Chapter 3
Sick
Hindi ko makausap si Heil sa mga sunod na oras. Hindi ko rin siya macontact. Gusto sanang makipag-usap sa kanya tungkol sa manliligaw niya pero hindi naman siya nagrereply. Dalawa lang naman ang dahilan kaya hindi siya nagrereply.
Una dahil busy siya. Pangalawa ay galit siya sakin. Imposible ang pangalawa dahil wala akong nagawa sa kanyang ikagagalit niya. I texted her about that boy na persistent pero magreply naman soya at sinabing 'just let him wait for me honeybebee!' That was an hour ago kaya alam kong di siya galit.
Isa pa, I want to clear my mind today. Gusto ko pa siyang makausap sa iba pang bagay katulad ng pag-iimbita sa akin ni Larrick sa birthday party nito.
"Vereen! Hinahanap ka pala ni Larrick sa room natin kanina." Ana said nang makita ako. Actually hindi naman talaga ako close sa mga kaklase ko pero talagang kapag kailangan, kakausapin nila ako.
"Ah... Where is he now?" Nasa gitna na kami ng hallway at nag-uusap. Halos malapit na rin naman ako sa room.
"Baka nasa room nila. Invited ka rin ba sa birthday niya?" Tanong niya na puno ng kuryosidad.
"Ikaw?"
"Oo naman! Halos lahat ata. See you soon na lang doon." Tipid akong ngumiti sa maliit na chitchat na yun. Atleast may ilang kumportableng makipag-usap sa akin. Pakiramdam ko kasi iniiwasan nila akong makausap dahil palaging dead air agad.
Dahil halfday naman ngayon, tuwang-tuwa yung mga dadalo sa birthday party ni Larrick. Halos lahat naman ata excited sa kanila.
Napatingin ako sa phone ko at nagtaka nang wala nagtext. Achilois is not even around or not planning on nagging me again. Siguro magsasariling diskarte.
"May sakit raw si Achilois."
I overheard someone before my seat. I'm currently taking my notes while our prof is infront writing important details.
"May nakakita raw na nagpaulan kagabi."
"Really? Oh gosh can we visit him?"
"We can't. Nakakahiya kaya!"
"Miss Lacson and Miss Castro! What's that noise!" Sigaw ng prof namin dahilan para umayos silang dalawa ng upo.
Napahawak ako sa pisnge ko. Achilois is sick kasi nagpaulan kagabi? Nasisiraan ba siya ng ulo?
Tinapik ko ang pisnge gamit ang hintuturong daliri habang nakapalumbaba. Sakitin naman talaga si Achilois lalo na kapag nauulanan, alam niya yun pero nagawa niyang nagpaulan? Para saan naman? He knows that his parents are not around on their house at tanging ang katulong nilang si Mang Pedring ang nag-aalalaga sa kanya kaya katangahan niyang magpabasa ng ulan.
Lumabas na ako ng room habang nasa isip ang kalagayan ni Achilois. I know Mang Pedring can take care of him pero siya naman ang may saltik. Ayaw niyang may nagpupuntang kung sino sa kwarto niya. He hates it.
Nadatnan ko ang sarili sa harap ng clinic at nag-iisip kung paano ba makakahingi ng gamot. Bumukas ang pinto ng clinic at lumabas doon si Larrick. He's shock when he saw me here. He smiled at me.
"Anong ginagawa mo dito Vereen?"
"Ahm, hihingi sana ng gamot sa lagnat." Sagot ko kasabay ng pagpisil sa daliri ko.
"Bakit? May lagnat ka ba?" Nag-aalala niyang tanong.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "Hindi naman, sa isang ahm kaibigan. Wala kasi akong alam sa mga gamot kaya gusto ko sanang humingi na lang sa clinic."
![](https://img.wattpad.com/cover/68921111-288-k242736.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text