Chapter 24

163 33 0
                                    

Chapter 24

Always

Hindi ko mahanap si Achilois sa kung saan. Napunta na rin ako sa basketball court pero wala raw doong Achilois na napadpad. Hindi pa raw ito nagpapakita sa kanila para magpractice sa hapon na ito.

Hindi ko mapigilang manlumo. Achilois is very mad at me for that hug! Sa sobrang galit niya, nasuntok niya pa yung pader. How is he now? Nasugatan ba ang kamao niya?

Dahil wala siya sa barketball court, sunod kong pinuntahan ay ang garden. Sinuyod ko ang buong sulok pero wala siya doon. Dapat pala talaga, hindi ko pinalipas ang thirty minutes sa isiping kailangan niya ng oras para makapag-isip. Pero nang maaalala ko ang galit niya, nagpatuloy na ako sa paghahanap.

Me:
Achilois... Where are you? Nag-aalala na ako.

Me:
Achilois. Please answer my call.

Me:
I'm worried! Please, kausapin mo ako.

Ilan pang text ang sinend ko sa kanya. I even call him but it still ringing ang ringing. Nakakainis na hindi niya talaga sinasagot!

Halos patakbo-takbo na ako sa buong campus at pinaghahanap siya. He said that whatever problem we had, pag-uusapan namin yun. Pero ngayon tumatakas pa siya! Nakakainis!

Huminga ako nang malalim saka naupo sa bench. Hindi ko na talaga kinaya ang pagod sa pagtakbo. My chest is hammering too fast! Pagod na ako at uhaw pa.

Halos ilang araw pa nung naging kami pero heto kami, nagkatampuhan pa.

Pero ano bang gagawin ko kung nangyari na ang di dapat? Achilois seems furious for what happen. He seems so mad because he saw me with other man hugging me. Kahit siguro ako magagalit diba?

Then something in mind makes me stand up straight. Naalala ko noong dinala niya ako sa isang room. Nung nagconfess siya sakin. Baka nandun siya!

Agad kong tinakbo ang lugar na yun. It's on the fourth floor of engineering department. May daang dinaanan kami na hindi na kailangan pang dumaan sa mga classroom.

Dahan-dahan kong binuksan ang di nakakandadong gate sa likod ng building at binalik ang pagkakaayos nun sa dati. Siguro hindi napansin ni Achilois na hindi niya pala nasarado.

Umakyat ako sa hagdanan at agad na nagulat nang makita ang tatlong patak ng dugo sa sahig.

Shit!

Mabilis akong tumakbo pataas. Achilois is here! It's positive!

Halos tatlong minuto ang naging takbo ko hanggang sa makarating sa itaas. Nakita ko ang itim na pinto at nakakasigurong ito yung napuntahan naming lugar noon ni Achilois. Mahina akong tumikhim at agad na pinihit ang seradura.

The doorknob was not locked. Dahil sa unang pihit ay bumukas na agad ang pinto.

Sumilip ako sa loob... Medyo madilim pero malamig naman dahil sa aircon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at dahan dahan sa pagpasok.

"Achilois?" Mahina kong tawag sa kanya. Achilois is here... Ramdam ko yun.

Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan yun. Tumambad sa akin ang nakahigang si Achilois sapo ang noo ng kaliwang braso at mukhang nakatulog na. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at nilock yun.

I can see that he's still good. Bukod sa nagkalat na magazine sa ibaba ng center table, wala namang nabasag na kung ano.

Nilapitan ko siya at agad kong nakita ang kamao niyang may tumutulo pang dugo. Bumababa ang dugo mula doon hanggang sa noo niya.

Using my hand, inabot ko yun. He flinch as he open his eyes. Kumunot ang noo niya nang makita akong nakaluhod at nakatingin nang diretso sa kanya hawak ang kaliwa niyang kamay.

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon