Chapter 10
Exhibit
Gab:
Where are you Vereen?Me:
I'm on my way... May hinihintay lang.Gab:
Okay. Magsama ka pa ng iba para maraming maka-appreciate sa photos ko.Me:
I will.Hindi na sana ako aalis ngayon nang maalala kong nagpromise pala ako kay Gab na pupunta ako. Hindi naman ako pwedeng magsabi na hindi ako pupunta kasi ineexpect ako ni Gab na makakapunta.
It's almost 9 am. Mamaya pang 10 am ang simula pero nakabihis na ako't lahat lahat. Wearing my pink shirt and my white jeans, I'm off to go. Napatingin ako sa labas ng bintana at di pa rin lumalabas si Achilois. Ilang beses niya akong kinulit na sasama siya pero siya naman pala ang late.
Napaayos ako ng tayo nang makita si Achilois na parang natatarantang lumabas ng pinto ng bahay nila habang may hawak na phone. He's brushing his wet hair upward while doing his phone. Kita ko ang medyo pagkataranta niya.
In a second, I heard my phone beep. Umalis ako sa bintana ng kwarto ko at itinabing ang kurtina nun. Kinuha ko ang phone ko sa kama saka nilock ang pinto pababa ng hagdan habang hawak ang phone ko.
Achilois:
Good Morning! Sorry kung late. Kagigising ko lang kasi, nasaan ka? Umalis ka na ba? Akala ko ba sasama ako?Napailing ako at lumabas ng pinto ng bahay namin saka nilock yun.
Nakita ko sa labas ng gate nila si Achilois na kagat-kagat ang labi habang nakatingin sa phone niya.
"Achilois!" Tawag ko palapit. Kita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya nang makita ako. He jogged swiftly infront of me.
"Akala ko iniwan mo na ako eh!" Angal niya agad habang nakanguso. His hair is still wet at halos sumabog ang pabango niya sa hangin. He smells good actually.
Dugdug
Umiling ako at pasimpleng lumunok. He's wearing a black polo shirt na nakabukas ang dalawang butones at pants. Naaninag ko tuloy ang kulay ginto niyang kwintas. Napatingin ulit ako sa mukha niya at nakitang nakangiti siya sakin habang nagsasalita pero parang hindi ko yun marinig.
Napakurap ako nang bigla niyang nilapit ang mukha sa akin. Then I smell his scent, mint and perfume. "Ayos ka lang?" He said while his face is inches away from me. I felt his minty breath fan my face. "Namumula ang mukha mo?" He said again in concern tone. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang noo ko na agad ko ikinagulat. Tinapik ko ang kamay niya paalis at umatras.
Dugdug!
Heart stop it! He's just Achilois Montero! Wag kang magwala!
Tumikhim ako. "Ang init ng panahon kaya wag kang lalapit." Mataray kong sabi. Vereen you're not on your fucking self! Snap it off!
"Ah... Ang hot ko kasi naramdaman mo pala?" Pang-aasar niya. Umirap ako at tinalikuran siya. "Alis na tayo. Naghihintay na sina Larrick."
"Oo na."
Kasabay ko si Achilois sa paglalakad at ito ang unang beses na nailang ako sa presensya niya. Nasobrahan ata ako sa kaiisip kagabi at kung ano-ano na lang ang nangyayari.
Salita nang salita si Achilois pero tahimik lang ako at tumatango o umiiling lang sa kanya. Mukhang napansin niyang hindi ako magsasalita kaya tumahimik na lang rin siya.
Sumakay na kami sa jeep pagkatapos. Hindi kami sumakay sa motor niya kasi iginiit ko na magjeep na lang kami. Since sasama lang siya, wala siyang choice kundi ang sumunod.
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text