Chapter 11
Heavy
Inis akong napasabunot sa buhok ko nang marealize na hindi ko pala dala ang phone ko. Ngayon ko lang nalaman kung kailan itetext ko sana si Heil para mag-usap kami na mukhang hindi mangyayari. Siguro bukas na lang o kung magkasalubong ang landas namin ngayong araw.
Inayos ko ang gulo-gulo kong buhok sa harap ng salamin ng cr saka napabuntong hininga. Mukha nga akong dugyutin sa ayos ko ngayon kaya parang nandidiri ang tingin sakin nung Catarina. Nag-aayos lang naman ako kapag alam kong importante ang okasyon katulad ng birthday o kapag sinabi ni Heil na mag-ayos ako.
Hindi pa ako nagsusuklay simula pa kaninang umaga pagkatapos kong maligo at tanghali na ngayon. Dahil nangingibabaw ang eyebags ko ngayon, nagsuot ako ng walang gradong eyeglass.
Natawa ako sa sarili ko. Wala sana akong pimples o pimple marks pero mukha naman akong dugyutin. Naghilamos ako, tinuyo yun at agad na lumabas ng cr.
Tinatamad akong naglakad sa hallway at hindi na initindi ang ilang titig sa akin. Siguro dahil mukha na akong sinabunutan ng ilang unggoy at mukha na akong pulubing ewan. I don't care at all. Ano naman kung ganito ang ayos ko? May paki ba ako!
Bumalik ako sa room namin at nadatnan na parang may komosyon sa isang gilid ng room. Nagkukumpulan sila doon na as if may something na sobrang interesante. Hindi sana ako mangingialam kaso narinig ko ang ilan sa pag-uusap nila.
"Achilois and Catarina are now dating? Sure na ba yan?"
"It's all over the internet! Dito nga sa school natin nagkikita raw silang dalawa."
"Yep! I saw them awhile ago. Mukhang sila na ata?"
"Oh gosh! No way!"
"Bagay naman sila. Parehas nanalo sa pageant so?"
Napalumbaba ako at hinimas ang pang-ibabang labi gamit ang daliri ko. Siguro pagkatapos ng nangyari kahapon, naisip ni Achilois na gusto niya si Catarina. Bagay naman sila kaya wala namang masama. Sinabi niya naman sakin na nakamove on na siya kay Heil kaya pwede naman siyang maghanap ng bago diba?
Lalaki lang naman siya... Syempre iba ang utak ng mga lalaki sa babae. Iba din ang pananaw nila tungkol sa love kesa sa mga babaeng katulad ko. I think Achilois is taking his sweet time around with other girl.
Pero bakit sa dami pa ng babae, yung Catarina na yun? For me she is like an angel looking pretender with bitchy attitude. Di bagay sa ugali ni Achilois na mabait saka makulit.
Nakakabored pala! I don't have my phone, wala akong magawa dito sa classroom kundi mag-isip. Wala namang nakikipag-usap sakin kaya...
Napayuko ako sa desk ko at pinikit ang mata. Maybe our prof will be here any minute or so but I don't want to see my blockmates being eager about that dating issue. Naalibadbaran lang ako! Kung pwede lang ipikit ang tenga ko ginawa ko na.
"Naalala niyo yung sinabi ni Achilois sa pageant? Diba sabi niya may nagugustuhan raw siyang babae! Maybe that's Catarina!"
"Yes! I remember! Si Catarina na ata yun siguro."
"Ang gwapo sana ni Achilois kaso taken na."
They all sigh. Mas pinikit ko nang mariin ang mata. Gossips gossips gossips! Kainis!
Naramdaman kong nagsitahimikan sila. Parang may kung sino ang dumating o baka nandito na ang prof namin. Pero hindi naman sila nagsigalawan pabalik sa pwesto nila kaya imposibleng yun yung prof namin.
Itinaas ko ang paningin sa malapit sa pintuan at agad na nakita yung pesteng lalaki. He's with Blake and looking inside our room. Naka-sibilyan silang damit at siguro may binisita. Maybe Blake is visitting Heil but why would he bring that Alexander?
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text