Chapter 44 : Wings

3.4K 112 1
                                        

--

"Akala din namin wala na ang nanay ni Zero, pero nung nakita ko sya kahapon, natatandaan ko pa sya dahil nakita ko na sya isang beses nung birthday ni Zero. Pero hindi sya kilala ni Zero, ang kinilala kasing ina ni Zero, si China. Pero ngayon, alam kong alam na din nya na hindi si China ang totoo nyang ina. Walang sekretong hindi na bubunyag Ran. Kakagaling ko lang sa Shera kaninang umaga kaya ako nawala. Hinahanap na nga din tayo ni Zero pero hindi ako nag pakita sa kanya." Tinitigan ko lang ang apoy sa kamay ko na hinahangin dahil nasa rooftop kami ng mansion ni tita Lyn.

Hapon na kaya malakas ang hangin. Hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si Lace dahil mag kulong ito sa kwarto nya. Hinayaan na muna namin sya. Maging si Luke alam na din ang lahat. Tita Lyn was trying to contact Chiki dahil gusto ni Luke makita ang ama nya. Umiyak nga din si Luke kanina kaya naman ngayon nakakulong din ito sa kwarto nya. Ang gulo ng buhay namin. Ang gulo. "How about you Ran? When will you spill out the bins?" Natawa lang ako sa sinabi nya at nag kibit balikat.

"When heather spill the bins first?" Sumandal ako sa railings ng rooftop at tinitigan ang garden. Ang kabuuan ng lugar. So, it means ito ang mansion nila Zero? Nasa Vampire city kami. "Does it mean Lace is a vampire too?"

"Absolutely. Well, maybe not. Maybe yes." Tumabi sya sakin at tiningnan din nya ang walang katapusang gubat. "China is a Venator. Zoro is a vampire. A leader of our tribes. So it means one thing. He is definitely a vampire. Yung speed ability nya. Normal na yun, pero ano sa tingin mo ang ability nya?" Nag kibit balikat ako.

"I don't know." Alam kong may iba pang kayang gawin si Lace. At hindi basta basta ang kaya nyang gawin. China was not an ordinary member of Venator just like Zoro. I mean tito Zoro. Hindi magiging kanang kamay ng Arthur na yun ang kambal na Sherk kung wala itong tinatagong pambihirang lakas. Kaya naman naniniwala akong may kakaibang kakayahan si Lace. Alam ko na pag kakamali lang ang nangyari between Zoro and China, pero ni hindi yun pinag sisihan ng dalawa. Sabi ni tita, hindi din naman daw sya galit. Tanggap pa nga nya si Lace eh. Sya pa ang nag alaga samin ng 10 years. I don't think na may masama sa nangyari dati. Ang masama lang, ako mismo ang pumatay sa nanay ng kaibigan ko. Na itinuturing ko ng kapatid.

"We will know about that soon."

"Hey men! Kanina pa kayo hinahanap ni tita. Usap daw tayo sa may dining area."

--

"2 days from now birthday na ni Luke. Kaya naman mag hahanda ako. Pupunta din dito si Chiki. Kaya naman kailangan talaga nating mag handa."

"Why tita? Ow men kaaway pa ba sya? Akala ko ba mabait na yun?" Natawa lang si tita sa tanong ni Cain.

"No ofcourse. Iba ang ibig sabihin ko. We need to prepair. A party." Tumango nalang kaming tatlo pero si Lace nakayuko lang. Wala si Luke dito dahil nasa kwarto pa at nakatulog na. I really feel sorry for the both of them. Especially to Lace. I'm sorry.

Tumayo ako at umalis na sa dining area. Napatingin silang lahat sakin except Lace na nakayuko pa din. Nag lakad lakad ako sa may gubat. Ang dami kong iniisip at sa dami nito, di ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin.

Tumalon ako paakyat sa puno at naupo sa sanga. Inilabas ko ang Crest na nasa bulsa ko at tinitigan ito. Habang nakatitig dito hindi ko maiwasang mamangha. Nag iilaw nanaman ito pero kasabay nun ang pag kirot nanaman ng likod ko. Hahawakan ko na sana ang likod ko ng mag salita ang taong nasa baba ng puno.

"What are you doing here men?" Dali dali kong tinago ang crest sa bulsa ko at tiningnan sya. Nakita ko naman ang pag tataka sa mga tingin nya pero umakyat nalang din sya dito sa puno at tumabi sa gilid ko. "Crest." Di na ko nagulat pa sa sinabi nya. Malamang na nakita nya yun.

"Nasan sila?"

"Tita Lyn went at Shera High. Kakausapin na si Zero. While Lace and Nathan, I don't know. Nag usap ata sila?" Tumango nalang ako sa sinabi nya at tumingin nalang sa kawalan. Ilang sandali ang lumipas ng mag salita ulit sya. "Care to share?" Ngumiti ako at umiling. "Sure? Your ok?" Tumango ulit ako sa tanong nya. Di ko alam pero parang tango nalang ang kaya kong gawin. "How long you gonna deny it? Huh!" Nakita ko through my peripheral vision na nakangisi sya.

Again. Umiling ako. "No, No Cain. I'm definitely ok." Humarap ako sa kanya at ngumiti. Pero alam ko naman na yung ngiti ko, naging plastic na ngiti. "Ok! I am not definitely ok! I'm- I just want- shit this... yung contact lense ko." Kinusot ko ang mata ko at pinigilan na maiyak kaya naman sinabi ko sa kanya na naiiyak ako sa contact lense. Natawa naman sya sa sinabi ko.

"You wear contact lense?" Natigilan ako sa sinabi nya.

"No. that's- that's why I'm crying. Hindi ako sanay!" Pinag patuloy ko ang pag punas sa mata ko. Natawa nanaman sya pero alam ko naman na hindi talaga sya natatawa.

"You know, you haven't change." Tiningnan ko sya ng masama at nag kibit balikat naman sya. Tumayo na sya at tumalon pababa sa puno. "Just remind you, you can trust me to keep a secret. I keep my promise." Aalis na dapat sya pero nag salita ako. Na syang nag patigil sa kanya.

"I remember everything." Tumingin sya sakin na gulat ang mata. "Just kidding." Bawi ko agad na ikinasimangot nya pero ako di ko napigilan ang luhang tumakas sa mata ko. Kanina ko lang din naalala ang lahat. Lahat lahat. "Ok I'm not kidding. I'm not. I- I can clearly remember anything... everything.." Nag titigan lang kami at maya maya pa sya na ang unang bumawi ng tingin. Sumandal sya sa puno at hindi nag salita. Pinag patuloy ko nalang ang sinasabi ko.


"Hades.... and the lady with a violet eyes... they are not my parents." Nakita kong napangisi sya sa sinabi ko. Tumingin ako sa langit at pinag patuloy ang sasabihin ko. "I can remember how my true parents died when I was 2 years of age. I can remember how my dad with a grey eyes look into mine with such a full of love and his very proud at me. I can remember how my mom smiled at me when I laughed. I can remember how were happy to have each other but its ruined. It all ruined because of Arthur." Kahit na 2 palang ako, tandang tanda ko na ang nangyari nuon.

"That night, Venator and witches. They are allies to each other. Sumugod sila sa Shera. I can remember how Arthur- how he stabed that dagger to my moms chest.- I can remember how he stabed the axe to my dads neck. How their blood flow down through their wounds to the ground. And I can still remember how he's ugly face smiled at me. Akala ko pati ako papatayin nya. But no." Inilabas ko ang Crest sa bulsa ko at tinitigan ito.

"The Crest. It saved me. It suddenly glow allover my body when Arthur trying to moved closer at me. Thats the time when tito Hades came. My dad's younger brother. Inalis nya ko sa lugar na yun. Hanggang sa matapos ang gyera nasa mansion ako ng Walker. As expected tito Hades became the new king. But the truth na ako ang heiress. Hindi nag bago. Nasa mansion ako ng pamilya ko pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako pamilyar sa lugar dahil wala sila mama at papa. Tito Hades one day, pleaded at her wife to used some magic towards me to not remember any of those incident. I actually accindentally heard them talking about that kaya nalaman ko. But no. They wrong. Kahit ginamit ni tita sakin ang magic. Wala! Walang nangyari. Naalala ko pa din. How my dad and mom died because of Arthur. Pero nag panggap nalang akong nakalimitan ko na ang lahat."

"Thats explain why your cold towards us." Tumango ako sa sinabi ni Cain.

"Yeah, not until the another war happened 10 years ago. Di ko alam pero bigla bigla nalang nawala ang ala ala ko pag katapos kong makipag laban kay Chiki. Or should I say na makita si Chiki? Di ko maalala na nakalaban ko sya. Basta nawalan nalang ako ng malay." Tiningnan ko ulit ang crest sa kamay ko at hanggang ngayon kumikinang pa din ito.


Habang tinitingnan ko ang crest. May nararamdaman naman ako sa likod ko na para bang may lumalabas kaya naman napahawak ako dito. Napatingin sakin si Cain na nag tataka ang mukha. Hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pag labas ng isang bagay sa likod ko. Napasigaw ako sa sakit at muntikan na sanang malaglag pero bigla akong lumutang.

Lumutang ako.... dahil sa- hinawakan ko ang may bandang likod ko. Nanlaki ang mata ko just like how Cain eyes widden.


Wings?

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon