"Using your Sixth Sense and Seventh Sense infront of a normal human was a crime. Remember that-" naririnig kong nag tuturo na si Miss. Krishna kaya nag dalawang isip ako kung papasok pa ba ko o wag na. 10 na ko nagising at 20 minutes nalang matatapos na ang klase ni Miss. Krishna samin kaya nakakahiya ng pumasok pero nabunggo ako ng isang tao na pumasok sa room. "Oh Lyndon your too early for the Lunch bre- ow Hi Ran. You too. Too early huh.!" Di ko nalang pinansin si Miss Krishna at pumasok na ng room.
Nakita na din naman na ko dahil kay Lyndon kaya wala na kong nagawa kundi pumasok. "Tol anyare? Bakit ngayon ka lang?" Bulong ni Lace sakin kaso may nambato ng chalk sa kanya.
"Mr. Tyler, mamaya mo na tanungin si Miss. Walker." Sabi ni Miss. Krishna.
"Yes Miss. Please continue." Walang ganang sabi ni Lace. Pinag patuloy ni Miss. Krishna ang pag sasalita at ako naman hindi nakinig. Yumuko nalang ako sa desk ko at pumikit. Di ako nakatulog ng ayos. 2 am na ko nakatulog dahil sa mga iniisip ko.
Ang Crest.... wala na sakin ang Crest. Na kay Lyndon na ulit ito. Di ko alam kung ano na gagawin nya dun pero bahala na sya.
"MISS. WALKER!!" Napa angat ako ng ulo dahil sa sigaw ni Miss. Krishna. "Haay naku!! Pumunta ka daw ng faculty. Now!" Sigaw nya. Di ko alam pero di ako tumayo. Nakatingin lang ako sa kanya. Nag bell na kaya naman nag tayuan na sila.
"Tol, tawag ka sa faculty. Ok ka lang ba?" Lumapit sakin si Lace at hinawakan ako sa nuo. "Wala ka namang lagnat. Bakit lutang ka?" Tanong nya.
"Naka drugs yan!!" Sigaw ni Cain na inaayos ang bag nya. Kinuha ko at libro ko at binato sa kanya. Nakaiwas naman sya agad at tumawa.
"Seryoso ka? Naku masama yun." Sabi naman ni Nam at lumapit samin ni Lace. Lumutang naman ang librong binato ko at napunta sa desk ko. Nakita ko si Nathan na lumapit din samin. So, eto ang ability nya?
"I can control any kinds of living or non living things." Sabi nya. Maya maya pa dahan dahang lumutang si Lace sa harapan namin.
"Hoy hoy, wag ako. Tangna ibaba mo ko!!" Sigaw ni Lace. Nag tawanan naman sila at ako napangiti lang.
"Ran, sa faculty." Biglang nag salita si Miss. Krishna. Narinig ko pang natawa sya ng makita din si Lace. Nandito pa pala sya.
Tumayo na ko at iniwan na sila dun. Narinig ko pang nag sisigaw si Lace na tulungan ko daw sya dun. Bahala na sya.
Nang tuluyan na kong makalabas may humawak bigla sa mga braso ko. Nang tingnan ko kung sino lalo akong nabadtrip. "Bitaw." Sabi ko pero lalo nyang hinigpitan ang hawak sa braso ko.
Mula sa braso ko, napunta sa mga kamay ko ang pag kakahawak nya sakin. Inilagay nya ang Crest sa mga kamay ko. "Itabi mo." Sabi nya. Aalis na sana sya pero ako naman ang humawak sa kamay nya.
Pahampas kong nilagay ang Crest sa mga kamay nya at tiningnan sya ng walang kabuhay buhay. "No. It's not mine." Tinalikuran ko na sya at nag lakad na paalis. Bago ako lumiko nakita ko pa ang isang pares ng mata na nakatingin sakin. Black. Intense black. Zero....
--
Kumatok ako sa pintuan ng faculty room. Bakit kaya ako pinapatawag?
"Come in." Sabi ng tao sa loob. Mukhang si Sir. Dawn yun ah.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Sir. Dawn na nakaupo sa isang couch at may kaharap na dalawa pang lalake. Nakatalikod sakin ang dalawang lalake kaya di ko makita kung sino. "Sit." Sabi ni Sir sakin. Pumunta naman ako sa tabi nya at naupo. Nang makita ko ang nasa harap ko nakita ko si Zyrus. Nanlaki ang mata ko habang sya naman nginitian ako na parang pilit. Naku! Masama kutob ko dito. May ibang sinasabi yung ngiti nya.
"So, may gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Sir. Dawn. Napatingin ako kay Zyrus na nag tatanong na 'anong meron?' Pero tumingin lang sya sa katabi nya. Tiningnan ko din ang katabi nya at grabe. Ang putla. May sakit ba to? Lalakeng matanda na pero aaminin ko, gwapo pa rin. Itim na itim ang buhok pati ang mata. Kamata ni Zero.
Kamata ni Zero? Ahh!!
"Dad mo?"
"Oo." Sagot ni Zyrus.
Nag 'ehem naman si Sir kaya napatingin ako sa kanya. Ahh oo. Yung tanong nya. "Wala Sir. Why?" Tanong ko.
"Ok..." sabi ni sir na parang nag pipigil. Inabot nya ang kamay ni Zyrus at pinakita sakin. "Then what's this?" Tanong pa nya. Aish naman! Di ko naman sinasadya yan eh.
"Look Sir, I just teac-" napatigil ako sa pag sasalita ng makita kong nag mamakaawa ang tingin ni Zyrus. Bakit? Humarap ako sa katabi nya pero ganun pa rin ang tingin nya sakin. "I'm sorry." Yun nalang ang sinabi ko dahil baka may iba pa kong masabi.
Katahimikan.... tumahimik nung sinabi ko yun. Maya maya pa nangibabaw ang malamig na boses ng lalake. "Fire User." Sabi nya at di ko alam pero nagulat ako ng may biglang lumabas na apoy sa kamay ko.
Inalis ko ang apoy pero ayaw mawala. Hala! Bat di ko ma control? Pinag pag ko na ang kamay ko pero ayaw pa rin. Tiningnan ko ang lalake, nag iba ang kulay ng mata nya. Naging kulay pula.
Tinitigan ko lang yun pero maya maya naging itim na ulit ito. Nag sasalita na si Sir pero di ko na pinansin pa ang sinasabi nya. Masyado akong naattract sa mata nya.
Namalayan ko nalang na nag lalakad na kami ni Zyrus papunta sa di ko alam. Grabe. Bakit ganun? Para akong nahipnotice. Anong meron sa kanya? Anong meron sa mga Woodsen?
BINABASA MO ANG
Shera High (COMPLETED)
FantasyPlace full of mistery. Sya si Ran Walker.... Hindi alam kung sino at saan nang galing. Paano kung isang araw malaman nalang nya kung sino talaga sya? Kung ano ang gagampanan nya? Kung saan sya nanggaling? Matatanggap kaya nya? Makakaya kaya nyang a...
