Chapter 15 : Why can't we be like that

2.7K 74 0
                                    

---

RAN'S POV





Pinag masdan ko si Zero na naglalakad sa may hallway. Mag kalayo man ang building kung nasaan sya at kung nasaan ako, nakikita ko pa rin sya ng ayos.

Zero, why can't we just be normal? Wht can't I love you the way I wanted to..

Napapangiti ako tuwing makikita kong hindi nya pinapansin ang mga nadaraanan nya lalo na pag babae. Paakyat na sya ng hagdan ng makita ko si Chani na hinahabol sya. Hindi ko naman marinig ang pinag uusapan nila pero nakita ko ang ginagawa nila at nagtaka nalang ako ng makitang pinupuno ng yelo ni Zero ang bunganga ni Chani. I guess he was irritated by the shotgun mouth of Chani?

Napailing nalang ako ng makita kong iniwan na ni Zero ang Chani na nag yeyelo pa ang bunganga. Nasa kalagitnaan sya ng pag akyat ng hagdan ng makita ko naman na hinabol sya ni Cain at Lyndon. Nag kwentuhan lang sila at sunod kong nakita ay nawala nalang bigla si Zero.

Dahil sa ginamit nya ang vampire speed nya hindi ko na sya nasundan kaya naman umakyat nalang ako sa rooftop ng building ng mga freshman.

Nag titinginan pa nga sila sakin pero hindi ko na sila pinansin. Malamang naman dahil hindi ako taga dito sa building na to.

Pag akyat ko sa rooftop agad akong napaupo sa sulok. Napapikit ako sa sobrang sakit sa tyan ko. Para akong sinipa mula loob, parang binubuhusan ng malamig na tubig ang isang sugat, parang pinahidan ng sili ang maseselan na parte ng katawan ko. Shit! Hindi ko na kinakaya ang sakit kaya naman sinara ko ang pinto ng rooftop at tinakpan ang bunganga ko gamit ang panyo ko.

I can't shout out my pain loud cause Cain can totally hear me.

Napapikit ako sa sobrang sakit. Ganto ba talaga?

Ganto ba once na mag bunga ang kapusukan ng isang walang dugong bampira sa isang may dugong bampira? I can't take it... ang sakit..

May luhang kumawala sa mata ko pero hindi ko na yun pinansin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko na kinakaya.

Ganto ba? O sadyang bawal at mali lang ang ginawa namin ni Zero kaya ako nag kakaganito?

Ito na ba? Ito na ba ang kapalit?

Pero bakit ganun? Hindi naman ako nag sisisi sa mga nangyari samin ni Zero. Ang ayaw ko lang, ayokong mapahamak ang magiging anak ko. Ang magiging anak namin ni Zero.

As much as possible I want my baby to live a normal life. Not like this. Prone into danger. Death was always there.. I don't want that to happen.

Not this time.. no..

Tumayo ako at hindi na ininda ang sakit sa tyan ko. Kaya ko to... alam kong kakayanin ko to..

Nag lakad ako papunta sa may railings ng rooftop. Nag bell na kanina pa kaya naman sure akong wala ng studyante pa ang nasa labas.

Umakyat ako sa may railing at binalanse ang sarili lalo na at rounded shape ang bakal.

Nang masigurado ko naman na ayos na ang lahat pumikit ako.

Zero, alam kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Pero eto lang ang makakabuti. Ito lang ang paraan na alam ko. Ito lang ang alam kong mag papabuti sa lahat. Alam ko naman na hindi din tayo magiging masaya pag nabuhay ako. Alam kong iyun ang kasiyahan mo. Pero para sa lahat, mas magiging masaya oras na mawala na ko. Alam kong iyun ang makakabuti. Alam ko....



I spread my both arms and jump.. as I felt the wind stroking into my skin I immediately spread out my wings and flap it into the thin air causes a large amount of wind. But before the others can see me I immediately fly up into the sky and went throught the Mayna's way... to where Arthur is.

Kinausap ako ni Arthur kagabi. Dahil sa dorm ako natulog at hindi ko naman na katabi si Zero nakapag usap kami ng ayos. Alam ko na. Alam ko na kung bakit nasa kanya ang Crest. Alam ko na kung bakit nya gusto kong matutunan ang pakpak ko. Pero halos manlumo naman ako sa sinabi nya.

"Ran, hindi na maari pa ang pakikipaglaban mo sa kapalaran... hindi na maari pa dahil nahuli na tayo. Ang kailangan nalang ay ang buhay mo mismo. Iyan ang sinabi ng prophesiya sakin kahapon. Iyan din ang dahilan kung bakit ako sumugod sa Shera nung nakaraang labing pitong taon. Ikaw ang nais kong kitilin dahil ito ang nararapat pero iniligtas ka nila Hades at maging mga magulang mo ay nadamay..."

"Anong... anong ibig mong sabihin?"

"Buhay mo ang hinihingi ng mga Gregori...ang mga Gregori ay sadyang matutuso. Lahat ay gusto nilang mapasakanila pero Ran, ikaw nalang ang hinihingi nila. Hindi na nila itutuloy pa ang pagsugod sa bansa natin at ang pag sakop oras na mapasakanila na ang kapangyarihan mo... para ka na ding kinitil dun.. pero ito ang kailangan nila. Lalo na at ikaw lang ang makakatulong sa kanila. Madaming mawawala sa kanilang angkan oras na dumating ang bilog na buwan..."

"Hindi.. hindi pa maaari."

"Alam ko na may bata jan sa sinapupunan mo.. pero Ran, maaari ko pang mailigtas ang bata pero ang buhay mo ay hindi na.."


Nakapag desisyon na ko.. gagawin ko ang nararapat. Kahit na masakit. Kahit na mahirap. Gagawin ko. Para sa mga tao sa Shera. Para sa mga kaibigan ko. At para sa mag ama ko..

---


Song used.

Little mix ft. Jason Derulo - Secret love song


Shera High (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon