Chapter 31 : Sisters

3.3K 123 1
                                        


Tinitigan ko sa Heather. Ang sama ng tingin nya. Para bang may galit sya sakin.

Maya maya pa, sumugod sya sakin. Hindi ako makagalaw kaya tinitigan ko sya, anong nangyayari?

Habang papalapit sya sakin, ni hindi ako natatakot. Ewan ko, basta nakatitig lang ako sa kanya, nang tuluyan na syang makalapit ihahampas nya sana ang axe sakin pero biglang kumawala ang napakalaki at liwanag na apoy sa kamay ko. Natangay sya nito at tumilapon hanggang sa makagalaw na ko. Nilapitan ko sya at nakita ko naman na may mga natamo na syang sugat.

Tumayo sya at ngumiti sakin. Akala ko kung ano na ang gagawin nya pero nanatili lang syang nakatayo at maya maya pa, nag labas ng apoy ang kamay nya. The heck! Ano to?

Tinitigan ko syang mabuti at napako ang tingin ko sa apoy nya. Bakit ganto apoy niya? May anino?

Napangiti ako ng makita kong nag hagis sya sakin nun at hinagisan ko din sya.

Isa lang ang sigurado ako, hindi sya fire user. She can imagine things and make it real to the eyes of anyone. But not on me. Alam ko ang totoong apoy sa hindi.

--

RIN'S POV

"But Mrs. Walker. She's not Heather. I can tell by just looking at her. She's not real." Narinig kong sigaw ni Sir. Dawn.

"Yes, I know..." mom said calmly.

"Pero bakit? Bakit kailangan pang makapasok ang isang Venator dito?"

"To investigate." Si dad naman ang narinig ko.

"Hayaan mo na muna ang batang mag panggap. Kakailanganin din natin iyan."

I heard Sir. Dawn sigh. "Isa lang masasabi ko, pahamak ang dala nyan dito sa Shera.."

"Alam ko, Dawn. Mag hintay pa tayo ng ilang araw, lalabas na din at mag sasalita ang tunay kong anak. Alam kong may idea na sya kung sino talaga at ano ang gampanin nya." Nakarinig akong nag lalakad kaya nag tago agad ako sa isang pader. Nakita kong lumabas si Sir. Dawn sa office nila mom and dad kaya ako na ang pumasok.

"Oh Hayley, anak. What brings you here?" Tanong ni Mom sakin.

Naupo ako sa tabi ni Dad na kasalukuyang tinitingnan ang profile ni Heather.

"Nothing. I just,- that, I mean mom you know that I hate her." Napatingin sakin si Mom at naupo sa katapat na sofa.

"Why?"

I rolled my eyes on mom questions. "She's fake." I said sounded like duh~

Napatingin ako kay dad na biglang tumawa. "Young lady, just pretend that you didn't know who she really are." Sabi ni dad ng hindi nakatingin sakin.

Tumayo na ko. "Yeah right. Just remind to that 'fake' Heather don't pissed me off. Kundi sasabunutan ko sya at idadamay ko ang mata nya. God, how come her eyes became grey? Di bagay sa kanya. Iww." Sabi ko at narinig ko pa silang tumawa ng palabas na ko. Nakakakulo ng dugo ang palaka na yun. Lakas ng loob mag panggap na ate ko. Like duh~ wala nga sa kanya ang Crest eh.

Saktong nag lalakad ako sa may field ng makita ko si Ran. Napangiti agad ako pero pinigilan ko dahil ayokong ipakita o makita nya na masaya ako pag nakikita sya.

"Hoy! Ran!!" Tumingin sya sakin kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

"What?" Woah, ATE KO YAN ATE KO YAN!! hahaha ang taray.

"Ang pangit mo!" Yun nalang ang sinabi ko. Napansin kong napangiti sya at ginulo pa ang buhok ko. Like duh~~ ang tagal kong sinuklay nito arrgghh!!

"I know.." tinaasan ko sya ng kilay sa sinabi nya. Di man lang tinanggi.

Napansin ko naman ang mga sugat nya sa braso at pisnge.

"Napano ka?" Nag patuloy sya sa pag lalakad kaya sumunod ako.

"Sasama ka?"

"Napano yan?"

"Delikado dito sa gubat. Baka mapano ka.."

"Dapat pinagamot mo muna yan kay Nam."

Nakakainis na to ah. Ayaw sagutin ang tanong ko.

"Nag aalala ka ba?" Napatigil ako sa tanong nya. Sya naman nakangiti sakin pero yung mata nya. Ang lungkot. Ang lamig.

I just nodded to her. Kahit hindi ko nakasama si Ate nuon dahil wala pa ko, masaya ako na makita sya ulit. Masaya ako na malaman na buhay pa pala sya. Sana nga ngayon maramdaman ko ang alaga ng isang nakatatandang kapatid. Kahit kasi nandyan si Ate Aiwa para alagaan ako. Iba parin kung tunay na kapatid ko ang nag aalaga.

Ginulo ulit ni Ran ang buhok ko. "Sama ka ba?" Tumango nalang ulit ako sa tanong nya. Nag lalakad lang kami ng bigla akong natapilok dahil sa ugat ng puno na naka angat na sa lupa. Lumapit sakin si Ran at tiningnan ang paa ko.

Kung sila kuya Cain ang kasama ko pag tatawanan muna nila ako bago tulungan. Pero iba si Ran, alalang alala sya sakin.

Tumayo si Ran at tumalikod sakin. Akala ko iiwan na nya ko pero umupo sya sa harap ko na nakatalikod. "Piggy bank." Sabi nya. Di naman na ko umangal at nag papasan na sa kanya. "Ang laki mo na." Sabi nya. Napangiti ako sa sinabi nya. Parang may alam na din sya na kapatid ko sya. Alam ko naman na matalino si Ate.

Dahil buhat nya ko. Natitigan ko lalo ang mga sugat nya sa pisnge. "Na- naano ba to?" Tanong ko ulit.

This time, sinagot naman na nya ko. "Activity kay Sir. Dawn. Si Heather nakalaban ko. Di na nagawang gamutin ni Nam ang sugat ko dahil pinauna ko na si Heather na gamutin ni Nam dahil ngawa na ng ngawa. Tsaka ok lang naman ako. Sugat lang yan malayo sa bituka."

Nung marinig ko ang dahilan ng sugat nya lalong nag init ang ulo ko. Bwisit talagang Heather yun. Ang epal! Patay talaga sya sakin. Makakatikim na sakin ang babae na yun.

"Masakit ba paa mo?" Tanong pa nya sakin. I try to move a little bit my feet pero napa aray lang ako dahil ang sakit. "Don't move. Lalo yang mamamaga. Dadalin na kita sa clinic ah. Baka magalit pa sila Mr. and Mrs. Walker pag nalaman na nag kaganyan ka."

Mr. and Mrs. Walker? No! No Ran.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Mom and Dad.



Mom and Dad ang tawag mo sa kanya Ran.

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon