Chapter 1 : She's back

3.4K 88 1
                                    

--

"Ang tanga tanga mo naman! Hindi kasi ganyan!! Bakit ba ang boblaks mo? Bobo!!!"

"Maka bobo ka naman!! Baka gusto mong sapakin na kita kahit babae ka?"

"Ow men war nanaman ba?"

"SHUT UP!!"

"Kelan kaya sila titigil?"

"Asa ka pa."

"Ang ingay nila."

Inangat ko ang ulo ko dahil sa kaingayan ng mga kaklase ko. Si Lyndon at Aiwa nag aaway nanaman. Lagi nalang.

Natigil lang sila sa pag aaway ng bumukas ang pinto at nakangiting wagas na si Miss. Krishna ang pumasok.

"Woah, Miss. Blooming ah!"

"Kayo na ba ulit ni Sir. Dawn?" Napatingin kaming lahat kay Lyndon dahil sa sinabi nya. Si miss. Krishna naman nag iba ang timpla. Namula ito at tiningnan ng masama si Lyndon.

"Shut up! Lil bro!" Tumingin naman si miss kay Cain at nginitian ito. "Matagal na kong maganda." Sabay kindat.

"Yun oh!! Lakas ng hangin-" napatigil naman sa sasabihin nya si Nate dahil sa sama ng tingin ni Miss sa kanya. "Ni Zero!!" Pag iiba nya ng sasabihin. Napatingin naman si Zero sa harap ng mabanggit ang pangalan nya.

"Huh?" Clueless. Napailing nalang si Miss at hinampas ang stick nya sa mesa.

"Quiet!! May good news and bad news lang ako. Ano gusto nyong unahin ko?" Nag taas ng kamay si Charlot.

"Bad news!!"

"Ang hilig mo sa bad. Kaya pati mukha mo bad na bad." Komento ni Aiwa sa kanya.

"Anong sabi mo?" Napatayo naman na si Charlot sa upuan nya.

"Ow yeah!! War na!!" Sigaw naman ni Cain. Si Nam nakita kong napairap nalang. Sino ba namang hindi maiinis eh halos araw araw o oras oras ganyan yang mga yan.

"Osige na!! Bad news!!" Sigaw ni miss kaya naman natahimik nanaman sila. "Totoo na to. Hindi sya makaalala."

Lahat kami nag salubong ang kilay. What does she mean?

Hindi makaalala.... could it be-

'Knock knock knock'

Napako ang tingin naming lahat sa pinto. Napasnap naman si Miss at tumakbo papunta sa pinto. Nang buksan na nya ito halos hindi ako makahinga.

"The good news." Sabi ni Miss na ikinakunot ng nuo ng babae sa harapan. "Haha don't mind me."

Hinila sya ni miss sa harapan at sinabing mag pakilala na. Which is she doesn't need to.

"Hi. I'm Shaw. Nice meeting you." Shaw?

Lahat kami nakatingin lang sa kanya. The heck!! Ito nga yung sinabi ni miss kanina. Hindi na talaga sya makaalala.

Katahimikan... iyan ang bumalot samin. Nakatingin lang kami sa kanya.

"Yow Men!" Pag babasag ni Cain sa katahimikan.

"Welcome back, Ran!" Lyndon shouted na lalong ikinakunot ng nuo nya. The way she reacts. Nakakamiss.

--

"Ah so tahimik ka talaga? Wierd. Hahaha"

"Alam mo namang dati pa sya tahimik eh."

"Kilala nyo na ba ko dati pa?" Natigilan sila sa pagtawa at umiling sabay sabay kay Ra- Shaw.

"Psh. Kanina pa kasi kayo salita ng salita na para bang kilala nyo na ko dati pa. Which I found weird. Hahaha" natawa nalang din sila sa sinabi ni Shaw pero mahahalata mong peke ang tawa nila.

Pinag patuloy nalang namin ang pag kain namin at ako naman pinag masdan ko lang si Ran. Sure akong sya to.

Sa aming lahat. Ako lang ang hindi makatanggap ng nangyari. Ako lang ang hindi makatanggap na umalis sila ni Harley dito sa Shera para pumuntang ibang bansa. Para duon mag aral. Pero ngayon? Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa nya dito. Ang alam ko wala na daw balak pang bumalik dito si Harley at plano nyang ilayo nalang dito si Ran.

Nung time na ginamot ako ni Nam, ginawa ko ang lahat para hindi nya matuloy ang pag gamot nya sakin. Pilit kong inaalis ang kamay nya na nakatapat sa sugat ko upang pagalingin pero ayaw nilang patalo.

Sinigawan na nga din ako ni Harley nun eh.

"Umayos ka nga Lace!! Sa tingin mo ba natutuwa sa ginagawa mo nyan si Ran? Ginusto nya to!! Wag mo namang sayangin!! Kilala mo sya! Kung ano ang gusto nya ginagawa nya. Kaya kahit anong gawin mo hinding hindi mo mababago isip nya!!"

Napatingin nalang ako nun kay Ran na nakahiga sa bisig ni Harley. Walang malay. Walang buhay. Akala ko wala na talagang pag asa nun na mabuhay pa sya. Pero hindi.

Biglang may lumiwanag gawi sa dibdib nya. Lumutang ang crest na ginawa nyang kwintas at sobra ito sa liwanag. Hanggang sa napasinghap sya. Nagulat nalang kami sa nangyari pero mas nagulat kami ng ang una nyang sinabi ay "sino ako?"

--

SHAW'S POV

Wierd.... ganyan ko madedescribe ang Shera. Lalo na ang Special A. Lalong lalo na tong nasa harapan ko ngayon na kanina pa nakatingin sakin. Pinagmasdan ko nalang din sya pero wala pa din. Hindi ko talaga maalala.

Ang sabi ni Kuya Harley kaya kami umuwi dito dahil kailangan ko ng bumalik. Hindi ko alam ang past ko pero siguro eto yung sinasabi ni kuya na kailangan ko na daw bumalik. Para kasing may connection ako dito sa lalakeng to na kung makatingin sakin wagas. Alam kong kilala nya ko nuon pa. Maging ang iba kong kasama ngayon alam kong kilala na din nila ako nuon pa.

Pero ang weird lang talaga kasi wala akong maalala. Umiling nalang ako at tumayo na. Mababaliw lang ako sa kakaisip.

Napatingin silang lahat sakin.

"Men san ka pupunta?"

"Dyan lang." Iniwan ko na sila dahil wala naman na kong sasabihin.

Habang naglalakad ako may isang kamay na humawak sa braso ko.

"Ate!" Pag tingin ko. Hawak ni Rin ang kamay ko. Nginitian ko sya at sabay kaming nag lakad.

"San ka pupunta ate?"

"Di ko din alam. Ay teka. Nakita mo na ba si Kuya Harley?" Napataas naman ang kilay nya. Tapos napairap din sya.

"Duh~ wala akong pake dun. Hmp-" inirapan pa nya ko at nag lakad na paalis. Ewan ko ba dyan! Galit na galit kay Harley. Hindi kasi talaga sila close nuon pa daw.

Napatigil naman ako sa pag lalakad dahil biglang sumakit ang likod ko. Eto nanaman.

Laging sumasakit ang likod ko pero hindi ko sinasabi kay kuya Harley. Siguro dahil lang sa tattoo ko. Namumula pa kasi ito nung huli kong tiningnan. Baka kakapalagay ko lang nun kaya masakit pa. Pero wala talaga akong maalala kahit ano.

Nakakainis na!

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon