---
One year later.....
ZERO'S POV
"Are you ready sweety?" Tumango naman sakin ang maliit nyang ulo. Napangiti ako sa kanyang pag kilos. Magkamukhang magkamukha talaga sila. Pwera nalang sa mata dahil iba ito sa abo nyang mata. Kahit na isang taon pa lamang ang anak ko, kamukhang kamukha na nya ang ina nya.
Binuhat ko na sya para makalabas na kami ng bahay. Rinig na rinig ko ang ingay nila sa baba.
Isang taon.. isang taon na ang nakalipas ng mangyari ang lahat. Lumayo ako sa bansang Him. Inilayo ko ang anak ko sa panganib. Masaya naman kami dito sa Pinas. At masasabi kong maganda na nga din na lumipat kami dito.
Wala na kong balita sa mga kaibigan o sa pamilya ko sa Shera. Pinutol ko na ang koneksyon ko sa kanilang lahat.
Basta ang alam ko, si Lace ang namumuno sa Vampire City. Si Rin naman. Akalain nyo nga namang Rin is bound to marry Lace. Hahaha halos apat na taon lang naman ang tanda ni Lace kay Rin. Pero wala eh. Iyun ang gusto ng tadhana. There is bond between them.
Si Cain naman mayabang parin. Pero ok naman na. Pero bago kami umalis sa Shera sabi nya sila na ni Nam. Actually nililigawan palang pero siguro ngayon sila na.
Si Aiwa? She's pregnant. Imagine? Hahaha And Chani was the father of her child. Grabe, hindi ko aakalain na magiging sila! Siguro ngayon nanganak na yun...
Eto pa ang hindi ko inaasahan! Si Chase at Lyndon.... pinag aagawan si Charlot.. akalain nyo yun? Akala ko si Aiwa ang magiging playgirl sa grupo pero it turns out na si Charlot pa ang pinag agawan.
Si Nathan naman as usual, tahimik pa rin. Pero ang alam ko kasama sya ni Lace sa pamumuno ng Vampire City.
Si Zyrus at Luke naman nag luksa ng malaman na may nakatadhana na kay Rin. Pero wala naman na silang nagawa dun. At ang mga loko! Nag karoon pa ng pustahan na paunahan silang mag ipon ng mga ex! Nakatanggap tuloy sila ng malaking batok at kutos sa tropa.
Si Harley naman, namumuno na sa Shera high. Kapatid pala sya ni Hades at Hans. Akala ko pinsan lang nila Ran pero tito pala! Hahaha ngayon ko lang nalaman!
Masaya naman na. Masakit pero ayos lang. Nakayanan ko naman. Nakayanan ko dahil sa anak ko. Pero ngayon.... mag babago na.
"Daddy, let's go!! Your spacing out again!" Napangiti ako ng marinig ang sinabi ni Zone. Kahit kelan talaga manang mana sya sa nanay nya. Isang taon palang sya pero sanay na syang mag salita.
Nov. 1.... ang araw ng namatay ang babaeng pinakamamahal ko. Nung Oct. 18 pa ang birthday ni Zone pero sinabay ko na ngayong araw...
Pag kababa namin, nakita ko agad ang nakakabwisit na pag mumukha ni Cain.. lakas makangiti ng mokong... kasama nya si Nam na medyo malaki na ang tyan. Naririnig ko ang pintig ng pulso nito, lalake ang anak nila. Si Lace naman kasama si Rin na malamang nakasimangit nanaman. May anak na at lahat nakasimangot pa din! Bata palang si Rin pero nag kaanak na sila ni Lace. Wala eh! Hahaha.. babae ang anak nila. At buhat buhat yun ni Tito Hades na kasama ang kanyang asawa.
Si Chani naman buhat buhat ang anak nila ni Aiwa. Mga anak! Oo kambal! Pareho pang lalake! Hahaha nakajackpot si mokong!
Si Chase at Lyndon naman ayun! Nag papatayan na sa tingin... habang si Charlot nakabusangot nanaman dahil sa ingay ng dalawa.
Si Nate naman nakatabi din kila Chase at Lyndon. Taga awat!
Lumapit sakin sila Zyrus at Luke..
"Kuya! Akin na!" Zyrus said at pilit na kinukuha si Zone kaya naman binigay ko na. Kaso natawa kaming lahat ng biglang nag pipiglas ang anak ko sa hawak nya.
"Dude ayaw sayo! Akin na nga!" Kinuha naman sa kanya ni Luke si Zone. Akala ko ok na pero pag katapos syang titigan ni Zone bigla nalang umiyak ito ng malakas.
"Hoy mga bata! Ayaw sa inyo ni Zone kaya wag na kayong eps!!" Sigaw ni Lyndon. Tiningnan naman sya ng masama ng dalawa. Wala naman na din silang nagawa kundi ibigay ang anak ko kay Dad.. oo, kasama sya. Lahat ng nasa Shera nandito. Yung mga close lang naman namin.
Lumapit ako kila Lace at nakipag man hug.. namiss ko din naman sila.
"Pre ano? Musta?" Nasked.
"Ok lang yan. Si babes pa!" Sabi ni Cain. Nginitian ko lang sila. Kwentuhan lang sila ng kwentuhan pero ako hindi na mapakali.
Bakit ang tagal nya?
"Am I late?" Napatingin naman kami sa may pintuan.
"Hindi naman! VIP eh.." sarcastic na sabi ni Charlot. Nginisihan lang sya ni Gabriel at nilapitan ako..
"Ready?" Natahimik ang lahat... kinakabahan ako!
Tumango lang ako at pag katapos nun nag labas nanaman sya ng portal sa harapan naming lahat. Pero hindi kagaya ng dati.. may malakas na hangin ang lumalabas sa portal. Napapikit naman ako dahil sa mga buhangin na kasama.
Nang maramdaman kong wala ng hangin dinilat ko na ang mata ko at nakita ang isang parisukat na kahon na kulay puti sa harapan namin. Lumapit si Gab dito at pinag pagan ang gawing dulo nito.
"Fire attribute.." napatingin naman kami kay Zyrus. He shrugged his shoulder and walk towards the rectangular box infront of us. Hinawakan nya ito at nalusaw ang gawing unahan... dahilan para makita na namin ang nasa loob.
Dahil sa naging abo na ang nasunog na kahon, agad na hinangin ito dahil sa attribute ni Lace.
I smiled upon seeing her face again.. pero iba.. madaming nag bago...
Ang payat nya. Sobra.. halos hindi mo na sya makikilala. Pero sya yan! Alam kong sya yan!
I heard the other gasped upon seeing her now.
"Go." Hinawakan ako ni Gabriel sa balikat ko at tumango naman ang mga kasahan ko. Nakita ko sila Dad na lalabas sa may garden kasama ang ibang mga bata at naiwan kaming mga special A sa loob ng bahay.
Nanginginig akong nag lakad palapit sa bangkay ni Ran.. isang taon! Sa isang taon na nakalipas tinago ng mga Gregorians ang bangkay nya dahil alam nilang ang isang bampirang kagaya ko ay kayang mag bigay ng buhay sa isang bangkay. Isang beses ko lang kayang mag bigay ng buhay kaya naman ito na ang pag kakataon.
Nang tuluyan na kong makalapit sa bangkay nya. Hinawi ko ang mga buhok nyang nakaharang sa mukha at leeg nya. Nakita ko pa ang puting feathers na nasa likod nya na nahihigaan na din nya. Pati pakpak nya mukha na ding bangkay dahil sa ito ay lanta.
Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanyang noo at hinalikan sya.
"I miss you, my queen." Nilapit ko na ang labi ko sa leeg nya at walang pakundangan na kinagat ito.
Ngayon... mag babago ang lahat. Mag babago na... babalik sa dati pero hindi na kagaya na laging nasa paligid si kamatayan... alam kong magiging masaya na kami...
Inilayo ko na ang sarili ko sa bangkay nya ng maramdaman na may mainit na nag mumula sa katawan nya. Nang tuluyan kaming makalayo nakita namin ang liwanag na bumabalot sa parihabang bagay na hinihigaan nya.
Sa sobrang liwanag nito, hindi na namin magawa pang dumilat dahil nakakasilaw na ito...
Nang bumalik naman na sa dati ang liwanag agad akong dumilat at nakita ang isang malaking bagay na nakalutang sa harapan namin. Sira sira na din ang kahon na nasa lapag.
Kulay puting bagay.. alam kong nasa loob nito ang taong mahal ko. Pinapalibutan sya ng pakpak nya na hanggang ngayon ay may liwanag pa rin. Ilang sandali pa ang lumipas ng unti unting bumukas ang pakpak at nakita na namin ang babaeng pinakamamahal ko...
"Ran....."
---

BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantastikPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...