-
Nag lakad na ko paalis sa rooftop. Papahinga na ko sa dorm. Di na din muna ako papasok. Tinatamad pa ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng may mag bukas nito. Bumangad sakin ang hingal na hingal na mukha ni Cain. Anyare dito?
"Whoa, nandito ka pala." Sabi nya at hinila ang braso ko papunta kung nasan si Zyrus. "Oyy bata! Dumadamoves ka ha! Patay ka sa kuya mo!!" Pananakot nya kay Zyrus.
"Pake mo ba?" Sabi nya at tumayo na. Humarap sya sakin at ngumiti. "Bye, mamaya nalang natin simulan yung practice ha. 6 sharp." Sabi nya at umalis na.
Binitawan naman na ko ni Cain at naupo ako sa tabi nya. "Anong practice? For what?"
"Wala yun." Ininom ko ang softdrinks ko. Di ko pa nauubos kinuha na ni Cain at sya ang umubos. Mabilaukan ka sana...
"Hmp. Pwe.!" Tiningnan ko sya at nabilaukan nga. Hahaha karma.
"Oy. Kakaiba si Zyrus hano." I said at tinaas ang mga paa ko sa upuan at niyakap ang tuhod ko. Napatingin naman sya sakin na parang sinasabing bakit? "Kasi, kanina binigyan ko sya nyan. Sabi nya di daw sya umiinom ng ganyan. Weird. I mean alam kong bata pa sya, so malamang lang na magugustuhan nya yan."
Natawa naman sya sakin. "Alam mo Ran. Titingnan mong normal yung mag kuya na yun, pero hindi. May tinatago din yun." Ha?
Hinampas ko sya sa balikat nya. "Eto naman. Layo ng sagot mo.!"
Tumawa naman sya. "Ran, every person has a secret." Secret? Sila zero? Ano?
Di ko nalang pinansin ang sinabi nya at tumahimik na. Sinandal ko ang baba ko sa tuhod at pumikit. Anong meron kila Zero?
Naalala ko nanaman ang mga nangyari nung nasa Mansion ako ng Sherk. Yung mga nakaraan. Heather.. Is it possible? But how come na wala akong maalala? Anong nangyari? Pag kakatanda ko di naman ako nabagok. Aish tanga! Wala nga pala akong maalala kaya kung nabagok man ako nuon at nawala ang ala ala ko di ko matatandaan dahil nga nawalan ako ng ala ala. What? Ang gulo!!
"Care to share?" Nagulat naman ako ng mag salita si Cain. Sobrang tahimik at di ko alam kung gano kinatagal ng pananahimik namin. I just shake my head to say no. Ayokong i'open yung topic na yun. Kung ako nga si Heather, ano ng mang yayari?
Ilang sandali pa ang nakalipas ng maisipan kong mag tanong. "Cain, do you happen to know Hades?" I asked. Napatingin sya sakin ng nakangiti. What? Anong problema nito?
"Pano mo sya nakilala?" He asked.
"Di ko sya kilala. I just- Basta sino sya? Kilala mo ba?" May naalala lang akong pangalan. Hades. Hades ang naalala ko.
"Weird." He said ng nakatingin sakin. More like sa kanya lang nya sinabi yun dahil pabulong lang pero nakatingin sya sakin. Nakakunot ang nuo na parang nawiwirduhan talaga sya sakin. "Ehem!" Umupo sya ng ayos na parang mag ke-kwento na. "Hades... Hades Walker. Namumuno dito sa Shera. Ang King. Sya ang ama ni Rin. And also he has another daughter. Well, i guess kilala mo na kung sino yun." Umiling ako. Kahit na ang totoo alam ko naman talaga. "Haay naku ka Ran! Si Heather!!" Pag kasabi nya nun nakita kong may sasabihin pa sya pero di na nya tinuloy. Tinitigan nya lang ako na parang may gustong sabihin. Tumayo sya at naglakad na paalis.
"Cain!" Tawag ko sa kanya. Huminto naman sya pero di nakatingin sakin. Nakahawak na sya sa doorknob pero tumigil sya. "Tingin mo, ako talaga sya?"
--
CAIN'S POV
"Tingin mo-" nahinto sya sa sasabihin nya kaya kinabahan ako. Tatanungin nya na ba ko kung pwedeng maging kami? Wag ngayon, di pa ko ready. "Ako talaga sya?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Di ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ako natauhan. Napangiti ako sa tanong nya. "Ran, ikaw lang ang makakasagot nyan." Humarap ako sa kanya at nagtitigan kami sa mata. Her Grey eyes, oras na mapatingin ka dito, ayaw mo ng maalis pa ang mata mong nakatingin dito. Para kang tinatawag ng mata nya. "Bilisan mo Ran.... nag hihintay na kami." Ngumiti ako at umalis na.
Alam kong may idea na sya na sya nga yun. Alam kong mag tatanong na sya sa isa samin na kung sya ba talaga yun. Pero di ko inaasahan na sakin sya mag tatanong. I'm sure tito Hades know about Ran. Alam nya ang bawat kilos ng tao dito sa Shera. Alam nya kung ano ang presensya ng mga tao. Kung sino sila. Kung ano sila. At alam kong kahit kelan hindi nya makakalimutan ang kakaibang presensya ng anak nya.
Ran, bilisan mo. Nag hihintay lang kami sa pag babalik mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/69150288-288-k709170.jpg)
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...