangiti lang sya sakin. Ano to? Anong nangyayari?
"Kill him.." Nakarinig ako ng bulong. Di ko alam kung sino pero bakit? Bakit ko sya papatayin? No! Kaibigan ko sya. Hindi!! Napailing ako. No! This is wrong. No!!! "Kill him.. his not your bestfriend. Kill him... kill him..."
Tinitigan ko si Lace. Ganun pa rin sya. Nakatingin pa rin sya sakin. Nakangiti ng malawak. Anong gagawin ko? Di ko kaya... di ko kaya!!
"Kill him!!! Now!!!" Dahil sa taranta ko. Itinapat ko ang kamay ko sa dibdib ko. At nag pakawala ng apoy sa kamay na nakatapat sa dibdib ko.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay nakita ko pa ang mukha ng batang Lace na nakangiti sakin. Lace......
--
LACE POV
"Fuck you to the hell, Chiki!" Tinapakan ko ang mukha ng napaka pangit na asungot na to. Akala mo ha! Kaya kita! Ako pa!! Lakas ko na to!! Hahahah- ay teka! Si Ran ma-lavs!!!
Tumakbo ako papunta kay Ran. Lintik naman oh. Nahimatay ang bruha. Si Luke nakita kong nasa tabi lang ni Ran. Tinulungan ako nitong kalabanin si Chiki kanina. Oo kinalaban ko si Chiki sino pa ba? Hahaha gagu kasi! Saktan daw ba ma-lavs ko.
Hawak ni Luke ang libro. Pwede na kaming makaalis. Wala naman na si Chiki eh. Pinatay ko. Langya nakakabanas eh.
"Kuya, lakas mo naman." Tatawa tawang sabi ni Luke habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng Lips nya. Napailing nalang ako. Minsan lang ako mag kaganun. "Basta talaga kay ate Ran iba na lakas mo. Hahaha" di ko nalang pinansin ang sinabi nya at binuhat na si Ran.
"Tara na. Balik na tayo sa Rick's Mansion." Mag lalakad na sana kami ng makarinig kami ng nabasag. Nung tiningnan ko ang hawak ng walang buhay na si Chiki. Yung salamin. Nabasag. Bakit kaya? Oh well, wala na kong pake. "Let's go Ran. Your safe." Bulong ko.
--
RAN'S POV
"Wala na ata syang balak magising kuya."
"Nasarap sa tulog."
"Buhusan ko kaya ng malamig na tubig?"
"Tangi wag. Mainit na tubig nalang."
"Asido kaya kuya."
"San ka kukuha? Mainit na tubig nalang."Nagising ako dahil sa ingay. Nasan ako? Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Ang liwanag... nasa langit na ba ako?
Tiningnan ko ang paligid ko. No! Wala ako sa langit. May mga asungot. Hay salamat at buhay pa ko.
Naupo ako at tiningnan sila. Tiningnan ko si Lace at Luke na nakatingin sakin. Nakangiti sila pareho.
"I guess we don't need hot water anymore." Sabi ni Luke at binaba ang hawak nyang baso. Lintik! Tototohanin nga yung sinabi nila na bubuhusan akong mainit na tubig kung di lang ako nagising! Lumapit sakin si Lace. Nakangiti sya sakin. Di ko alam pero niyakap ko sya. Niyakap ko si Lace ng napakahigpit.
"Hey hey tol, alam kong namiss mo ko. Pero di na ko makahinga. Hahaha" lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya at naiyak na. Akala ko, namatay na talaga ako. Akala ko di na matatapos yung pag balik ko sa nakaraan. Di ko alam kung anong nangyari sakin pero wala na kong pake. Ang mahalaga ok na ko. Ok na lahat.
"Ang daya naman. It's not fair. Di lang si kuya nagligtas sayo! Ako din ate!!" Sigaw ni Luke at nakiyakap samin. Nag tawanan naman kami. Kahit simpleng buhay lang meron kami, masaya na ko basta kasama ko sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/69150288-288-k709170.jpg)
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...