Chapter 30

183 31 0
                                    

Chapter 30

Cold

"Have you heard the news? Yung heiress raw ng Vejetaires Family- yung may-ari nung tinuluyan natin nung nag team building tayo, bumalik na raw!"

"Woah! Really? I want to meet her. Sabi raw hindi yun nagpapakita sa mga tao eh."

"Yeah! Homeschooled nga eh."

Afternoon, while walking on the corridor, rinig na rinig ko ang usapan ng karamihan. About the heiress... Halos usap-usapan na yun sa buong school. Hindi ko talaga gusto ang mga ganung usapan.

Tiningala ko si Achilois na kasabay ko sa paglalakad at tahimik lang na hawak ang kamay ko. Wala ata sa mood tong tao na to.

"Hi Vereen! Hi Achilois!" Ngiting sabi nung dumaan kami. Tipid lang akong ngumiti. Pagkatapos ng lahat, mukhang nasanay na rin ang karamihan sa amin. Though may mangilan-ngilan na napapataas ang kilay kapag nakikita kaming magkasama ni Achilois.

It's been three weeks since Achilois and I are in relationship. And it's been a week since he was jealous with Larrick because of the review in quiz bee. Nasanay na rin naman ako sa gawi niya at nasasabayan ko naman ang tantrums niya. What a jealous boyfriend!

Pero... Ang nakapagtataka ang pagkatahimik niya ngayon. Okay pa naman siya kanina... He seem not moody with Larrick again when we review. He is very much okay but weird things happen just this afternoon...

"Achilois..." Agaw pansin ko sa kanya na natulala na ata habang naglalakad kami. Ilang hakbang na lang at nasa gate na kami pauwi.

"Babymine?" Tawag ko ulit sa kanya. Kumurap kurap siya saka nilingon ako. He smiled. "What is it?"

"Kanina ka pa tulala. Ano bang nasa isip mo?"

Umiling siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Nothing babymine.." He said.

Tumango na lang ako. Maybe he's just overthinking again... Maybe about his family?

Sumakay na kami sa trike pagkatapos. Katulad kanina, ang tahimik niya pa rin. I don't understand why he act like this. At nakakainis na hindi ko siya mabasa-basa!

"Babymine... Sa tingin mo ba, mabait ang mga Vejetaires?"

Kumalabog ang puso ko sa biglaang tanong niya. Why is he asking me that?

Tumikhim ako para mawala ang kaba. Jeez.

"Ah... Si Heil mabait naman diba? Bakit mo naman yan tinatanong?"

"Just curious. Makapangyarihan ang pamilya nila diba?"

"Bakit kayo hindi? Sikat rin sa elites ang pamilya niyo diba?"

Ngumuso siya pero seryoso ang mukha. "Yes... They are."

"Hindi ka updated sa pamilya mo?"

Natigilan siya at sumandal sa balikat ko. Hindi ko talaga maintindihan ang kilos ngayon ni Achilois.

"Diba... Napupunta ka sa mansion nina Xiera? Yun bang Mama niya at Tito niya mabait sayo?"

Tinitigan ko siya habang nakasandal sa balikat ko. Parang may kung ano sa boses niya.

Sinuklay ko ang itim niyang buhok gamit ang daliri. Yumakap ang kaliwa niyang braso sakin. "Mabait naman sila... Pero hindi naman kami gaanong nag-uusap. You know how busy they are..."

"Hindi ka ba nila pinagmalupitan?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi. Mabait sila... Ano bang mga tanong mong yan! Feeling ko may masamang ginawa sayo ang Vejetaires clan ah!"

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon