Chapter 14
Catch
Days. Months have passed at naging maayos naman kami ni Achilois. He's a good friend. Minsan kapag ayaw ko siyang kausap, tatabi lang yan sakin at hindi magsasalita hanggang sa mag-open up ako ng problema ko pero hindi gaanong detalyado. Naging maayos kami ni Achilois at hindi pinansin ang ilang chismis tungkol samin
Heil was out of town again because his Dad wants them together at US. Magiging busy siya dun ng ilang araw kaya hindi kami magkikita. Minsan nagsskype kami pero madalian lang yun. Kaya ngayon, dahil wala si Heil, si Achilois lang ang kasa-kasama ko.
Yamot kong kinuha ang phone ko nang marinig na nagriring iyon. Kahit inaantok, sinagot ko pa rin ang tawag.
"Hello?" I said in very sleepy voice.
Narinig ko ang mahinang tawa sa kabilang linya. "Good Morning! Kagigising mo pa lang? Diba 5 am ang calling time sa bus?"
Argh! Napatingin ako sa wallclock at padapang inihiga ang mukha sa unan. It's 4:45am!
"Ayokong sumama sa field trip. Pwede naman atang hindi na Achilois!"
Natawa ulit siya. "Eh di sayang ng pag-iimpake mo kagabi saka yung bayad natin sa field trip."
"Fine! Mag-aayos na."
Binabaan ko na siya ng tawag at agad na dumiretso ng banyo para maligo.
Nang makalabas, nadatnan ko si Achilois na may bitbit na isang malaking backpack at duffle bag.
"Dinaig mo pa ko. Dalawang araw lang naman tayo sa Baguio." Salubong ko agad sa kanya. Napakamot siya ng leeg bago kinuha ang hawak kong duffle bag rin.
"Ako na Achilois. Magaan lang naman to."
Ngumuso siya at umiling. "Ako na para gentleman naman..."
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.
Dahil maagang maaga pa, napasandal ako sa balikat ni Achilois habang magkatabi kaming nakaupo sa jeep. "Gisingin mo na lang ako pag nasa school na tayo. Inaantok pa ako eh." Hikab kong sabi at tinakpan ng cap ang mukha ko.
Inakbayan niya ako at hinimas ang balikat ko. "Tulog ka lang, I'll be here..."
Nakatulog nga ako at naramdaman ko na lang na mahinang niyuyogyog ni Achilois ang balikat ko. I licked my lower lips and looked at him. Nagkatinginan kami at agad akong nag-iwas ng tingin.
"Nandito na ba?"
He nodded at me.
Nauna akong bumaba ng jeep habang siya naman ang nahuli. Dala-dala niya ang bag ko kaya sumabay ako sa kanya sa paglalakad para kunin yun.
"I can manage Achilois..."
"Ako na. Ihahatid na kita sa bus mo?"
Inirapan ko na lang siya at hinayaan sa gusto niyang gawin.
Dahil magkakasama sa isang bus ang magkakadepartment, nagkahiwalay kami ni Achilois. Nakakainis na siya lang nga ang kaibigan kong ka-close pero napahiwalay pa. Kaya ayaw kong sumama sa mga ganito kasi wala naman akong kasama! Si Heil naman hindi pinapayagan sa ganito ng parents niya.
Kahit na ako rin eh kaso... may deal.
"Ako na dito Achilois. Pinagtitinginan ulit tayo. Last time napagkamalang magdyowa tayo kahit hindi kaya naman..." Itinulak ko siya. "Text text na lang. Nakakabagot dito sa bus."
He smiled and nodded. "Basta kung may kailangan ka, sabihin mo sakin nang magawa ko. Sinabi ko kay Xiera na aalagaan kita kapag wala siya diba?"
"Oo na. Dun ka na sa mga inhinyero."
![](https://img.wattpad.com/cover/68921111-288-k242736.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text