Chapter 24 : Lady with the Violet Eyes

3.4K 120 0
                                        

"Sorry ha. Nakita kasi ni Kuya yung sugat ko." Sabi ni Zyrus sakin. Tumango nalang ako sa kanya. "Pinag bawalan kasi ako ni dad na mag practice ng attribute ko. Sabi nya hintayin ko nalang daw na lumabas ulit yun."

Binuksan ko ang pinto ng Crime Room at pumasok kami.

"Bakit naman? Nasa tamang edad ka na para sa attribute mo." Sabi ko sa kanya at naupo kami sa isang table. Medyo madaming tao dito ngayon at ang ingay. Lunch time na kasi.

May lumapit saming babae. Sobrang gandang babae. "Hey Zy, the usual?" Tanong nya kay Zyrus. Napatingin sya sakin at nginitian ako. "Hi! Nice meeting you. Finally!" Sabi nya at hinawakan ang mga kamay ko. "Your so pretty. I envy your eyes my god." Tinitigan nya ang mata ko at inilapit pa ang mukha nya sakin.

Hinampas naman sya ni Zyrus sa braso kaya napalayo sya. "Huy! Adik, lumayo ka nga."

Napasimangot naman sya pero lumayo din naman. "Sorry hahaha. Ang cute kasi ng mata mo. Osige wait lang. Kukunin ko lang ang drinks nyo." Sabi nya at umalis na.

"Sorry about her."

"No it's ok. Sino sya?" Tanong ko. Ok lang naman talaga.

"She's my cousin. Ychell. Every lunch break dito sya nag tatrabaho. Gusto kasi nyang maging waiter. Ewan ko ba jan, sa lahat yun pa nagustuhan. Pero mabait yan. Nega nga lang." Sabi nya. Natawa ako sa sinabi nya. Nega? Di bagay sa kanya. Parang bakla hahaha.

Maya maya pa dumating naman na si Ychell. "Here you go." Binigay nya sakin ang isang baso na may lamang pink na liquid. Kay Zyrus naman kulay Red. Mukhang malapot. Ano kaya yun? Nakatingin lang ako dun ng mag salita si Ychell. "Bloody Juice." Sabi nya. Blood? The heck! Natawa naman si Ychell sa reaction ko. "Hey, it- it's not what you think." Sabi nya at natawang umalis.

"Wag kang maniwala dun." Sabi ni Zyrus at ininom na ang juice nya. Ininom ko na din ang akin.

Pinapanuod ko lang syang inumin ang juice nya and somehow, naamoy ko ang metallic smell of blood. This is getting wierd...

--

Nag paiwan ako kay Zyrus dito sa Crime Room. May klase pa kasi sya. Ako naman wala ng klase. Sabi ng sarili kong schedule.

Nag lakad ako papunta sa Board of Crimes. Wala ng katao tao dito. Malamang may klase na sila.

Nang makarating ako sa board nag hanap na ko ng magandang mission. Di ko na sasama sila Lace this time. Gusto ko ako lang.

"Cutting classes? Very typical of you." Napatigil ako sa pag babasa ng mga nasa board ng marinig ang malamig nyang boses. Tsk, why does I feel this when his around?

Naramdaman kong nag lakad sya palapit sakin. Hanggang sa maramdaman kong nasa likod ko na sya. "Practising late at night? Really?" Bakit ba galit na galit sya? Ano naman kung nag practice kami ni Zyrus..? It's for his young brother sake.

Humarap ako sa kanya but wrong move. Masyadong malapit ang mukha nya, umatras ako kaso napasandal ako sa board. Napapikit ako ng ihampas nya ang mga kamay nya sa board sa gilid ng ulo ko. Shit!

Tiningnan nya ko sa mga mata. I don't know but I did the same. Nakakalunod ang mga tingin nya. "Why?" Mahina nyang tanong? "Why do I feel this towards you?" Bulong nya at lumapit ang mukha nya sa leeg ko. Inamoy amoy nya ang leeg ko. At ganun nalang ang panginginig ng tuhod ko ng marealize ko na may dalawang matulis na bagay ang nakalapat sa leeg ko. Confirm!

Nang kakagatin nya na ko, agad agad ko syang itinulak. Tiningnan ko sya ng hindi makapaniwala at tumakbo palabas.

Is it really possible? No.!

--

He's not a vampire.
No. Yes. No. Yes. No. Yes. N-

"Young lady." May nag salita sa likod ko kaya napatingin ako dito. Napataas ang kilay ko ng makita ang isang magandang babae. Woah, bakit ba ang daming dyosa dito sa Shera?

"Yes?" I asked. Lumapit sya sakin at ng unti unti syang nalalapit sakin nawawala din ang ngiti sa mga labi nya. Nang nasa harap ko na sya. Dahan dahan nyang inangat ang mga kamay nya, hinawakan nya ang mag kabila kong pisnge at nakatingin lang sya sa mga mata ko. Nakita kong may luhang pumatak sa kaliwa nyang mata. "Are you ok?"

Hinawakan nya ang talukap ng mata ko kaya napapikit ako. Bakit ganto? Ang sarap sa pakiramdam ng mga hawak nya. Nang maramdaman kong nasa mga pisnge ko na ulit ang mga kamay nya dumilat ako. Tiningnan ko sya sa mata at nag iba ang mga kulay ng mata nya. Kaninang itim ito pero bakit ngayon naging violet?

"Hea-"

"Mom!!" Tinabig ko ang kamay nyang nakahawak sa pisnge ko at hinarap ang babaeng tumatakbo papunta samin. Binunggo nya ang kanang balikat ko at lumapit sa babaeng kaharap ko. "What are you doing here? Didn't we tell you your not allowed to wander around?" Hinawakan ni Rin ang babae sa kanang braso at marahang hinila paalis. "Let's go."

Tiningnan ako ni Rin ng masama at nilagpasan ako. Yung babae naman nakatingin sakin kahit hinihila sya ni Rin.

"Mom."

Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon