Chapter 9Thump
Halos ilang linggo ko na ring kilala si Achilois at sa totoo lang medyo nakakagaan na siya ng loob. I like him as a friend eventhough he's that makulit.
"Sabihin mo nga, crush mo na si Achilois no?"
Nadulas ang kamay ko habang naglalagay ng colorless nail polish sa paa. Nagkalat tuloy yun sa daliri ko.
"Heil! Of course not!"
Nang-aasar siyang tumingin sakin. "We promise each other not to hide secrets right? Sabihin mo na kasing crush mo siya at titigil na ko."
Hindi ko siya pinansin at pinunasan ang nagkalat na nailpolish sa daliri ko sa paa. Maglalagay ulit ako nang ginalaw niya ang kamay ko.
"Heil!"
But Heil is Heil, she just laugh out loud. "Kapag hindi ka umamin, hindi ako titigil." Sabi niya.
Inayos ko ang takip ng nail polish ko at naupo sa kama. Bahagya akong napatingin sa bahay ni Achilois mula dito sa loob ng kwarto ko.
"Fine. Aamin na."
Kita ko ang kislap ng kakulitan at kapilyahan sa mata niya. Nag-indian seat siya sa harap ko.
"Hindi ko siya gusto... Sabihin na nating first time akong naging ganyan ka-close sa lalaki pero wala talaga akong maramdaman kahit na konti sa kanya. Ayos na?"
Ngumuso siya at pinagkrus ang braso. "I hate you!"
"Hindi ako nagbibiro. Hindi ako nagsisinungaling Heil."
Mas lalo siyang ngumuso. "Mamaya kapag nakausap ko yang si Achilois, tatanungin ko siya kung bakit may paligaw-ligaw pa siya saking nalalaman pero hindi naman totoo!"
Napailing na lang ako sa kanya. I don't want to argue with Heil for the nth time. Iginigiit niya kasing hindi siya mahal ni Achilois at ginagawa lang yun ni Achilois para mapalapit sakin. Hindi ako naniniwalang gagawin yun ni Achilois, isa yung kabaliwan.
"Did your Father call you already? Malapit ka nang mag 21 diba?" Tanong niya kapagkwan sa seryosong boses. Tumiim ang bagang ko.
"I don't want to talk that about Heil." Sabi ko. "Akin na yang buhok mo, aayusin ko." she just nodded.
"Sorry sa pagtanong ko... Nakakatakot lang kasi ang Father mo. You know what he can do right?"
I know Heil.
Natahimik ulit ako.
Nagkwentuhan lang kami sa ibang bagay hanggang sa tinext ko na si Achilois. Heil is grinning from ear to ear. "Pustahan tayo, magtetext yan kagad-"
My phone vibrated. It's Achilois' reply. "Sabi ko na eh!"
Achilois:
Okay. I'll be there in a minute.Sinapak ako ni Heil sa braso. Agad kong ikinangiwi yun. "One call away lang ang friend mo ah. "
"Obviously. Nasa harap lang sila ng bahay namin."
Natawa siya.
Bumaba na kami sa sala ni Heil at walang nadatnan doon na kahit sino. Maybe Nana is not around again?
Narinig naming may kumatok. Agad na tumikhim si Heil at pormal na umupo. Ngumuso ako sa ginawa niya at lumapit sa pinto.
"Hi. Nandyan na siya?" Achilois asked with paper bags of famous fast food chain.
"Pasok ka."
He wetted his lips before coming inside. Kita kong medyo okay naman siya. He doesn't nervous at all.
![](https://img.wattpad.com/cover/68921111-288-k242736.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Подростковая литератураHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text