Chapter 6

255 33 0
                                    

Chapter 6

The Pageant

Achilois:
Kinakabahan ako :( nasa backstage na kami :( punta ka ah?

Napataas ang kilay ko sa biglang text ni Achilois. Sabi niya kanina, kailangan niya raw sumali sa pageant para hindi siya maibagsak ng prof nila sa isang subject. No choice naman siya kaya kahit na ayaw niya, napasali siya. He is not fond of pageant kasi may stage fright raw siya. Pero sa itsura niyang iyan?

Me:
May hiya ka pa pala? Geh maya

Achilois:
Syempre naman! Daming manonood sa kagwapuhan ko, di ako sanay.

Napailing ako sa kahanginan.

Me:
Wow hah! Push mo yan godluck

Achilois:
Di nga eh! Basta dapat makita kita sa crowd ah? Gusto ko lang mawala ang kaba ko.

Me:
Imposibleng makita mo ko. Daming tao sa pav...

Achilois:
Basta makikita kita... Nga pala, nasaan ka ngayon?

Me:
Sa room namin. Pinapunta ako para tulungang ayusan si Ciara yung isa sa candidate ng department namin.

Achilois:
Puntahan kita dyan?

Me:
Gg. Subukan mo nang matiris kita. Nasa backstage ka diba?

Achilois:
20 minutes pa naman bago magsimula eh. Sige na :(

Me:
Dyan ka na lang. Geh bye.

"Vereen! Tulong naman dito oh. Pakidala sa backstage please."

Kumumot ang noo ko kay Ana. "Hindi ako pwede dun-"

"Dali na! Mga gown to ni Ciara para mamaya, ikaw na lang ang bumitbit." Sabi ni Ana.

Wala na akong nagawa kung hindi kunin ang mga damit. Instant alalay pala ako ngayon, dapat pala hindi na ako pumunta.

Itinago ko ang phone ko kahit na narinig kong may nagtext. Siguro si Achilois na naman.

Katulad ng sinabi ni Ana, napunta nga ako sa backstage at hinanap si Ciara na sobrang ganda ngayon matapos na mamake up-an. She's wearing a casual violet dress na hanggang tuhod. May dalawa siyang kasama na inaayos ang buhok niya.

"Ciara, nandito yung mga damit mo sabi ni Ana. Nakalimutan kanina sa room." Lapit ko sa kanila.

Matamis akong nginitian ni Ciara. "Thanks Vereen!"

"Vereen, dun mo ilagay." Sabi nung isa sa kaklase ko na kasama ni Ciara.

Tumango ako at pumunta sa isang gilid para ilagay ang nakahanger na damit. Akma na sana akong aalis nang nagsalita yung isa. "Bantayan mo muna, baka magkagulo-gulo mamaya sa pagpalit."

Huminga ako nang malalim at tumango ulit. No choice at all kesa naman mapahiya pa si Ciara sa paghahanap ng maisusuot. "Okay... Dito lang ako."

Nilibot ko ang paningin at mga babaeng kandidata lang ang nandito. Siguro yung mga lalaki nagreready na. I wonder where's Achilois?

"Ready na guys! Quick! Position!"

Nagsialisan na ang mga kandidata dito at napunta sa mga gilid malapit sa kurtina para mapunta sa gitna ng stage. Hindi ko na malaman kung sino sino sila dahil nagkagulo na.

May ilang mga tao rin dito at inaayos ang mga gown na isusuot kapag tapos na sa pagpapakilala. Girls wear simple dress while guys wear their casual clothes, parang nagmamall lang. Next na isusuot sports wear, sunod swim wear at sa huli night gowns and tuxedo. Inayos ko na lang ang isusuot ni Ciara para hindi na magulo pa mamaya.

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon